KHEILANIE
Bumuntong hininga ako nang maipasok ko na ang kahong dala-dala ni Mr. Codhille. Nadismaya ako sa inasta ng prinsipe na kasama noong kabalyero. Mukhang wala siyang interes sa pag-uusap namin ni Mr. Codhille at ramdam ko rin ang pagiging aligaga nitong iwanan kami na mag-usap ng kabalyero.
But it baffles me more on what he commented about me.
"I'm not a princess..." mahina kong ulit sa eksaktong mga salita ng prinsipe. Napangiti ako nang maliit habang pinipiga ang aking puso roon. I was enthusiastic to speak to him. He strikes me as an open-minded and approachable person when I bump into him. Pero nagbago na ang pagtingin ko na rito.
Subalit, maaari bang ganoon ang kaniyang pakikitungo dahil may nalaman ito sa akin? Alam na ba niya ang totoo na humingi ako ng pabor sa kabalyero nitong kasama? I guess that may be the reason why his behavior is sour. And I was no different on how I treated him.
Huminga ako ng malalim saka pumunta sa silid ni Khally. Sana gising pa ang bunso namin at kailangan ko nang makakausap ngayon.
Kumatok ako ng apat na beses sa pintuan nito, "Khally?"
"Saglit po!" Aniya nito sa loob ng silid.
Malalakas na yabag ang daling tumungo sa pinto. Nang pagbuksan niy ako ay agad ko rin iyon na sinara. Napatitig naman sa akin si Khally nang i-lock ko rin ang pinto.
"May problema ka ba, Ate Khei? O kailangan mo ng tulong?" Sunod-sunod nitong pagtangon.
Bumuga ako ng hangin at tumango. "Kailangan ko nang makakausap. Pupwede ka bang abalahin ngayon, Khally?"
Ngumiti ng marahan ang bunso namin. Inabot nito ang kamay ko at ginaya ako sa kaniyang kama. "May nangyari po ba?"
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. Medyo nag-aalangang sabihin sa kaniya ang nangyari. "Huwag ka sana magagalit sa akin, Khally."
Napalabi naman ito bago umiling. "Hindi ko po maipapangako, Ate Khei. Nakadepende po ito sa iyong ikukwento pa rin. Hehe."
I puff my cheeks. There is no use on concealing my mistake to her. I started explaining from the morning I asked Khana a favor until Mr. Codhille and the prince brought my work materials to my room. Pinatapos naman ako ni Khally na magsalita bago ito makapagbigay ng kaniyang opinyon.
"You have the right to be hurt, Ate Khei. Kung ako rin siguro ang makakarinig noon sa prinsipe ay masasaktan ako na kagaya mo." Napahigpit ang hawak ko sa kaniyang kamay nang may kasunod pa ito. "Pero siguro dahil na rin sa pagod o frustation kaya niya rin nasabi ang mga iyon sa'yo. You threw away your materials without batting an eye. At kung sakaling nalaman na nang prinsipe tungkol sa pabor na hiningi mo sa kaniyang kasama na kabalyero rito... Isn't he also entitled to his feelings, too?"
Nanuyo naman ang lalamunan ko dahil hindi ako makaapila kay Khally. Lahat nang kaniyang binitawan na mga opinyon ay may pinaghuhugutan. I sigh in defeat. "You may be right, Khally. Pareho man kami na nadala sa emosyon dahil sa labis na inis o pagkadismaya. At pareho rin kami na may mali na ginawa o sinabi sa isa't isa."
Tumango lamang siya at hinaplos ang likod ko. "Kung gusto mo naman na mawala ang tinik sa dibdib mo, ayain mo na kausapin ang prinsipe ng personal."
"Khana will kill him!" I was aghast to her suggestion.
Khally giggles, "Hindi masama na subukan, Ate Khei. At saka walang magagawa si Ate Khana sa magiging desisyon mong kausapin lamang ang prinsipe. Dapat lang na magpakumbaba siya sa isang simpleng pakikipag-usap." Slowly, my chest feels lighter. This small talk with a family member is a breath of fresh air.
"Ikaw ba, Khally? Baka may gusto ka rin sa ikwento sa akin--o itanong?" Pag-uudyok ko rito na magkwento sa akin.
"Um... mayroong bumabagabag sa akin." Naiilang pa ito na tumawa. Napataas naman ako ng isang kilay sa naging aksyon nito. "Ate, lahat na lang may masasabi ang mga tao sa mga bagay-bagay. Isa na rin ang patungkol sa pamilya natin."
"We're you bullied again, or Thymerine did something again?"
Umiling siya. "Wala pong kinalaman sa mga sinabi mo, ate. Ang sa akin lang ay some people will only focus on your flaws and would never look pass through it. And one issue or problem makes them define the person as is."
Muli na namang piniga ang aking dibdib. Her claims are right. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang kritisismo nang ibang mamamayan na napakawalang puso raw nang aming pamilya. If only they could understand the reason and seek for the truth, our family is the victim. Not the other way around.
"I'm sorry, baby," mahinhin kong hinaplos ang pisngi ni Khally.
"Don't be, ate. I got used to it." She looks up and smiles faintly. "Sa totoo lang po, ang gusto kong ipaalama sa iyo na mayroon akong isang tunay na kaibigan. Just one who sees me as me, not a pretentious or spoiled Wainwright."
"Mabuti naman kung ganoon." I lean closer to her and plant a kiss on her forehead. "And we have more people who believes in us, Khally. Our people know who and what we are. Kaya wala dapat tayong ikababahala at ikatatakot sa mga sasabihin ng ibang tao."
"Mayroong nakakatakot dito, Ate Khei," natatawa nitong ani.
"Sino?" Hindi maiwasang mapangiti sa sasabihin nito.
"Si Ate Khana!" We both laugh and fall back on the bed. We high five and shake our heads.
I wipe away a tear and sigh, "By the way, baby, who was that person who didn't treat you differently?"
Mas lumawaka ang ngiti nito. "It is Prince Pericles."
Pericles. Does she mean Pericles Iedus?
"Kilala mo ang pamilya nila, Ate Khei. He came from the Iedus Palace. At nakapunta na rin siya rito dati pa, kasama niya ang kaniyang mga kapatid."
So, I was right. And maybe the prince who visited her before is the same Pericles Iedus. "That's good. I'm very happy for you."
"Thank you po, Ate Khei." Humarap na ito sa kisame at nagkwento nang tungkol sa pagkilala nila ni Pericles.
I bit my lower lip slightly. No matter how happy I am for Khally, there is a part of me that feels uneasy about this. Somehow, Khally is keeping a secret from me as she continues to speak more about a prince.
BINABASA MO ANG
Wainwright Series 2: A Doll Not to be Replace
FantasíaThe similar designs weaves differently in her hand. 🪡 Kheilanie Wainwright impersonates her twin sister: Khanarie Wainwright, whenever she is away from the Wainwright Palace because of her duty. Her disguise is unique, but her life isn't. Force to...
