KOHLEN
One week later.
I stare blankly at the ceiling. Unmotivated to move or speak to anyone.
It feels like lost a game.
Wala pa ring paramdam sa akin si Xio. Hindi ko na ulit nakita si Kheilanie matapos ang aming pag-uusap na dalawa. Pagkatapos kong banatan ang prinsesa noong nakaraan ay nailang siya at hindi na ako pinansin. Tinakbuhan pa niya ako at hindi pinakinggan ang tawag ko sa kaniya. Aniya na rin nang mga mutsatsa ay pinagtuonan ng prinsesa na paghandaan ang masusuot ng kaniyang mga kapatid sa nalalapit na kasal ni Prinsesa Kimora.
Nitong nakaraan ko nalaman na kay Caliber Hadfield ito magpapakasal. Hindi ko man nakakausap si Caliber Hadfield noon, ay hindi ko inaasahang si Prinsesa Kimora ang makakabihag ng kaniyang puso. Kilala kasi si Caliber Hadfield na isang rebelde sa kaniyang pamilya noong namatay ang kaniyang tunay na ina. Lumaki ang kaniyang ulo at naging hambog ito sa mga bagay-bagay.
Mabuti na rin na hindi kami nagkaharap ni Caliber Hadfield noon. Baka nakikipagkompetensya pa ako sa kaniya kung sino ang hambog sa aming dalawa.
"Tsk! Ano ba naman 'to!? Nakakabaliw sa palasyo na ito!" Napagulong ako ng isang beses sa kama at nahulog. "Damn!" Napahaplos ako ng likod at ulo. Pero hiniga ko na lang din sa sahig at tumitig ulit sa kisame.
Ano bang mapapala ko rito sa kisame? Madadala niya ba rito si Kheilanie? Makakapagkwentuhan na ba ulit kami kung hihiling ako rito?
"Sana may himala ang kisame. Kahit ngayon ulit ay makausap ko sana si Kheilanie." Bumuga ako ng hangin at pinikit ang aking mata. Ang tanga ko na humiling sa isang kisame. Nasobrahan na ata sa hangin ang utak ko dahil kinukulong ko na rin ang sarili ko sa silid na ito.
"Tao po? Prinsipe Kohlen?"
Hindi ko pa rin ibinubukas ang aking mga mata at sinabihang pumasok ito sa aking silid. Wala na akong gana na pagbuksan pa ito ng pinto.
"Ay, Diyos ko! Prinsipe Kohlen, ano ho nangyari sa inyo diyan?! Bakit nasa sahig ka?" Napadilat ako ng mata at nakita ang papalapit na mutsatsa sa akin. Tumabi ito sa akin at tinulungang tumayo.
Napadaing ako nang maramdaman ko muli ang sakit ng katawan ko. Naging manhid pala ako kanina.
Once I was on my feet, may inabot sa akin ang mutsatsa. A suit. A well-tailored suit.
It was magnificent. The details of the design and the sewing on the linings are perfection. I was never a judge of clothing, but this one made me think otherwise. "Pinapabigay ho ni Prinsesa Kheilanie. Try niyo hong suotin para masabi ko sa kaniya kung ano ho kailangan na ipaayos, Prinsipe Kohlen."
This is her work... Kheilanie created a suit for me? I bit the inner of my cheek as I run my fingers through the cloth. I imagine it to be a normal type of suit. I expected it to be less fashionable. But that's not Kheilanie Wainwright. She puts an effort to make both the clothes and the person wearing it shine.
"Shit." I was rude to her the night we brought her materials. I feel awful.
"Bakit ho, Prinsipe Kohlen?" Untag ng mutsatsa sa tabi ko.
Umiling ako ng marahas dito. "Ako na siguro ang pupunta sa prinsesa pagnasukat ko ang kaniyang gawa. May mga nais din kasi akong itanong dito." Pangungumbinsi ko sa mutsatsa.
"Nako ho! Hindi maaari, Prinsipe Kohlen!" Naiiling na sumbat sa akin ng mutsatsa kaya nataasan ko ito ng isang kilay. "Ayaw hong magpa-istorbo ng prinsesa ngayon. Mas makabubuti kung sasabihin niyo na lang ho sa akin kung anong mga kailangan na ayusin."
BINABASA MO ANG
Wainwright Series 2: A Doll Not to be Replace
FantasyThe similar designs weaves differently in her hand. 🪡 Kheilanie Wainwright impersonates her twin sister: Khanarie Wainwright, whenever she is away from the Wainwright Palace because of her duty. Her disguise is unique, but her life isn't. Force to...
