CHAPTER 32

235 14 0
                                        

KHEILANIE

There's this pinch on my heart as Codhille and Kohlen's conversation replays repeatedly.

Wala naman akong ginawang masama kay Kohlen. Paanong hindi ako gusto ng tao? Hindi din naman ako umamin sa kaniya ng nararamdaman ko pa, kaya bakit nito nasabing hindi niya ako gusto?

"Meow." Kokie purred in my arms. My little angel raises its head. Watery crystals fall into her fur. Kokie stretches, reaching her paws to my cheeks. I sniff and hug her.

"Damn! I'm sorry! Tahan ka na, Khei."

Umiling naman ako dito at umiwas. Binaba ko si kokie sa kama dahil ayaw kong masaktan ang aking pusa kakayakap sa kaniya. "Leave my room, Kohlen." Mahinahong pakiusap sa kaniya at pinunasan ang aking mga luha.

Napakababaw ng aking nararamdaman. Napakabilis kong mahulog sa taong minsan ko lang naman nakilala. I don't like rushing. I don't like shortcuts... pero nangyari pa ang pagkahulog ng loob ko sa kaniya.

Humarap na ulit ako sa kaniya at ngumiti. "Magtatrabaho pa ako, Kohlen. Bukas na lang tayo mag-usap--"

"I'm sorry, princess." He softly apologizes.

A warm and large hand reaches my back. His caress is light and tender. At lalong bumaon ang tinik na aking natanggap sa kaniya. Kung makasermon ako kay Khally na baka masaktan ito dahil nahulog ang kaniyang loob sa isang lalaki ay siyang hindi ko naman magawa. Gaya din ng mga sermon ko kay Ate Mora, noong nagpapalitan sila ng liham ni Kuya Caliber, baka masaktan siya dahil nahuhulog na agad ito. 

I couldn't do what I preach. I'm a hypocrite for that matter.

"Kheilanie... Hear me out," pakiusap nito at inabot ang aking pisngi. Pilit niya akong hinarap sa kaniya, sinubukan ko namang umiwas pero nanlalambot ako sa bawat hawak nito. My lips quiver while I look at him. "Hindi kita gusto."

I pouted at him. Ang sakit naman. Talagang inulit pa niyang punitin ang puso ko. Tatanggapin ko na dapat ngayong gabi tapos move on na bukas.

"Hey. Hindi ito tungkol sa may galit ba ako, o may hinanakit ako sayo." Hinaplos pa niya ang kaniyang hinlalaki sa aking pisngi. "I said that because..."

Because? Ano? Bibitinin niya ako? Kohlen naman! Maawa ka naman sa nararamdaman ko.

"I was mad at Codie. Those weren't the right words to say about it, pero dala na rin ng bugso ng damdamin ko ay may nasabi akong mga bagay na hindi dapat sabihin." Bumitaw siya sa akin at huminga ng malalim. 

Nakatutop ang bibig ko nang ipaliwanag niya ang totoong nangyari. Ang totoo pala ay si Codhille itong nag-provoke sa kaniya. At dahil na din sa marami na itong kinimkim na tampo sa kaniyang pinsan at sa kaniyang pamilya ay nakapagsalita na siya ng hindi maganda.

"Pero huwag kang magi-guilty dahil nalaman mong iyon ang dahilan para magbitaw ako ng masasakit na mga salita tungkol sa'yo. I still responded. I'm still accountable to my words and actions."

Nahinga naman ako ng maluwag. Nabunutan din ako ng tinik dahil may tyansa pa ako dito. But for now, I would let things cool down. Hindi por wue umamin at nagpaliwanag ito ay dapat na akong maging masaya ng husto. Kohlen and Codhille should make it up to me as well.

"Salamat sa pagpapaliwanag. Hindi pa kita mapapatawad agad, pero hindi ako magtatanim ng sama ng loob para doon." Iniwan ko ito sa tabi ng kama at tumungo sa pinto. Iniwan kong nakabukas iyon at bumalik sa aking sewing table. 

"Andito ka na rin naman. Heto pala ang suit mo—Ouch!" Natusok sa karayom ang daliri ko. Nalimot kong may tinahi ako sa sleeve ng kaniyang coat. 

"Hey! Let me see," nakalapit na pala sa akin si Kohlen at inagaw ang aking kamay. "Asan first aid kit mo?"

Umiling naman ako. "H-hindi na kailangan. Natusok lang ako ng maliit na karayom."

"Asan, Kheilanie?" Ulit nitong tanong.

Bumuga naman ako ng hangin at tinuro ko ang asul na cabinet kung saan nito maaaring kunin ang first aid kit ko. Dali naman siyang tumungo doon at tinalikuran ko din ito para matanggal ko ang karayom at binaon sa aking sandbag. Napansin ko namang wala sa tabi ko si Kohlen. Saglit lang nito kukunin ang first aid kit sa cabinet, pero hindi ko na narinig ang mga yabag niyang dapat papalapit sa akin.

I turned; he stood in front of a photo frame. 

I purse my lips and walk towards him instead. Inagaw ko ang first aid sa kaniya at nagulat ito. "Akala ko kung napaano ka na. Hahaha. Nakatitig ka lang sa family photo picture namin."

Kinalkal ko ang isang band-aid sa kit. Pagkakuha ko noon ay nilapag ko ang kit sa tabi ng frame. I gave him the band-aid, and he understood my action. 

"Can I ask you something personal?" He asked while applying the band-aid on my pricked finger.

My smiled and nodded.

"Bakit may isa pang babae sa family picture ninyo? Bakit hindi ko pa siya nakikita?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at mas lumawak ang aking ngiti. "That's our other sister. She was a year younger than Khana and me." I tucked some strands of hair away from my face, "She's with Mamá now." 

He gasped, "I'm sorry..."

Inilingan ko ito at kinuha ang kaniyang kamay. Dinala ko siya sa aking sewing table at pinaupo siya sa tabi ng lamesa. "Ayos lang. Naka-move on na ako sa nakaraan namin." Naghila ako ng isa pang upuan at naupo sa kaniyang tapat. "I'm not going to ask you to forgive Khana's behavior, pero hihingi pa ako ng kaunting pasensya ninyo ni Codhille. Kaya naman siya overprotective dahil siya ang nakasaksi sa pagkamatay ng kapatid namin."

I fidget over my pricked finger. Ngayon ko na nararamdaman ang kirot ng tusok ng karayom doon gaya din ng paghahalungkat sa nakaraan. "Khanarie was the most vulnerable of us all. At kung hindi nahuli ni Khana si Giancarlo Unverferth, o kung itinikom nito ang kaniyang bibig sa katotohanan, baka hindi lang isang kapatid ang nawala sa amin." Bumuga ako ng hangin at inabot ko ang coat ni Kohlen. "If that person was able to kill one of my sisters, paano pa kaya kung kinasal sila ni Ate Mora? I would be devastated kung pati rin siya ay mawala sa amin sa hindi magandang dahilan."

I felt his hand on mine. I let him squeeze my hand; and I squeeze it back. 

"She felt guilty. She took the blame and stripped her own from the family."

"That's... messed up. Pero hindi ko rin masisisi si Khanarie sa kaniyang naging desisyon. Kung kapalit noon ay maprotektahan kayo ng lubos, nagampanan niya ang isa niyang tungkuling protektahan ang kaniyang pamilya." Inabot ng isang kamay niya ang braso ko. Napatitig ako sa kaniyang mapupungay na mga mata. "I would do the same thing. I would protect their name by taking off my title. Magiging eskandalo, pero hindi ito ganoong kabigat dahil kung ano mang problema ang aking haharapin ay hindi ito kokonekta sa pamilya ko." 

"Pero hindi na namin siya nakakasama rito sa palasiyo."

"Some distances is a sign of selflessness." Bumitaw na ulit siya sa akin at muling bumalik ang mapaglaro niyang mga ngiti. "Sa akin heto, hindi ba? Pwede ko na ba kunin?" 

Napakurap naman ako dahil hawak na pala niya ang coat niya. Umiling naman ako dito. "H-hindi pa! Ba-baka hindi magkasya sayo!"

"Ang sakit mo!" He dramatically places a hand over his chest. "Hindi naman ako tumaba, Khei. Lalo lang pumogi."

Biglang humangin ang kapaligiran ko at dahan-dahan akong umiling. "Ang hangin mo... Bumalik ka na lang pala sa silid mo. Bukas mo na kunin ito." Aagawin ko na dapat ang coat niya pero inilayo niya ito sa akin.

He wags his finger on my face. "No. Kukunin ko na ito. Dahil bukas ay susunduin kita dito at lalabas tayo." 

"Ha?! Ayaw ko, Kohlen."

He put a hand on his ear, acting as if he did not hear me. "Ano? Sasama ka? Sure! Let's have a shopping date! I'll pick you up tomorrow morning." Tatango tango nitong saad at tumayo. Inabot pa niya ang aking pisngi at pinisil iyon.

Ngumiwi ako dito at sumimangot. Namaalam na siyang babalik na sa kaniyang silid at sinara ang pinto. Humaba lalo ang aking paglabi dahil kailangan ko pang gumising bukas kaysa manatili sa aking silid na matulog buong araw.

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon