CHAPTER 36

231 14 0
                                        

KHEILANIE

Patungo na kami sa rest house gamit ang sasakyan (na ngayon ko lang nakita). Natutuwa ako na makakapunta ulit kami doon, pero mas natutuwa ako dahil sa pagsama ni Codhille sa aking kambal. They both rode a horse and raced to the rest house.

Sa ngayong nakikita ko ay nasa denial stage pa si Khana. Pero sa loob pa ng kaunting panahon ay mahuhulog na din ang loob niya sa binata. And I like Codhille for Khana. Mahaba ang kaniyang pasensya para sa aking kambal. At determinado din itong makilala siya ni Khana.

"Kheilanie," tawag sa akin ni Papá. He is at the passenger seat while Kuya Dona drives the car. "Are you sure na ayos ka lang diyan sa likod?"

Ngumiti naman ako dito nang magtama ang mga mata namin sa rearview mirror. "Oo. Walang problema para sa akin."

"Sige. Magsabi ka lang kung nais mong makipagpalitan ng pwesto. Maybe Arizs could sit at the back with Prince Kohlen."

Bumba bigla ang tingin ko sa aking palad. Hinihilot pa rin ni Kohlen doon. Muli akong nag-angat ng tingin sa rearview mirror at umiling. "Ayos lang talaga. At saka dapat may katabi na kabalyero sina Khally at Viera, Papá." Pangungumbinsi ko dito.

Papá didn't protest. He kept silent and sat back. Nakahinga naman ako ng maluwag at sinandal ang aking likod sa sasakyan.

"Isang kamay mo, Kheilanie," bulong nito nang bitiwan niya ang kaliwang kamay ko. I gave him my other hand. "Your hands are soft and small." Komento nito.

Bumungisngis ako ng mahina."Malaki kasi ang iyong mga kamay."

"Perfect. It fits right into mine." Bulong pa nito at pinagsaklop ang kamay naming dalawa. Using my free hand I pinch his forearm. "Ouch!" Mahina nitong daing.

"Banat ka pa! Diyan ka magaling, e!" Sita ko sa kaniya.

"Kheilanie, may dalaw ka ba? Ganiyan din kasi si Ina kapag may dalaw. Nagsusungit. Akala mo naman kung kaaway mo ang buong mundo," he pouted.

"Excuse you!?" Inagaw ko ang kamay ko at inirapan siya.

Rinig ko ang pagsinghap niya at nagpigil akong tumawa. "Teka, teka!" Aligaga itong inagaw ang kaliwang kamay ko, pero hindi ko ito pinagbigyan. "Ayaw mo, ha? Sige!"

"Ahh!" Napatakip ako ng aking bibig at sinamaan ang prinsipe ng tingin. He tickled my nape! And I'm too sensitive there.

"Bakit, Kheilanie?" Tanong naman ni Papá.

Bumaling ako sa kaniya na nakatingin ito sa rearview mirror. Ramdam ko rin ang paglingon ni Arizs sa akin. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakatakip ko sa aking bibig, "W-wala po." Kinurot ko ulit si Kohlen, at sa kaniyang hita na iyon.

"Aray!" Napalakas din ang daing ng prinsipe kaya lumipat ang atensyon ng lahat sa kaniya. Paglingon ko rin dito ay masama ang kaniyang tingin sa akin.

I gave him a smug look. Two can play at this game.

"Bakit, Prinsipe Kohlen? May problema ka rin ba?" Tanong naman sa kaniya ni Papá.

Tumawa naman ng naiilang ang prinsipe. "May langgam. Medyo masakit ang kagat nito."

Ha! This ant can bite. Kaya ayusin niya ang sarili kung ayaw niyang mas sumakit ang pagkurot ko sa kaniya.

"Ganoon ka rin ba, Kheilanie?" Balik na naman ang atensyon sa akin ni Papá.

"Oo, Haring Howard. Nahiya siguro siyang umamin." Sambit ni Kohlen sa aking ama.

"I did not say such thing!" Bulong ko naman sa prinsipe. Siya naman itong nakangiti ng nakakaloko sa akin.

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon