KHEILANIE
Bumalik na kami sa palasyo pagkatapos ko itong ayain na lumabas sa bayan ulit. Nahiya naman ako noong sinabi ni Kohlen na hihintayin niya ako pagmatatapos ako sa aking trabaho. Hindi ko naman masikmura iyon dahil tinatrabaho ko ang kaniyang suit at aabangan niya ako kahit walang kasiguraduhan kung kailan ko tatapusin ang mga haharapin kong mga trabaho.
At saka isang buwan na lang ito mananatili sa palasyo. I want to know more about him.
"Kheilanie, here you go." May inabot itong bag sa akin pagkatayo namin sa pinto ng palasyo. Heto din ang kanina pa niyang buhat na bag pagkalabas namin sa isang botikang nadaanan namin. Hindi ko na nabilang kung pang-ilan iyon. "Bigay iyan ng isang may-ari ng botika. Hindi ka raw kasi tumatanggap ng mga regalo nila. Pasensya na kung tinanggap ko ito na walang pahintulot mo, pero hindi ako makatanggi sa matanda dahil gustong guto nitong regaluhan ka."
A small smile tweak at the end of my lips. Hindi ko naman magawang magalit sa kaniya dahil hindi niya naman alam na marami naman talagang binibigay ang iba sa aking mga nagmamay-ari ng botika dahil suki nila ako.
"Tignan mo, Khei." Pag-uudyot nitong tignan ko ang nilalamat ng bag.
I followed and took the dress out. "Are you serious, Kohlen?!" I gasped. It was the same dress which we argued about comparison. Napatakip ako ng bibig at palipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa bestida.
"The old lady wants you to have that."
"Pero ayaw mo nito."
He shakes his head. "Not anymore. Tama ka rin naman na hindi ko dapat ito kinukumpara sa gawa mo. At saka masaya kang makita iyan kanina. It means the dress resonates with you, Khei."
My heart flutter: and tiny fireworks explodes inside of me. Talagang napasaya niya ako at noong nagbigay nito sa akin. They are so kind.
I leap towards Kohlen and Cling around his neck, giggling. "Thank you talaga Kohlen! Muah!" Hinalikan ko ito sa kaniyang pisngi at kumaripas ako pabalik ng aking silid dahil gusto kong sukatin ang bestida.
🪡
"Done!" I hug the coat and jump out of my seat. Tapos ko na rin sa wakas ang ibibigay ko kay Kohlen. Worth it lahat ng pagpupuyat ko para dito. At sigurado na akong babagay itong isang suit kay Kohlen.
I swing my door open and run for dear life. Excited na akong makita ang reaction ni Kohlen. At kung may kailangan pa akong i-adjust sa kaniyang suit, ay matatapos ko din ngayong gabi.
Dumungaw ako sa baba ng hagdan, "Yes! Codhille is here—oh! He's with Khana." Umatras ako nag-squat sa tabi ng hagdan upag hindi ako mapansin ng mga ito. I squinted my eyes. The coat around Khana clashes against her dress. Nangilabot ako dahil hindi ko naman iyon binigay sa kaniya.
Pero ang mas nangilabot ako ay nagsusumbatan ang dalawang ito na para silang magkasintahan. Natunaw ba ni Codhille ang yelo na puso ni Khana? "Yiee. Ang galing naman ni Codhille," I slightly pat my cheeks and squeal like a lovesick girl.
"Ate Khei, anong ginagawa mo riyan?"
Napatalon ako ng kaunti at lumayo sa hagdan. I clutch the coat on my chest. "Nakakagulat ka naman!"
Lumabi naman ito. "Palagi ka kasing nagkakape, ate. Hindi ko kasalanan kung nerbyosa ka na." Nagkibit-balikat ito at huminga ng malalim. "Ano po ba ginagawa mo diyan, Ate Khei?"
"Ah! Wala. Wala akong sinilip." Pailing kong sagot sa kaniya, pero tumawa ito. "Ano nakatatawa?"
Inismiran niya ako at tinuro ako. "Hindi ka marunong magsinungaling, ate." Tumabi na ito sa akin at dumungaw sa baba ng hagdan. "Ah... Si Ate Khana at Sir Codhille pala ang tinitignan mo."
Nanlaki ang mga mata ko dito at hinila siya sa aking tabi. Napaupo naman siya at dumaing. "Ano ka ba, Khally? Paano na lang kung makita ka nila—o ni Khana?! Baka magalit pa iyon kung malaman niyang pinapanuod natin sila."
"You are the only one watching them, Ate Khei. Bababa sana ako para kumuha ng tubig." Sinermonan ko naman ito na dapat nagpadala na lang siya ng kaniyang tubig sa silid nito. Pero ang kaniyang depensa ay hindi na niya nakita ang oras, kaya ayaw na nitong mag-abala pa ng ibang tao para kuhanan lang siya ng tubig.
"Pero... ang cute ni Sir Codhille at Ate Khana. Pansin mo rin ba, Ate Khei?" Mahinhin niyang tanong sa akin.
Hindi naman ako makatanggi, dahil ang dalawang matagal ko nang minamata ay mayroong pagtingin sa isa't isa. I just hope Khana could recognized that soon.
"Bagay nga sila."
"Pero si Ate Viera may gusto naman ata kay Sir Codhille," napabuntong-hiningang dagdag ni Khally.
My eyes widen in surprise. "Paano mo alam?" I gaped. "Narinig ko kasi usapan nila ni Sir Codhille kanina bago umalis sina Ate Khana. Kagagaling ko sa kusina dahil tinignan ko iyong mga tsokolate na ginawa ko."
"Anong sinabi niya?!" Napakapit ako sa isang braso nito.
Napakamot naman ito sa kaniyang ulo. "Parang binabalaan niya si Sir Codhille."
"About what?"
Umiling naman ito. "Hindi ko na po iyon narinig. Medyo malayo ako sa kanilang dalawa para marinig ko ang isapan nila."
"Nako naman! Kapag si Viera na ang usapan, hindi iyon umaatras kapag may nagustuhan ito."
"Oo nga po," sang-ayon ni Khally kaya napabitaw na ako sa kaniya. "Sana hindi gumulo ang buhay natin dahil lang sa iisang tao ang nagugustuhan ng mga ito."
"Hindi naman siguro. Napakababaw na dahilan iyon para pag-awayan ng mga kapatid natin." Tumayo na ako at tinulungan din si Khally na tumayo.
Magpapalaam na dapat ako dito na iiwan ko na siya pero napangunahan na naman ako. "Ate may lakad ka ba? Kanina ko pa napapansin iyang suit na buhat mo." Tinuro niya ang mga hawak ko.
I wanted to lie, but Khally could already read me well. Wala ding kwenta kung gagawin ko iyon. "Kohlen..." I breathed.
Kumurap naman ang kapatid ko. "I suggest you do that tomorrow, Ate Khei. Madadaanan mo si Ate Khana at Sir Codhille," huminto ito saglit at muling dumungaw sa dalawa na nasa baba. Khana and Codhille are in a heated argument, "Pero kung gusto mo namang maipit sa dalawa, sige, subukan mo po."
Napakagat naman ako sa loob ng aking pisngi at binitawan na ang binabalak kong kitain si Kohlen. "You are right. Mahirap na baka makwestyon ako ni Khana."
Khally chuckles. "Iwasan mo na iyon, Ate Khei. Baka kayo pa po ang pumalit kay Sir Codhille na siyang kaaway niya na sa baba." Napasimangot naman ako dito. Hindi imposible na mangyari iyon sa amin ni Khana, since she returned after a meeting at Town Prukkehiya.
"Pasama na lang ako na uminom, Ate Khei. Para hindi masayang ang paglabas mo sa iyong kwarto po." Hindi ko naman ito inimik pero sumunod ako sa kaniya na magkahawak-kamay kami.
BINABASA MO ANG
Wainwright Series 2: A Doll Not to be Replace
FantasíaThe similar designs weaves differently in her hand. 🪡 Kheilanie Wainwright impersonates her twin sister: Khanarie Wainwright, whenever she is away from the Wainwright Palace because of her duty. Her disguise is unique, but her life isn't. Force to...
