CHAPTER 8

278 14 0
                                        

KHEILANIE

Ang dami ko ng nabili at pinadala sa palasyo na mga tela pero kulang pa rin iyon sa mga kakailanganin ko.

Nakailang ulit na ako kay Viera habang—"Oh my gosh! 'Yong kambal ko! Hindi pa tapos iyong kay Khana! At paparating na siya ngayon!" I pull my hair; and browsed from one boutique to the other. I have an outline to her outfit, but it wasn't enough to showcase her distinct personality.

Argh! What kind of seamstress am I if I couldn't make a perfect dress for my sister!?

Nang madagdagan ang mga disenyong binili ko ay dumiretso ako sa counter kung saan si Manang Ellah ang nagbabantay ngayon. "Princess Kheilanie! Ang dami naman niyang kukunin mo?! Kaya mo bang dalhin 'yan sa palasyo ninyo?" Nerbyos na salubong sa akin ni Manang Ellah sa counter.

Ibinaba ko ang mga bibilhin kong mga tela sa harapan niya. Grabe ang sakit ng likod ko! Sana andito si Paris para buhatin itong mga binili ko.

Inilabas ko naman ang pambayad ko at inabot kay Manang Ellah. "Kailangan ko po ito. Para sa negosyo tapos sa kasal ni Ate Mora."

"Mukhang tambak ka na sa trabaho, iha. Nakakapagpahinga ka pa ba?"

Tumawa ako at tumango. "Papahinga po ako after kong tapusin iyong damit ng kambal ko."

"Papauwi na ang heneral?"

"Yes, uuwi na si Khana."

"Mabuti naman at papauwi na ang heneral natin." Isa-isa na niyang binibilang ang mga pinamili ko.

Napadungaw ako sa labas ng botika nang may napakiramdaman akong nakatingin sa akin. Nasilayan ko siya. Mukhang isang turista na nanggaling pa sa ibang lugar. They were wearing heavy cold weather kind of clothes; good thing the West is starting to feel cold right now.

"May mga turista ngayon," sambit ko kay Manang Ellah."

"Ah, oo. Batay sa mga dumadaan dito sa botika, iyong mga dalaga, e, may nakita silang dalawang matipunong mga ginoo na kulay asul ang kanilang mga mata." Komento ni Manang Ellah kaya ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya. "Pero mas hinahangaan nila ang isa sa turista. Mas maamo ang mukha niya at maaliwalas ang asul nitong mata."

"Hindi po ba dalawa silang asul na mata?" Pagtataka ko rito.

Tumango naman si manang at patuloy pa rin sa pagbibilang ng pinamili ko. "Hmm, paano ko ba ipapaliwanag sa'yo?—Ayon! Iyong natipuhan ng mga dalaga ay kagaya nitong mga lighter shades na tela na pinili mo." She took out one baby blue cloth.

Ah, now I get it. I pulled that out of its inventory because it was the shade of his eyes.

"Tapos na! Heto ang resibo mo, iha," sumulat na si Manang Ellah sa resibo na babayaram ko. Napangiti ako rito at inabot sa kaniya ang bayad ko. "Iha, sobra na naman ang bigay mo."

"Walang problema, manang. Saka ang dami ko rin pinamili rito at madalas ay natutulungan niyo rin ako."

"Napakabusilak ng puso mo, iha." Tinanggap na nito ang sobra na binayad. Akmang kukunin ko na ang mga pinamili ko ng pahintuin ako ni manang. "Jusko kang prinsesa ka! Kaya mo ba talaga dalhin 'yang lahat?"

I flex the muscle on one arm and pat it. "Kayang kaya ko ito, Manang Ellah. Akong bahala."

Umiling-iling siya na nakangiti. "Mukhang hindi, e. Tatawagin ko 'yong isang kasamahan ko para buhatin 'yan para sa'yo, iha. Ayokong mahirap ang prinsesa namin."

Tatanggapin ko na sana yung alok pero may naalala ulit ako. "Hindi na po talaga. Ako na lang. Kaya ko 'to."

"P-pero—"

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon