KHEILANIE
After a long rest, I cried a river.
Hindi ko pa kasi natatapos iyong dress ni Khanarie. Samakatuwid, dapat ay inaayos ko na rin ang bestida ni Viera. I slept for two days straight! At wala akong alaala na humiga ako sa kama.
Basta paggising ko ay nakita ko si Khana sa silid at nagmamaktol tapos siya rin nag-aayos ng kalat ko sa kwarto. Kokie purred beside me like she always does when I am stress.
"Naayos ko na ang kwarto mo."
"A-ano nga pala ang dahilan kaya ka narito, Khana?"
"I'm checking if you are still alive." She plops on the bed, lying her back beside me. "It is good to know you are well after two days. Akala ko kung ano na nangyari sa'yo dahil hindi ka na umalis sa iyong silid."
"Pasensya ka na... kagigising ko lang."
"Ayos na iyan kaysa malaman kong nagkasakit ka... Bakita ka nga pala umiiyak paggising mo? Ska aka lang tumigil nang papatapos na ako sa pag-aayos ng kwarto mo."
I pucker my lips. "I was stressed!"
"Sa alin? Hindi mo naman na tinatrabaho ang mga trabaho ko." Sumimangot lalo ako rito. "Oh, siya! Ganito na lang ang gawin mo, magpalit ka na. At kumain na lang dito. Nag-utos na ako sa mga mutsatsa na dalhan ka ng pagkain."
Nahiga naman ako sa tabi niya at niyakap ito ng mahigpit. Hindi niya ako tinulak at sinusumbatan. Hinayaan niya lamang ako na yumakap sa kaniya. Khanarie is the sweetest twin. Kahit hindi siya yung dating Khanarie na kakulitan ko noon, ay nanaig pa rin ang pagiging mabusilak niyang puso sa aming magkakapatid.
"Thank you, Khana!" I thanked her with a smile.
"Tss! Okay, don't be too sweet with me. It's giving me goosebumps." Pagpupumiglas na nito at tinutulak niya ako sa mukha.
"Ang sweet mo kasi!"
"Cut it out! I don't like it!"
"Arte mo!" Bumitaw na ako sa kaniya at muling naupo. "Ano pala ulit nangyari sa iyo? Hindi kasi kita naintindihan kanina."
Napairap naman ito. "I was pissed off!" Bumalikwas ito ng upo.
"Lagi naman." Puna ko sa kaniya.
"How could you guys handle men if they are a bunch of headaches?"
Pasimple akong tumawa at niyakap ulit ito. "That is fallacy, Khanarie. Hindi naman lahat ng lalaki ay sakit sa ulo."
"Paano ka nakakaisguro?"
"Because people are different, Khana." Diretsa kong sagot dito; hindi naman ito umimik. "Is this about Codhille and Kohlen again?"
Nandilim naman ang mukha nito nang banggitin ko ang pangalan ng dalawang binata. "Who else?!—Pero mas napupuno na ako kay Codhille!"
"That's rude."
"Play along with my rants, Kheilanie. Don't interrupt."
I snicker and snuggle my head on her shoulder. "Hahahaha! Okay! So, tell me, what happened again?"
"Kasi papansin ang Codhille na iyon! Minsan susulpot kung saan ako galing at tutulungan sa mga bagay na hindi niya dapat ako tulungan. Para ko siyang anino na ma sariling buhay!" Hindi ko na pinigilan ang aking tawa rito. Hindi ako makapaniwala na hetong si Mr. Cohdille ang siyang makakainis sa kapatid ko na wala man lang gagawin na sabotahiin ang buhay niya sa palasyo. "What's so funny?!"
"Kayo! Hahaha! Nakakatawa kayong dalawa!"
"Nothing is funny, Khei."
"Oo, kaya! At saka ang sweet niyo! Ngayon ko napansin na bagay pala kayo ng kabalyero." Kantyaw ko rito. Nilingon ako ni Khana at sinamaan ng tingin. Hindi ko naman iyon pinansin at nagpatuloy sa pangangasar ko rito. "Sa kaiisip mo diyan kay Mr. Codhille baka may ma-develop, Khanarie. Sige ka! Dapat nasa kasal niyo ako kung ganoon."
BINABASA MO ANG
Wainwright Series 2: A Doll Not to be Replace
FantasiaThe similar designs weaves differently in her hand. 🪡 Kheilanie Wainwright impersonates her twin sister: Khanarie Wainwright, whenever she is away from the Wainwright Palace because of her duty. Her disguise is unique, but her life isn't. Force to...
