CHAPTER 24

53 10 0
                                        

KHEILANIE

Unti-unti ko nang natatanggap na may kani-kanila nang mundo ang mga kapatid ko. And a time will come that I will face the world on my own terms. Nakababa ang aking tingin sa  walang laman na baso na napag-inuman ko ng wine. Wala na rin akong kausap dahil nagliliwaliw sa okasyon ang nakababata kong mga kapatid. Viera left to get some fresh air. And Khally is closed-off by Arizs again after Prince Pericles invited her to a dance. 

Napabuntong-hininga na lamang ako. Wala ako sa mood para manuway sa kanila. Kaya na nila ang mga sarili nila at baka may mapahiya pa ako rito kung sakali.

"Kheilanie, we meet again!" Nilingon ko ang tumawag sa akin at si Marquis Rejaldo Tadesse iyon. 

Isa siya sa mga kaibigan namin ni Khanarie noong kumukuha kami ng Etiquette Class. He also stood beside us when our reputation was going downhill after Ate Kimora's first engagement party.

"Rejaldo!" Yumakap ako sa kaniya at bumeso. "Kumusta na?"

"Heto, okay naman. Ikaw ba?"

"Ayos lang din ako kahit baon ako sa trabaho." 

Bumungisngis naman ito. "Hindi ko lubos na aakalain tinago mo ng mahigit na tatlong taon ang identidad mo. Ang husay mong umarte bilang Khanarie para maprotektahan mo ang iyong pamilya."

Kumibit-balikat ako dito, "Ganoon talaga kapag binabakod mo ang pamilya mo laban sa kasamaan."

"Speaking of Khanarie, may mga sabi-sabi pala sa amin na nakabalik na talaga siya. Na saan pala ang isang iyon?"

"Ah, yes! Bumalik na ang kambal ko pero... hindi ko alam kung saan nagsususuot. Dahil nauna itong bumalik dito sa resepsyon at saka hindi na mahagilap. Mukhang may tinataguan ata siya."

"At sino naman ang kaniyang tinataguan?" Inismiran ako nito.

I snort, "Just someone. At saka, kilala mo na ron 'yon! Walang nilulugar pagdating sa mga okasiyong ganito. Tatakasan at hahanap ng pagkakataon na makatakas. Hahahaha!" Pagbibiro ko at tumawa rin siya.

"Nako! Lagi na lang!" A beautiful lady walks towards us as Rejaldo introduces her. She was glowing and look sweet especially in her elegant cream gown. Bagay sila ni Rejaldo. "Nga pala Kheilanie, ito pala ang mapapangasawa ko si Pearl."

"Oh," napatakip ako ng bibig at napatitig sa dalaga. Sinong mag-aakala na siya ang mauunang ikakasal sa aming magkakaibigan. Dati-rati ay inaasar niya na si Khanrie ang mauuna sa aming tatlo.

"Baby, this is Kheilanie Wainwright. Yung kaibigan kong kinukwento sa'yo noon." Pagpapakilala naman sa akin ni Rejaldo kay Pearl.

Agad naman akong yumuko para bigyan din siya ng respeto, "Magandang gabi, Pearl. Ikinagagalak kitang makilala."

Pag-angat ko ng tingin sa kaniya ay namumula ang kaniyang mga pisngi. "Magandang gabi rin. Sa wakas at nakilala ko ang isa sa mga kaibigan ni Rejaldo."

"Ditto."

"You look very lovely in that dress. It is stellar! And it is incomparable to my dress." She complimented and I blush.

"Yours, too," pagpuri ko rin sa kaniya. "Cream matches your skin tone. It's elegant and appealing. And believe me, both of our dresses channels a personality. Yours is ethereal like your smile."

"Thank you! Oh, you are the first one to compliment my outfit," she pouted and I giggled. "Rejaldo didn't say anything about my dress. He only stares at me and gape." Rejaldo denies his future-wife's claims. 

I couldn't help but snicker. "Hahahaha! Baka nahumaling lang siya sa ganda mo. Kahit ako na una kong pagkakita sa'yo ay hindi maiwasang mapatitig sa ganda mo."

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon