KOHLEN
Lumipas ang dalawang buwan na preparasyon para sa kasal namin ni Kheilanie. Nakapagpadala na rin ako ng imbitasyon sa pamilya namin ni Codie na makadalo sila sa mahalagang kaarawan namin ngayon ni Kheilanie.
"Hey. Are you feeling any better now, Kohl?" Nilingon ko ang kasama ko dito sa receiving area ng simbahan. Codhille steps closer in his black tuxedo, feeling a bit too good of himself that he isn't the person in the white suit right now.
"Okay lang ako... Medyo kinakabahan din. Paano na lang kung takbuhan ako ni Kheilanie mamaya? O kaya'y may mga eeksena mamaya tapos tututol sa kasal namin ni Kheilanie."
"You are overthinking it too much, my friend." Ipinatong nito ang mga palad niya sa magkabilang balikat ko at saka tumapik. You stayed loyal to one person. Waited eagerly for her, too."
"Codie... I hope you find your happiness soon. Ipagdasal natin na bababalik pa rin si Khanarie dito."
Tumango naman siya. "I'm still hopeful that my love is still alive, Kohl. Kaya hindi ako aalis dito hangga't hindi pa rin ito umuuwi. I'll wait for her."
"Good luck, cousin," nagpalitan kami ng tapik sa likod at saka tumungo sa altar ng simbahan.
Nang marating namin ang altar ay natanaw kong kumakaway ang aking ina sa akin. Dali namang lumapit ang buong pamilya ko sa direksyon at nagpaalam naman si Codie na pupunta din siya sa kaniyang pamilya. I welcome my family with open arms, maliban kay Xio na tinutukso ako ng gago.
"Nakaano na ba kayo?" Bulong nito sa akin habang minamasid ng mga magulang namin ang kalooban ng cathedral.
Siniko ko naman ang kapatid ko. "Gawain mo 'yan, Xio. Mahal at nirerespeto ko magiging asawa ko!" Suway ko sa kaniya at nagkibit-balikat.
Humagalpak siya at nilingon kami ng mga magulang namin na nakakunot ang noo nang mga ito. Si Ina ay lumapit at saka tinampal ang bibig Xio. Nagpigil naman ako ng tawa at inilingan ito.
"Kohlen," sabay tapik ni Ama sa aking balikat. "I am happy that you are settling down. Akala namin ay hindi ka pa rin magpapakasal noong nakabalik ka sa atin noong nakaraang tatlong taon. But you surprise us. There was someone who you wanted to reunite with; and she is a Wainwright of all people." Saad ni Ama na may halong lungkot at galak sa tono ng kaniyang boses.
Napatango naman ako. Iyon din ang inaakala ko sa sarili na hindi Wainwright ang mapakakasalan ko. Na baka ilang taon pa ang lilipas bago ko pa maisipang magpakasal. Pero sa huli ay isang Wainwright ang pakakasalan at mamahalin ko ng buo.
"Ang mabuti kamo nagtino 'yan dahil sa mga Wainwright." Singit ni Ina sa usapan namin at ngumiti ng malapad. "I am happy to see you getting married. Noong una pa lang kasi bagay talaga kayo ni Kheilanie," para siyang teenager na kinilig.
Kinunutan ko siya ng noo. "Sinasabi niyo?"
Sabay silang umiling ni Ama. "You already met when you were kids. Siguro nalimutan mo na kasi bata ka pa nga at dumaan kayo sa trauma ni Codhille."
Natutop naman ang aking bibig, tanging naaalala ko noon ay si Reyna Cordilliea ang tumulong sa amin.
"The whole Wainwright family brought you back to us, dahil nga nagkasalubong kayo sa bayan at buhat mo si Codhille sa iyong likod. Ilang linggo silang nanatili sa ating palasyo dahil sa isang alyansa na mayroon kami. At pasasalamat na rin namin sa pagtulong nilang iuwi kayo sa amin." Lumapit sa akin si Ina at inayos ang kuwelyo ng aking suit. "You kept the pain to yourself, Kohl. Hindi ka rin nakikipag-usap sa amin noong nagpapagamot pa si Codhille. Pero noong nakakasama namin si Kheilanie dahil nakikinig ito sa amin na pinag-uusapan ang mga botikang pupwedeng pagbilhan sa Orinzet ay naroon ka upang kausapin at kulitin siya."
BINABASA MO ANG
Wainwright Series 2: A Doll Not to be Replace
FantasyThe similar designs weaves differently in her hand. 🪡 Kheilanie Wainwright impersonates her twin sister: Khanarie Wainwright, whenever she is away from the Wainwright Palace because of her duty. Her disguise is unique, but her life isn't. Force to...
