CHAPTER 49

196 14 0
                                        

KOHLEN

"KHEILANIE!"

Napalingon ako sa direksyon na pinangalingan ng isang bulyaw. Malapit sa hagdan na patungo sa pangalawang palapag ay hinatak ni Haring Howard ang aking asawa.

"What?—Oh shit!" Natumba ako nang patalikod nang may humatak sa aking balikat. Nag-angat ako nang tingin sa humatak sa akin, napalunok ako nang protektahan ako ni Heneral Cedrich sa isang kalaban na kamuntik na akong saksakin.

"Haring Kohlen, magpokus kayo ngayon. Mapakarami nating kalaban na nagsusulputan sa tabi-tabi." Sermon nito at saka kumaripas nang takbo sa iba pang mga kalaban na pumapalibot sa mga kapwa nitong kabalyero na hindi maipagtanggol ang kanilang mga sarili dahil sa sugatan din ang mga ito.

Dali-dali naman akong tumayo at nilingon ulit ang aking asawa. Kheilanie and her father are fighting. Pumipiglas si Kheilanie sa hawak nang kaniyang Papá subalit hindi naman siya pinagbibigyan ni Haring Howard sa kaniyang kagustuhang lumayo sa kaniya.

Akmang lalapitan ko ang mga ito nang may sumulpot muli sa aking tabi at sinaksak ako sa aking tagiliran. "Argh!" Impit ko ko dito nang ibaon pa niya lalo ang espada sa tagiliran ko. "Damn it!" Mura ko dito at winasiwas ang aking espada sa kaniya kahit nakabaon ang kaniyang armas sa akin. 

"PAPÁ! HELP HIM! TULUNGAN NIYO PO ASAWA KO!" Rinig kong pagmamakaawa ng aking asawa sa kaniyang Papá. Her cry breaks my heart.  

Paano ako haharap at tutulong sa kaniya nito kung sa isang saksak ay matatalo na ako. Umubo ako nang dugo nang ipilit kong tanggalin ang espada sa akin tagiliran. Ginamit kong pangtungkod ang aking espada at humarap sa aking asawa at kay Haring Howard. "King Howard, paki layo si Kheilanie dito!" Demanda ko sa hari.

Tumango siya at kinaladkad si Kheilanie papalayo. She struggles from her father's arms but King Howard did not let her go. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko at umiwas nang tingin. Hindi ngayon ang oras na magpahalumbaba at puntahan ang aking asawa. Kung gagawin ko iyon, maaaring matalo kami na mga nandirito sa loob ng palasyo. Nandilim ang aking paningin nang bumagsak ang pintuan nang palasyo. May iba pang mga sumugod papasok dito. 

I clicked my tongue and ran towards another enemy. I thrust my sword into his chest; ejecting it in a swift move then attack again on another enemy. 

I need to keep fight. I can't let these enemies win.

Para sa aking pamilya, sa aming kinabukasan. Para sa aking pinsan na patuloy ding lumalaban. 

🪡

Dinura ko ang dugo na nasa aking bibig at huminga nang malalim. Ang mga kawal ng mga Wainwright ay lumalagas sa dami nang mga sumusugod sa amin, pero ang iba naman ay nasa labas nang palasyo na lumalaban. 

Hindi ko na masabi kung ilang minuto, o oras, na kaming lumaban. Nanghihina na ako at patuloy na kumakawala ang dugo sa aking katawan. Dumagdag pa rin ang mga kalaban namin.

Hindi ako maaaring matalo. May darating dito sigurado ako. Habang kaya ko pa ay lalaban pa rin ako.

This battle may have its blind spot, but we will not stop. We will fight until the very end.

Lumaban pa rin ako kahit na bumibigat na ang aking katawan at mga talukap sa mata. Habang wala pa rin dito ang mga taong tutulong sa amin, dapat pa rin akong nakatindig at ipakita sa mga kalaban na kahit gaano pa sila karami na sumusugod sa amin ngayon ay hindi nila kami mapapabagsak nang basta-basta. 

Binuhat ko muli ang aking espada ngunit umikot ang aking paningin at nabitawan ko ang aking armas. 

Shit! Babagsak ang aking katawan.

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon