CHAPTER 7

269 14 0
                                        

KOHLEN

Wala na namang kwenta na kausap ang pinsan ko habang nililibot namin ang bayan. Pero kung iyong dalaga ang babanggitin ko ay kulang na lang lagyan ko ng tape ang bibig niya upang huminto ito sa pagkwento.

"Stop bringing her up, Kohlen. I'm this close to muzzle your mouth." He balled his fist; and I step away from him.

Napaka niyang nilalang. Tinutulungan ko na nga ito, ako pa rin ang magiging masama sa buhay niya.

Inilibot ko muli ang aking paningin sa hile-hilerang mga paninda na pagkain. Siyang tunay na mayroon ngang selebrasyon sa bayan na ito.

"This place is superb, Codie! Ang tanga ng mga tsismoso't tsismosa sa atin. 'Yong mga nagsasabing nakakatakot ang lugar na ito dahil sa mga Wainwright? Hindi naman, e!" Depensa ko sa aking pinsan at sinisiko ang kaniyang tagiliran. "I can't believe we'll find a town packed with civilize people and won't treat you indifferently."

Paglingon ko na naman dito ay mapapanis na ang kaniyang laway. Tinatanguan lang ulit ako nito. Kahit kailan, at kahit saan, hindi marunong makisama at sumagot ng maayos ito.

"Unlike Orinzet, these people don't corner anyone of status. They just carry on with their lives."

"How about checking a bar, Kohl?" Napakurap ako rito nang maging isang himala ang pag-aaya niya. "I'm curious."

"You want to drink right now?"

Umiling ito. "I'm open to options. I want to look for some. In case I get bored in the Wainwright."

Hindi ko man mawari ang nais nitong iparating, pero minsan lang mag-aya ang isang Codhille Sotello ay pagbibigan ko.

"Sure."

We roam the bars, not one establishment pique Codie.

We made another round, also asking locals for any recommendations. While we take a different route to a new bar that recently operated, somebody caught my attention. I pause to turn back at a thrift boutique. The wind chimes as the door closes behind the customer that enters. I wasn't sure if I was having a deja vu, but the woman that I saw looked like the same woman who Codie likes.

Ibinalik ko ang aking isip sa kasalukuyan. Napabuntong hininga ako dahil tuloy-tuloy ang lakad ni Codie. Hindi pa ata nito alam na wala ako sa tabi niya.

Pagkarating namin sa bar na nirekomenda ng isang mamamayan ay may kaguluhan na nangyayari sa labas. Napapito ako rito dahil inaasahan ko na heto na ang huli naming pupuntahan at wala kaming maabutan na kaguluhan.

Umalingangaw ang paghingi ng saklolo ng isang lalaki. Napakunot naman ako ng noo at akmang tutulungan ito pero pinigilan ako ni Codie.

"Step aside, Kohl. Hindi mo gugustuhin na madamay."

Ha? Pinagsasabi nito?

Napailing ako sa kaniya at pinaningkitan ng tingin ang kaguluhan na mayroon sa tabi ng bar.

"Siya ulit!?" Duro ko sa babae na galing sa palasyo. I scoff and shake my head.

Unbelievable. What kind of woman is she?

"Kakaiba talaga ang iyong tipo, Codie." Komento ko sa aking pinsan pero tinapunan lang ako nito ng masama na tingin. 

Tinaas ko ang dalawang kamay ko sa ere at pinako ang aking atensyon sa kaguluhan. Bawat tadyak ay napapangiwi ako para sa lalaki. Hindi siguro maganda ang biro nito kaya siya nasa ganoong sitwasyon. Kung gayon ay salamat kay Codie at pinigilan niya akong lumapit sa dalaga.

Nang matapos ang kaguluhan ay naglakad kami papalapit sa kaniya. Hindi mapigilan na pumito rito sa dalaga nang makita ko sa malapitan ang kaniyang ginawa doon sa lalaki na kaniyang binugbog.

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon