CHAPTER 15

249 14 1
                                        

KOHLEN

"Kupal 'to. Tatawag ba ako kung patay na ako?"

My brother laughed on the other line. Bakit pa ba siya buhay? Sana hindi na lang 'to inere ng nanay namin.

"Pangit mong kausap! Sumbong kita kay Ina!"

"Ano ka? Bata!? Nakakahiya ka naman, Xio." Naptakla ako rito't umiling.

Tumawa na lang siya sa kabilang linya. "Gago ka, Kohlen!"

"Gago ka rin."

Hinihingal na rin ito kakatawa; nagdadasal naman akong lagutan ito nang hininga.

"Kohl, sorry. Heto na talaga seryoso. Mabuti at tumawag ka rin kasi tatawag na dapat ako."

"Na ano? Para asarin?" Sumbat ko rito.

Nagmura na naman siya. "Hindi ganoon! Makinig ka kasi!"

Napairap ako at nagpameywang. "Sabihin monna kasi."

"Dapat maikasal ka na kapag babalik ka na rito sa atin."

"Huh?!" Bulyaw ko rito. "Buang ka ba? Ikaw na magpakasal ng maaga. Tutal excited ka na ata diyan."

"No way! Ikaw na lang!"

"Topakin ka talaga."

"Aish! Patapusin mo ako! Baka mahuli na ako rito kung may makaalam na kausap kita, Kohl!"

I frown as his tone comes off a bit airy. "Nasaan ka? Bakit pahina naman ang boses mo?"

"I'm sorry. Ang hirap humanap ng oras at lugar upang tawagan ka. Pero pakinggan mo na lang ako ngayon at huwag magrereklamo. Saka natin ito pag-usapan nang masinsinan kapag pupunta kami diyan para sa isang selebrasyon." Hindi na ako nag-atubiling sapawan ito kaya nagtuloy-tuloy na siya sa kaniyang pangangatwiran. "Mayroong tinago sa atin na sikreto ang mga magulang natin. Komplikado pa itong intindihin sa ngayon, dahil kulang pa rin ako sa impormasyon na malinawan. Pero masisiguro ko sayo na may kinalaman ito sa pagpapakasal mo at ang ari-arian at luho nang Steadman Family.

I eavesdropped an argument between our father and Wrieck. Kapag hindi ka pa rin maikasal, o makahanap ng pakakasalan sa loob nang dalawang buwan, ay mawawalan ka ng karapatan sa trono at kapangyarihan sa pangalan natin. Pati rin ako ay mawawalan din ng kapangyarihan base sa isang kasulatan na mayroon ang mga ito."

This couldn't be right. I have my fair share with palace duties. I've read documents. Kept copies of accounting ledgers. And did the authorization and acceptance of letters and contracts if needed.

Paanong may ganoon na kasulatan na mawawalan ako nang kwalipikasyon at kredibilidad sa aking pangalan dahil hindi ako maikakasal paglipas nitong dalawang buwan?

"This is unfair, Xio."

Kaluskos naman ang tugon nito sa kabilang linya. Inaasahan ko na nagtatago si Xio ngayon. "It is. But maybe they kept it for a good reason, Kohl."

"Pero ilang taon naman din tayo nagtrabaho para gampanan din ang ating mga responsibilidad. Tapos isang kasal lang ang solusyon para hindi mawala amg lahat sa atin? Hindi iyon makatarungan, Xio." Pahina na rin ang boses ko rito. Nakakadismaya na mawawalan nang kwenta ang lahat ng aming pinaghirapan dahil hindi ako nagpapakasal pa.

"But I'll look for a way, Kohl. Hindi ako makakapayag na kunin ni Wrieck ang lahat nang atin." Determinadong wika ni Xio sa akin.

"Do what you can, Xio."

The tension between us grew thick. Learning this now, that Wrieck is making such bold moves, makes me anxious. I would've never left the North; I would've married anyone there to secure the family's name and future. But marriage is not a game to the Steadman and Sotello. And I also cherish what marriage could lead me, kaya iyin ang dahilan kung bakit hindi ako nagmamadali sa ganitong bagay.

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon