KHEILANIE
Pagkalabas ko ng botika saka ko napansin na may kalapit itong bar.
Sa pagkakaalala ko rin ay nakwento ito sa akin ni Paris. Dalawang buwan napapatakbo nito ngunit may problema na agad.Hemington is here, it means serious business. A bulb light up.
"Yes! Sign na ito ni Lord. Patulong ako kay Hemington." Buhat ang tatlong malaking kahon at apat na maliliit na kahon, ay dali akong tumungo roon. "Khanarie?" Huminto ako saglit, pinaningkitan ko pa ito ng tingin.
The same height. Same hair color. Same body structure.
Hindi ako namamalikmata.
Oh my gosh! My twin is back! She is back! May magbubuhat na ng gamit ko.
"KHANARIE~!" Tumakbo patungo sa kaniya. Kaysa salubungin ako nito ng yakap ay hinayaan niya akong mapatid at masubsob sa sahig ng bangketa. "Ang sweet mo! Alam mo 'yon?" I sarcastically said after raising my head. Nakakagigil siya, ha?! Mukha akong lupa, tapos siya idinukdok sa ilalim ng lupa dahil sa kasamaan ng kaniyang ugali.
Pumorma ito sa harapan ko, nagpeywang ito at kita sa kaniyang mga mata ang tuwa niya sa kalagayan ko. "I know I'm sweet." Inilahad niya ang kaniyang kamay kaya tinanggap ko iyon.
Napaka sadista!
Kumirot ang dibdib ko nang maalala kong nakakalat na ang mga pinamili ko. Huhuhu! My wonderful materials! Isa-isa kong dinampot iyon at binalik sa kahon.
"Ang dami mong dala. Saan mo dadalhin ang mga iyan?"
Pagkalagay ko nang isang piraso ng tela sa kahon ay nag-angat ako ng tingi sa kaniya saka ngumiti, "Iuuwi ko sa palasyo!"
Nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha. Hindi mapigilang humagikhik ako sa mukha nito. "Iuuwi mo? Lahat 'yan iuuwi mo?!"
"Oo." Nagkibit-balikat ako rito't binuhat muli ang mga kahon. "Tabi ka! Dadalhin ko na ito," pagpaparinig ko sa kaniya. Dinig ko ang pagbunga nito ng hangin. Ang kanina'y nahihirapan akong buhatin, ay siyang gumaan dahil kinuha ni Khana lahat iyon sa akin.
Napasimangot ako nang mapansin kong mayroon pa pala na mga rolyong tela na nadumihan at ang lagayn nito ay nasira. Hindi lang pala apat na kahon ang dala ko.
"Khana!" Naluluhang sambit ko rito. "
"Tara na. Sasabay na ako sa iyo."
I pouted. "Talaga?"
"Oo. Ako na rin magbubuhat nitong ibang mga pinamili mo. Kunin mo na 'yang rolyo ng tela."
Sumunod naman ako rito at pinulot ang mga rolyo. Hindi ko na ininda ang dumi nito at humarap na kay Khana.
"Ehem. Pwedeng sumabay sa inyo?" Tanong ng isang lalaki na katabi namin.
I turn to look. Si Khana ang sumagot sa kaniya habang ako ay nakatulala rito. He is the tourist Manang Ellah mentioned. He has the dazzling and warmest baby blue eyes.
Dumako ang tingin ko sa kaniyang kasuotan. May insignia siya sa kaniyang damit.—Bumaling ako ng tingin sa kambal ko. Does she know?
"You were at the Wainwright Palace a while back. You should know how to get back there on your own."
I gaped; I side-eyed her. She is so rude! This man could be a delegate sent by his kingdom. Khana should have shown him decency.
"Pagbigyan mo na kaming sumabay na rin sa inyo. Baka hinihintay na rin kami ni Haring Howard. May kasunduan pa kaming kailangan na pag-usapan."
BINABASA MO ANG
Wainwright Series 2: A Doll Not to be Replace
FantastikThe similar designs weaves differently in her hand. 🪡 Kheilanie Wainwright impersonates her twin sister: Khanarie Wainwright, whenever she is away from the Wainwright Palace because of her duty. Her disguise is unique, but her life isn't. Force to...
