KOHLEN
I want to whack my head. "Puta..." napasapo ako ng buong mukha, "Kheilanie naman..."
She didn't even hesitate to plant a kiss on my cheek. Tanging pinagtuonan niya lang ng pansin ang niregalo sa kaniya ng matanda. And she left me at the threshold dumbfounded.
"Tsk! Matawagan nga si Xio." Lumabas ako ng palasyo at hinanap ang numero ng kapatid ko.
🪡
Pagkatapos ng aming pag-uusap ni Xio ay naginhawaan ako. Hindi nakakalapit masyado si Wrieck kila Ina at Ama dahil sa kagagawan ni Kuya Collins. At ang kapatid ko naman ang nag-aasikaso nang mga dati kong trabaho sa palasyo.
Sa dami ng nangyayari sa loob lamang ng isang buwan ay maaari na akong matulog na walang pag-aalinlang. Tumungo ako sa kusina para makainom ng tubig at mamahinga.
Pabalik pa lang ako sa aking silid ay nadatnan kong nakaupo sa gitna nang hagdan si Codie. "Codie! Anong ginagawa mo riyan? Para kang tanga na nakaupo diyan sa hagdan." Natatawa kong wika dito at nilapitan, pero hindi naman ito nag-abala na mag-angat ng tingin sa akin.
"Why are you still out late at night?" Tanong na nito at nakahugot naman ako ng paghinga.
"Katatapos ko lang kausapin si Xio tapos nagpahangin ako sa labas." Napapunas ako ng aking palad sa aking pantalon. Hindi naman ako inimikan nito. This is so awkward. Ang lalim naman ng kaniyang iniisip. Maaari kayang tungkol sa pag-iisang dibdib namin ni Khanarie. Tumindig lahat ng buhok ko sa katawan. Nalalapit na talaga ang kamatayan ko nito. "Codie, look... Gagawan natin ng paraan 'yang sugatang puso mo. Sa'yong sa'yo na ang Heneral. Huwag ka na mag-alala riyan. Ayoko sa kaniya!"
"What the fuck are you saying?!" Malamig niya akong tinignan at napaatras ako.
"God, guide me for this day. As there are people who are about to kill me when I get married." Pagdarasal ko sa hangin at nag-sign of the cross.
Tangina naman nito. Ako na nga gumagawa ng paraan upang gumaan ang loob nito, pero ako pa ang mapapasama dito. Akala ko kay Khanarie Wainwright ako mamamatay. Pati rin pala sa pinsan kong seloso. Ang buong arrange marriage na nangyayari sa amin ay isang panggulo. Baka heto pa ang maging dahilan nang ikakasira naming lahat.
"Ano na naman nasa utak mo, Kohlen?"
Pilit akong ngumiti sa kaniya. "So, ano na ang gusto mong gawin?"
His fallen. He looks down on his feet. "I... I don't know what to do?"
Napakurap naman ako sa binitawan nitong mga salita. "Ha? Ano sinasabi mo?" I find it hard that Codhille is not able to think of a way out of this mess. Siya itong maraming naiisip na paraan kapag kulang na ang aking ambag.
"I am in love with Khanarie Wainwright, Kohl. And I don't know how or what to do after King Howard's words." He confess.
Love? As in love na 'love'?
"M-may feelings ka sa kaniya? Feelings na... basta iyon na feelings?" Paninigurado ko. I don't want to jump into conclusions right now. Baka ako pa madali dito kung mali pa ang pagkakaintindi ko sa kaniya.
"Yes." Diin na nito.
Todas mo, Steadman! Kamatayan na tawag sa dalawang 'to. Binabantaan na ang buhay mong gago ka.
"Lord, hear my prayers. I want to live," muli ko na namang dasal sa Diyos. Sana lumipas na lahat ng aming mga problema at buhay pa sana ako sa mga oras na iyon.
🪡
Ganito pala pakiramdam kapag nabawasan ka ng tinik sa dibdib mo. Ang ganda ng simula ng araw ko. Nakatulog ako ng mahimbing. Gumising na matiwasay ang umaga.
BINABASA MO ANG
Wainwright Series 2: A Doll Not to be Replace
FantasyThe similar designs weaves differently in her hand. 🪡 Kheilanie Wainwright impersonates her twin sister: Khanarie Wainwright, whenever she is away from the Wainwright Palace because of her duty. Her disguise is unique, but her life isn't. Force to...
