CHAPTER 50

198 14 0
                                        

KOHLEN

We all rushed to Prukkehiya when we heard the news about what had happened to Codhille.

Pagkarating namin sa ospital ay nagkakagulo ang mga nars sa labas ng isang ward. Nagtanong naman kami kung may naka-confine na Codhille Sotello sa kanilang records at kung maaari ba naamin siyang kitain.

Hindi pa nakakasagot ang isang nars sa reception ay may lumapit sa amin na isang kabalyero.

"Queen Kheilanie!" Nag-aalalang tawag ni Paris sa aking asawa. "Khanarie is going ballistic! We need your help!" Pagmamakaawa nito at nagkatinginan kami ng asawa ko.

Sumunod kami nina Kheilanie at Khally sa kaniya. Rinig kahit sa malayuan ang hagulgol at pangangalampag nang pinto ni Khanarie. Ngayon ko lang nakita ang heneral na ganoon. Kung sakaling ganoon ang kaniyang rekasyon niya, maaaring si Codie ang nasa loob ng isang ward.

"Q-Queen Kheilanie." Nauutal na tawag ni Paris sa tabi namin.

Nilipat ko ang aking tingin kay Kheilanie. Nakatitig lamang siya sa kaniyang kapatid na puno nang awa. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa isa pang kabalyero na lumapit sa amin. "Put her to sleep Hemington," utos nito kay Hemington.

Napasinghap siya't lumapit kay Khana. I took a sharp breath when Khanarie collapses in Hemington's arms. Napataluog niya ang heneral nang may tamaan ito malapit sa leeg ni Khanarie.

"Kohlen, ikaw muna ang tumingin sa iyong pinsan. Kay Khanarie at Viera muna ako ngayon." Malumanay na utos sa akin nang aking asawa at tumango ako dito. "Thank you."

Umalis si Kheilanie sa aking tabi at tumungo kay Hemington na buhat-buhat si Khanarie.

🪡

It was a traumatizing day for everyone. Lalo na kay Khanarie. Naikwento ni Prinston na babarilin dapat si Khanarie ng mga kalaban kanina, but Codhille jumped right in and accepted every bullet shot for Khanarie. My wife cried silently through the story.

"Tumahan ka, Kheilanie... Ligtas ang iyong kambal."

"P-pero sinisisi n-ni Khana ang sarili nito sa nangyari k-kay Codhille."

Umiling ako dito at inalo siya nang ilang minuto bago kami magwalay na bantayan ang mga sugatan na kapamilya namin.

Tatlong araw Ang lumipas, hindi pa rin gumigising si Codhille. Ngunit sabi ng doktor ay mabilis naman ang paggaling nito. Lumalaban daw ito lalo na noong gabing muntik na siyang bawian ng buhay. So, I waited. Hindi ako madalas umaalis sa tabi nito.

"Kohlen, aren't you going to rest, too?" Anyaya ng asawa ko nang puntahan niya ako dito sa ward ni Codhille.

"I do want to rest. I'm very tired, my queen."

Ngumiti siya ng malungkot at yumakap sa akin. "Pahinga ka na."

"I can't. Walang magbabantay kay Codhille."

"Mayroon," lumingon siya sa kaniyang likod at sumunod ako. Khanarie stood at the threshold of the ward, fidgeting through her fingers. "Si Khana ang bahala dito. Magpahinga ka na muna, Kohlen."

Tumango naman ako sa kaniya at tumayo sa kinauupuan ako. Khanarie steps in the ward, nodding at us. "Iwan ko muna si Codhille sa iyo, Khana. Pero huwag mo rin pababayaan ang sarili mo na hindi magpahinga." Pahabol na bilin ko sa heneral.

"Yes. I got it, Kohlen."

Nilagpasan na namin si Khana at bumalik sa palasyo ng kanilang pamilya. Pagkarating namin ay dumiretso kami sa aming silid ngunit napakunot ako nang noo at bumaba ang aking tingin kay Kheilanie.

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon