KHEILANIE
Dalawang buwan na ang lumipas, at natapos ko na rin gawin ang susuotin ni Ate Kimora at ni Kiya Caliber sa kanilang kasal. Tumagal ang aking trabaho dahil lang sa hindi ako makapili ng tamang disenyo na susuotin ng aking kapatid sa kanilang mahalagang kaarawan. At nagkakatalo kami ni Viera dahil hindi niya gusto ang mga kulay at disenyong ginawa ko para sa kaniya.
Now, I have to alter another dress for her, and Khana's, if someone sent her a message about Ate Kimora's marriage. Sana may matanggap ito at hindi mabigla kapag makakauwi siya rito.
"Nakakainis talaga si Viera!" Paghihimutok ko paglabas ko ng aking silid.
"Prinsesa Kheilanie," magaling na tawag sa akin nang isang mutsatsa. "Pinapatawag ka ng iyong ama sa kaniyang opisina."
"Anong dahilan?"
Umiling naman ito, "Pinapatawag lamang po kayo roon."
"Ah, sige. Salamat." Yumuko naman ito at umalis na rin. Napagpasiyahan kong dumaan sa opisina bago bumalik sa aking trabaho. Wala akong ideya kung may nagawa ba ako na ikagagalit ba ni Papá, o di kaya'y may nagawa na naman si Viera sa akademiya. Bumagsak ang mga balikat ko at lugmok na dumiretso sa loob ng opisina ni Papá. "Pinapatawag niyo raw ako?" Untag ko sa aming ama.
Napakurap na lamang ako dahil kasama pa pala nito ang magkapatid na Souliere. "Magandang araw, Prinsesa Kheilanie," bati pa nang magkapatid sa akin.
"Magandang araw," bati ko pabalik sa mga ito. Binalingan ko ng tingin si Papá. "Balik na lang ako. Mukhang may importante kayong pinag-uusapan na tatlo rito."
"Ah, mamaya na lang ito sa amin, Prinsesa Kheilanie. Hindi naman ito ganoong kaimportante." Ngumiti sa akin si Kuya Donatillo at namaalam kay Papá na mamaya na lang sila mag-usap. Sumunod na rin si Killio sa kaniyang kapatid at kumaway sa akin.
The closes behind them, and I was left alone with Papá.
"Papá, ano na ulit iyong nais niyong pag-usapan?" Ulit ko dito, pero bumungtong hininga naman ito. "Mangungumusta na ako sa tinatrabaho mong mga damit na ipasusuot mo sa kasal ng iyong kapatid."
Napakurap naman ako sa kaniya. "Ah, umm... ayos naman. Maaari pa magkaroon ng adjustment sa wedding gown ni Ate Kimora at sa mapapangasawa niya. Natapos ko na ang susuotin natin maliban kay Viera at kay Khana. Kailangan kong ulitin ang kay Viera dahil kinukulit ako nito habang kay Khana ay hindi ko pa nasisimulan."
Tumango naman siya. "Good. You are being productive. And your skills improved, Kheilanie. I'm proud of you."
Napangiti naman ako sa kaniya, "Thank you, Papá."
"Anak, mag-iingat ka tuwing lumalabas ka ng palasyo. Hindi pa natin nahuhuli ang mga kalaban." Lumapit siya sa akin at tinapik ang magkabilang balikat ko. "I may have granted you freedom for a year now, Kheilanie. But the enemies know you swapped places with Khanarie for two years. Kung gayon ay mag-iingat ka, they could still mistake you as Khanarie."
Ibinuka ko ang aking bibig, pero walang lumabas ni isang salita. Itinikom ko muli at bumuntong-hininga.
After Khanarie left for her diplomatic mission at the North, Papá convinces me to swap identities with Khana. Hindi sang-ayon si Ate Kimora sa planong ito, pero ayaw ko rin na malaman nang mga kalaban na wala si Khana at maaari nilang hamakin ang pamilya ko. That one time, I wanted to protect my family, too. I want to understand the burden Khana carries on her own.
BINABASA MO ANG
Wainwright Series 2: A Doll Not to be Replace
FantasiThe similar designs weaves differently in her hand. 🪡 Kheilanie Wainwright impersonates her twin sister: Khanarie Wainwright, whenever she is away from the Wainwright Palace because of her duty. Her disguise is unique, but her life isn't. Force to...
