CHAPTER 23

238 13 0
                                        

KOHLEN

Nagising akong sa isang bangungot na hinahabol ako ni Khanarie dahil pinakasalan ko raw si Kheilanie. Maganda na sana ang panaginip na 'yon kung wala siya.

I groggily left my room, and staggering my way to the dining room. Maybe a refreshment could salvage me from my nightmare.—And on the second thought, binabawi ko na yung maghahanap ako nang kooperasiyon ko rito. Hindi ko na kailangan tulong nila. Sa ibang pamilya na lang ako maghahanap ng mapapakasalan upang maisalba ang pamilya ko kay Wrieck.

Pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko rito sa palasiyo at napahaplos ako sa magkabilang balikat ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon?

"Shit! Napakabagal ng takbo ng oras! Tapos may bangkay pa sa gitna ng grand hall!"—I froze near the grand hall's staircase—"Fuck! Buhay pa!"

Gumalaw yung katawan sa gitna at umalingawngaw sa buong pasilyo ang ungol niya. I knew it! I've knew from the start that my mother was wrong sending me here!

Naupo ang bangkay at hinaplos nito ang kaniyang likod. Her dark brown is frizzy and messy all over her face. I know someone with the same hair as her. But she is in her room and has no time to be sprawling at the grand hall floor. Nang magtama ang mata namin ay nanindig ang mga balahibo ko sa putla ng mukha niya.

"OH SHIT! MAY BUHAY NA BANGKAY! MAY BUHAY NA BANGKAY!" Kumaripas ako ng takbo sa kwarto ni Codhille at kinatok ng napakalakas ang kaniyang silid. "CODIE! CODIE! BUKSAN MO ANG PINTO! CODIE!" Hindi pa rin ako pinagbubuksan ng pinto ni Codie. Imposibleng hindi ako maririnig nito. Malakas na ang kalabog ko sa pinto ng kaniyang silid.

"Kohlen..." A girl's voice called me in a low tone.

Pagkalingon ko nakita ko na naman ang buhay na bangkay. "Huwag mo akong multuhin! Multuhin mo na lang si Codhille! Magtakutan kayong dalawa! Exciting 'yon! Deserve niya!" Kinalampag ko na ang pintuan at hindi pa rin ito bumibigay.

Tangina! Kung kailan kailangan ang tulog nito saka siya wala. Damn it!

"Prince Kohlen, I may look messy right now." Dinig kong singhap niya at sinuklay nito ang magulo niyang buhok. Lumantad na ang kaniyang mukha at lalo akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking katawan. "I have no time to scare anyone here aside you."

"G-General Wainwright!?"

"Kunin mo na ang kabalyero mo na namamahinga sa kwarto ko. Ilipat mo siya sa kaniyang silid dahil kailangan kong magpalit. May darating na bisita na ngayon na kakailanganin ang presensiya ko." Kabalyero? Sino naman tinutukoy nito? Sumenyas siya sa akin na sumunod sa kaniya. Pagkatapat namin ng kaniyang silid at pagbuksan niya ako ng pinto, ay manilog ang mga mata ko dito.

"Anong ginagawa ni Codie sa kwarto mo?" I look at her with wide eyes.

"Don't give me that look, Kohlen Steadman."

"May ginawa kayo?!" Namula siya at hinampas ako sa balikat. "Ouch!" Napangiwi ako sa bigat ng kamay nito.

"Pinatulog ko lang siya sa kwarto ko dahil may lason siya sa kaniyang katawan!"

Poison... Codie said no one followed us here to harm any of us.

"Huwag kang mag-alala. Nagamot ko na siya. Nagpapahinga lamang siya sa kwarto ko. At saka sa grand hall ako nakatulog. Napagkamalan mo akong buhay na bangkay hindi ba?"

"Ikaw 'yon!?" Bulyaw ko sa kaniya. Pero hinampas niya ulit ako. "Namumuro ka na!"

"Not really!" Nahagilap ko ang pag-ismid nito. Napailing ako sa kaniya at hunalukipkip.

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon