CHAPTER 1

95 10 0
                                        

KHEILANIE

"Ate Khei, wala ka bang balak na i-celebrate ang iyong birthday mo? You are turning twenty this year," paalala naman nitong si Viera sa akin habang sinasamahan niya akong libutin ang Town Ili-jea upang hanapan ang isang binabalak kong kontratahin na supplier ko ng mga tela.

Ngumiti naman ako rito at umiling. "Hindi na. At saka ang iniisip ko ngayon ay ang kasal ni Ate Mora."

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ako. "All of you are goody-two-shoes. Hindi rin masama na maging selfish kayo."

I snicker and push her back to continue walking. "Hahaha! Hindi naman na kasi kailangan na isipin. At saka wala rito si Khana upang makasama kong mag-celebrate."

"That was the point! Masyado niyong iniisip ang ibang tao, pero paano naman kayo na gusto niyo rin magsaya." She said frustratingly.

"Viera," I warned her, and stopping on my track, "Desisyon ko iyon. At nais kong makasama talaga si Khana para mag-celebrate. Sanay akong kasama ko siya sa mga ganoong okasyon."

Viera grumbled and stepped away from me. "Alright! Desisyon niyo na 'yan na piliin ang maging mabuti." Iwinagayway nito ang kaniyang kamay at naunang naglakad sa akin.

Pinanuod ko itong maglakad papalayo, pero napangiti ako ng mapait dito dahil hindi naman nagkakamali si Viera sa mga binitawan niyang mga salita. Sa totoo lang, nais kong ipagdiriwang ang kaarawan ko. Subalit, magmula noong natanggal ang titulo ni Khana bilang prinsesa ay nawalan na ako ng gana sa mga ganitong klaseng okasyon. Hindi lang ako nawalan ng nakababatang kapatid, I also lost the other half of me.

Ibinaling ko saglit ang aking tingin sa isang gusali. Sa kabila ng isang malaking salamin, nakatayo roon ang isang manika. Kagaya nito ang manika na binigay sa amin ni Khana ni Mamá noong mga bata kami. I forgot where I hid my doll when we were eight. I used to cry because I couldn't find mine, pero malalaman ko pala na kinuha iyon ni Khana at dinumihan niya ang unang manika na aking inayusan.

"Do you like that doll?" Napalingon naman ako kay Viera na katabi ko na ulit. "Ano itutuloy pa ba natin ang paghahanap ng supplier mo o tititigan mo iyang manika hanggang sa gumalaw iyan mag-isa?" Nagtaas ito ng isang kilay at nagkibit-balikat.

Napalabi naman ako sa kaniya. "Napaka sungit mong bata ka."

"Gusto ko na kasi magpahinga, Ate Khei! Maawa ka naman sa akin. Pagkatapos kasi nito ay kikitain ko rin naman si Ate Kimora upang tignan ang kalagayan niya. At si Khally kung kinakaya pa ba niyag makapag-isa sa palasyo."

Pasimple akong humagikhik dito. Kahit masungit si Viera, sa aming lahat ay siya talaga itong may mabusilak na puso. Lagi niya rin iniisip ang kalagayn naming lahat sa palasyo.

Noong hindi namin nakakasama na si Khana, dahil lumuluwas ito para sa kaniyang trabaho bilang isang heneral, ay siyang nakakasama ko sa aking mga gimik na pagbili ng mga tela at pagiging modelo kapag gumagawa ako ng mga kasuotan. Kapag si Ate Kimora ay tinutulungan niya iyon sa pag-aayos ng mga papeles sa tuwing gumagawa ito ng kasulatan na idadala sa People of the Monarch System. Sa kabilang dako naman, ay sinasamahan niya si Khally sa kaniyang pag-aaral kahit lagi itong inaantok.

"Ate! Nakatulala ka na rin! What if umuwi na lang tayo dahil hindi ko na talaga nakakaya ito." Pagpapaalam nito at kinakaway ang kaniyang palad sa aking mukha.

Hinawakan ko naman ang kaniyang kamay at umiling. "Magtatrabaho pa ako, Viera. Pero maaari ka na umuna sa palasyo. Para na rin may kasama si Ate Kimora."

Kumunot naman ang noo nito. "Paano ka?"

"Hindi nila ako mapapansin dito. At saka baka umatras din ang mga tao dahil ang mukha namin ni Khana ay iisa." Sabay turo sa aking mukha.

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon