CHAPTER 48

191 14 0
                                        

KHEILANIE

Bumalik ako sa grand hall na kasama si Kohlen. Si Khanarie at Codhille naman ay magkasama din na lumapit sa amin. I hide my smile to see these two in good terms again.

"Anong ningingiti mo, Khei?" Tanong ni Kohlen.

"Wala lang naman. Hinihintay ko ang susunod na sasabihin ni Khanarie." Tinuro ko ang kinatatayuan ni Khanarie at nakaharap siya kay Papá.

"May ideya ka na ba sa sasabihin nito?" 

Umiling ulit ako. Inilibot ko ang tingin ko sa iba pa naming kasama. All that is left is Viera. Nagkatitigan kaming dalawa at tumango ito.

"Papá, tonight we will strike our enemy. Panigurado akong umabot na sa kanila ang balita ngayon na nakabalik na ako. Hindi magsasayang nang ang mga iyon na sugurin tayo dito." 

I sigh and look back at Papá whose eyes softens in dismay. "Are you sure? Pwede mo naman palipasin ng dalawang araw. Kababalik niyo lang rito. Mapahinga na muna kayo," pangungumbinsi ni Papá.

Mariin na umiling si Khana. Determinado ito sa kaniyang desisyon. "I am sure about this. Kailangan na itong matapos." Khana's hands balled, "I have been away for too long. I want to avenge my family and my people. Tumapak sila sa teritoryo natin na wala ako. Muntik pa kayong mapahamak dahil sa kanila. Hindi ko palilipasin iyon."

Hindi na nakatanggi pa si Papá sa naging desisyon ni Khana. Napaapit naman ako sa braso ng aking asawa at pinisil ang kaniyang braso. "Do you think this is a smart move, Kheilanie?" Bulong na pagtanong sa aking tabi ni Kohlen.

"No. But at some point, a rush attack could shake the enemy. At saka hindi rin nagkakamali si Khanarie sa parte na aabot na ang balita sa mga kalaban nila na nakabalik na ito." Ibinalik ko ang aking atensyon kay Viera, nakagat ito sa ibabang labi niya at nakatingin ito sa kaniyang mga paanan. Napapakamot din ito sa kaniyang braso na ginagawa lang niya kapag may alam ito. 

I heard Kohlen heaved a sigh. "If that is the case, kailangan kong maghanda para protektahan din kayo ngayong gabi."

Pinanuod ko na lang na mag-usap si Papá, Khana at Codhille. Maya't maya na rin ay nag-aya na rin si Papá na kumain kami bago namin gawin ang mga nais na plano ni Khanarie ngayong gabi.

Lahat kami ay tumango at nagtungo sa dining hall at pinatawag sa isang mutsatsa si Khally sa kaniyang silid. We ate in peace at pinilit kong magkwento si Khana tungkol sa mga pinagdaanan niya noong nakaraang apat na taon. Ang tanging sagot niya lang ay "isda" at "dagat".

Natatawa naman ako at nagbangayan pa si Viera at Khally sa mga sagot ni Khanarie. I tap my husband's hand, "Kohlen, abutan mo nga ako ng ubas. Tapos kuhanan mo ako ng asukal."

"Reyna ko, baka sumakit tiyan mo." Sermon pa nito.

Hinampas ko naman ang balikat niya at sinamaan siya ng tingin. "I am craving for it. Dali na, Kohlen! Huwag ka na manermon! Normal lang 'to sa mga buntis." Nataranta naman si Kohlen at kinuhanan niya ako ng gusto ko. 

Napasalampak ako sa upuan ko at tumingin sa direksyon nila Khanarie. Codhille whispered something to Khana's ear. I giggled as her face flustered from whatever Codhille said to her.

"Reyna ko, ito na po ubas mo." Inagaw ko agad kay Kohlen yung ubas at asukal tapos daling kinain. Ang sarap talaga. "Dahan-dahan lang, Khei!"

"Opo!" Parang bata na sagot dito at nagpatuloy sa aking pag-kain ng ubas.

I should enjoy this time. Baka ma-stress pa ako mamaya kapag magsisimula na sila sa kanilang pagpaplano mamaya nina Khanarie. 

🪡

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon