KOHLEN
Nang matapos ang pagsasalo namin sa hapag-kainan ay tumawag ako kay Xio upang makibalita dito. Wala pa rin itong pinapadala na mensahe sa aking cellphone, kaya naman aligaga ako para sa pamilya ko.
I fished out my phone from my pocket and dialed his name. "Pick up the phone, Xio."
Nag-ring sa kabilang linya ang kaniyang cellphone. Bawat segundong dumadaan ay humahaba ang pag-ring nitong telepono. Ano ba ang ginagawa ni Xio at hindi pa rin nito sinasagot ang tawag ko?
"Hello," he finally picks up. Tired and groggy.
"Xio, nakabalik na ba kayo sa palasiyo?" Tanong ko rito.
He hummed lazily. "Kani-kanina lang... Tangina mo naman, Kohl. Nagpapahinga na ang tao."
"That's good. Pero mamaya ka na magpahinga diyan."
He groaned and shuffled about. "Ano ba kailangan mo?"
"About my favor." I firmly reminded him.
"Humingi na ako ng tulong kay Kuya Collins. Bantay-sarado na rin ang mga Sotello ang kilos ni Wrieck. Huwag ka na mag-alala diyan."
Napatango ako at binilin sa kaniya na siya muna bahala sa pamilya namin. Bago ko siya babaan ng tawag itong kapatid ko ay may pahabol pa.
"Kohlen, nagbago ka na agad,"he yawned. "Isang buwan ka pa lang diyan at hindi na kita nakilala."
Napakunot ako ng noo dito. "Naulol ka na ba? O masakit ang ma-reject ng isang Viera Wainwright?"
He groaned again. "No! Ang ibig kong sabihin you aren't the same prankster as before, you buffoon."
"Tapos?" naguguluhan kong wika sa kaniya.
"You are so dense with your development."
Nagitla ako sa sinabi niya at bumuntong-hininga. "I don't give a fuck about your words, Xio."
"Yeah, whatever you say, brother." Kumaluskos ng mas malakas sa kabilang linya. "I got to go. Naririnig ko na namang tinatawag ako ni Ina."
"Gago! Ginalit mo na naman ba?"
"Ginising mo ako, paano ko gagalitin 'yon?" Nahimigan ko ang inis nito sa kaniyang tono. "Sige na, Kohl. I will call again if something happens here."
"Huwag kang makakalimot, Xio."
"Oo."
"Sana kuyugin ka ni Ina kapag naabutan ka pa niya diyan sa kwarto mo," pangangasar ko dito.
"Fuck you! Magpakasal ka na lang diyan," Panunumpa niya at tinawanan ko lang iyon.
🪡
A day later, malapit nang lumuwas ang bagong kasal, at usap-usapan din dito sa palasyo ang pagiging anino ni Codhille kay Khanarie.
Minsan talaga hindi marunong gumamit ng boses ang pinsan ko. Napagkakmalan tuloy itong may masamang motibo. At kakausapin naman ako ng gma mutsatsa kung may problema ba ako sa kanilang heneral o pakikiusapang patigilin si Codhille sa kaniyang aksyon kapag nakakasama nito ang dalaga.
Muli akong naiipit sa isang problema na wala akong kinalaman. Kapag nakahanap ako ng oras upang mahila sa isang usapan si Codie, tangina, babatukan ko talaga siya.
Nilibot ko ang palasyo upang makausap na nang masinsinan ang pinsan ko. Subalit tanging isang prinsesa lamang ang nakikita ko dito. Sa makipot na pasilya, na patungo sa kusina, ay galing doon si Prinsesa Khallieleya. Nakayakap siya sa kaniyang makapal na libro. She smiled and skipped.
BINABASA MO ANG
Wainwright Series 2: A Doll Not to be Replace
FantasíaThe similar designs weaves differently in her hand. 🪡 Kheilanie Wainwright impersonates her twin sister: Khanarie Wainwright, whenever she is away from the Wainwright Palace because of her duty. Her disguise is unique, but her life isn't. Force to...
