CHAPTER 35

234 14 0
                                        

KHEILANIE

I thought he was about to die. Akala ko mauulit ang nangyari noong nakaraan. And I thought I moved on from the trauma and healed... hindi pa pala. Pinalamon ko ang aking sistema na wala na akong problema, na natakasan ko na ang lahat dahil nagagawa ko na ang mga bagay na gusto ko. 

Isa lang pala akong hipokrita. 

I sealed myself away from everyone. Kahit kay Kohlen na halos isang linggo na akong sinusuyo sa pagbisita niya sa aking silid. 

I should talk to him. Resolve the problem. Pero paano na lang kung magkausap kami ay magsinungaling siya sa akin? Na iba na naman ang dahilan nito kaya siya nasangkot sa isang gulo. Kohlen kept mixing the signals. He is sweet at one point but would change once I turn my back on him. 

I curled over the excess fabrics resting on my bed. I close my eyes and listen to his voice from the other side of the door.  

"Kheilanie? Princess? Usap tayo, please?" Pagsusumamo ulit niya. "Nag-shopping ako ng tela... Baka gusto mong tignan." Hindi ko pa rin ito iniimik. Duwag akong harapin siya dahil alam kong mapapatawad ko agad ito kahit kulang-kulang ang kaniyang mga paliwanag.

I can't please everyone. And I shouldn't please everyone. Iyon ang iniwang huling bilin sa akin ni Ate Mora bago ito lumisan.

"I will leave a box here. I hope you will love it. Nagpatulong ako sa mga may-ari ng boutique na pinupuntahan natin... Iniwan ko na sa tabi ng pinto mo, Khei. Babalik na muna ako sa aking silid." Isang kaluskos at mga yabag ang huli ko nang narinig mula sa labas ng silid. He was no longer there. 

Nakahinga ako ng maluwag. I didn't even noticed I was holding it.

Gagapang na dapat ako paalis ng aking kama pero tumabi sa akin si Kokie. Kinikiskis nito ang kaniyang ulo sa pisngi ko. Napangiti ako dito at nanatili pa rin sa aking kama.

"Thank you, Kokie."

"Meow."

🪡

"Busy ka na naman ba sa bago mong tinatrabaho?" Tanong nitong Kohlen ng magtabi kami sa hapag-kainan nitong tanghali. Kabibigay niya ang isang kahon ng mga tela sa aking silid kanina, tapos kakausapin niya ulit ako. 

"Kohlen," tawag ko dito at natutop ang kaniyang bibig. Nang harapin ko ito ay mainam siyang nakatitig sa akin. Handang makinig sa mga sasabihin ko. "Mayroon ka bang binili ulit para sa akin?"

Mabilis itong tumango. "Mayroon. Nasa aking silid--"

"From now on... Huwag mo na idala ang mga pinapamili mo sa akin sa aking silid. And I will order Khana to take the fabrics from you later."

"Ha? Bakit naman? At saka bakit kay Khanarie mo ipauutos? I can bring it to you later."

Hindi ko ito sinagot. Nilapag ko ang aking mga kobyertos at humarap kay Papá. "I'm done. I need to get back to work. I have a big project to focus on."

Nasamid naman si Papá tapos tumango. "Excuse yourself, Kheilanie. I will ask the maids to bring you food to your room for the following days."

"Thank you."

"Your welcome."

Tumayo na ako sa aking inuupuan pero ang hindi ko inaasahan ay susunod sa akin si Khana. Padabog itong tumayo at dire-diretso siyang tumungo sa pinto. I pick up myself and sped to her side. I cling on her arms and pull her out of the dining room.

"What is wrong, Khei?" Pagsusungit nito.

"Tara sa kwarto ko. Samahan mo muna ako ngayon."

"Ayaw ko." Tanggi nito pero hindi ko siya pinakinggan. Kinaladkad ko na lang siya sa aking silid, hindi naman umapila ito.

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon