KOHLEN
Hinanap ko si Codie matapos ang aming hapunan. Inabot ako hanggang labas ng palasyo, pero anino nito ay hindi ko mahagilap. Kung gayon ay pinabayaan ko na siya at naghanap nang iba ko pang makakausap kahit saglit.
First one was Princess Viera. The young princess has a sharper tongue than the general. In short, she doesn't want to talk to me.
Next was the youngest, Princess Khallieleya. But she has been preoccupied. She spaces out whenever I caught her staring out of the open.
"I'm very sorry, Prince Kohlen. May inalala lang ho kasi ako." Umiling ito at binabalik ang kaniyang tingin sa akin, na kanina pa siya nakatitig sa likod ko.
Napakamot ako sa aking ulo at nilingon ko na ang aking likod. Mayroong isang kabalyero na nanunuod sa aming dalawa. Mukhang binabantayan niya ang prinsesa, na maaari ring utos ng kaniyang kapatid. "Siguro, mas ikabubuti kung magpahinga ka na ngayong gabi. Pasensya ka na kung nakihati ako nang oras mo."
"H-hindi ho!--Pasensiya na talaga kayo sa akin."
Ngumiti naman ako rito. "Huwag ka mag-alala, wala kang kasalanan kung hindi tayo nakakapag-usap nang maayos ngayon."
"Maaari po bang mag-usap tayo bukas nang umaga?" Nag-aalala nitong tanong.
Inabot ko ang kaniyang ulo at ginulo ito. "Walang problema. Basta hanapin mo lang ako rito sa palasyo ninyo kung kailan mo nais." She smiled happily and nodded. "See you tomorrow, little Wainwright."
"Opo! Kayo rin ho! Good night."
"Goodnight." As our conversation ends, the knight follows behind her.
It is an unproductive night for me. Who would have wondered that moving into a different continent could be boring. And I wonder if my cousin--Codie's older brother--felt this bored when he was sent as a delegate at another continent.
Napapakamot na lang ako sa ulo ko dahil hindi ko na alam kung anong mga maaari kong gawin dito. Hindi ako katulad ni Codie na makakaya kong mabuhay sa tahimik o matiwasay na lugar.
"Prinsipe Kohlen?" Nilingon ko naman ang tumawag sa akin.
Isang grupo nang mga mutsatsa pala ang papalapit na sa akin. Ano kaya kailangan nang mga ito? "Ano iyon?"
Nagtulakan ang mga ito kung sino ba ang sasagot sa akin. Nagkibit-balikat ako't hinintay ang kanilang sasabihin. "A-ano po, baka may kailangan kayo? Kasi kanina pa namin napapansin na hindi ka mapakali." Gumawi ito sa mga kasama niya at tumango naman ang mga ito.
"Ah," naiilang kong tawa sa mga ito. "Hinahanap ko rin kasi ang aking kasama na pri—kabalyero. Codhille ang pangalan niya, at asul din ang kulay nang kaniyang mga mata na gaya nitong tela ng damit ko," I showed them the darker shade of blue on my tunic. "Um, may namukhaan ba kayo?"
Isa lamang sa kanila ang tumango. "Sumusunod po siya kay Heneral Wainwright kanina. Mukhang may balak siyang kausapin ang heneral."
Napasapo naman ako nang mukha sa kinuwento nito. Hindi pa rin natatapos ang pagsunod ni Codhille sa babae. Hindi na lang nito ipinagpabukas.
"Salamat. Iyon lamang ang kailangan ko." Tumango naman ang mga ito at daling tumalikod.
Napabuga ako ng hangin at kinapa ang aking bulsa. Mukhang kahit anong paghanap ko nang gagawin dito ay wala na talaga akong magagawa. "Ah, thank God. My phone is with me."
Tatawag na lang siguro ako sa palasyo upang kumustahin ang mga ito. Panigurado ring walang inaambag ang kapatid ko roon nang wala ako. Baka pinapasakit nito ang ulo nang aming mga magulang.
Lalabas na ako na palasyo nang madaanan ko ang dining room. Nakaawang ang pintuan nito at napasilip naman ako kung sino ang nananatili doon.
"Tsaka may karapatan akong sabihan ka rin. We are twins, Khana." Natulala naman ako rito nang kausapin niya si Khanarie. Ngayon ko na ulit siya nakita rito sa palasyo.
Naririnig ko na hindi naman umaalis itong si Prinsesa Kheilanie sa kaniyang silid. Nagkukulong ito dahil mayroon siyang trabaho na naiiba sa kaniyang mga kapatid. At hindi mo rin ito pupwedeng istorbohin kapag nagsimula na ang kaniyang trabaho dahil hindi ito maglalaan nang oras kahit kanino. Kahit pa ang hari na nagpapatawag sa kaniya.
Pero kasama rin ba roon ang hindi nito paglaan sa pagkain? Hindi ba nagliliyab ang kaniyang tiyan kapag walang laman iyon, o 'di kaya ay magkasakit siya?
I walk closer to the room. Trying my best not to get caught as I lean in to listen to their conversation. It sounds interesting to see those two talking.
"Stop eavesdropping. You look like a freak."
Napatalon naman ako papalayo sa pinto at hinampas ang braso ni Codhille. "Nagsalita naman yung stalker ng heneral!"
He squinted his eyes, "I'm not stalking."
"Yes, you are. Always."
"I am only watching her from a far." He defends himself and brushes the stubble on his chin. "I'm handsome to be called a stalker." He grins.
He got his screws loose again. Kung malaman lang ng heneral na tatlong taon na itong nakabuntot sa kaniya, baka patay 'to ngayon.
"You finally admitted that you are a stalker." I murmured.
"There is a difference from a stalker and a person admiring someone from afar, Kohlen."
Napapailign na lang ako rito at naglakad papalayo sa dining room. Baka marinig pa kami nang dalawang dalaga roon, at mabunyag din ang kasinungalingan ni Codhille na isa siyang kabalyero.
"Admiring someonefrom afar... Ha! You fail to convince me." Tinapik ko ang balikat nito. "Tama na ang pagtanggi mo na wala kang nararamdaman na higit pa sa paghanga mo kay Khanarie. It is obvious from the start that you like her, Codhille."
"How sure are you?"
Bumitaw ako sa kaniya at nagkibit-balikat. "Noong nakwento mo na may nakita kang babae na bumaba sa pagkakasampa nito sa isang barko. Iisa lang naman ang babaeng bumaba noon dahil pareho nating inabangan ang mga heneral na may katungkulan na tumulong sa palasyo ng bawat pamilya natin." Lalagpasan ko na dapat ito pero bumungisngis siya ng saglit.
"Then you are no different from me now, Kohlen." Naglakad ito papalapit sa akin at tumabi sa aking tainga. "You are interested of Kheilanie Wainwright as I am interested of Khanarie Wainwright."
Dali akong lumayo rito. Isang nakakalokong ngiti ang kaniyang tinugon bago ako lagpasan at pumunta kung saan ba niya gusto.
Naikuyom ko ang aking mga kamao at tumuloy na lumabas sa palasyo. Dinukot ko ang aking cellphone at tumawag sa iisang tao na makakatulong sa akin na malimutan ang mga binitiwang mga salita ni Codhille.
"Hello." Sambit ko rito.
"Buhay ka pa pala?" Nangangasar nitong bungad nang masagot niya ang tawag ko.
BINABASA MO ANG
Wainwright Series 2: A Doll Not to be Replace
FantasiThe similar designs weaves differently in her hand. 🪡 Kheilanie Wainwright impersonates her twin sister: Khanarie Wainwright, whenever she is away from the Wainwright Palace because of her duty. Her disguise is unique, but her life isn't. Force to...
