CHAPTER 18

55 11 0
                                        

KOHLEN

I did a detour to get some air. Hindi na ako sumama kay Codie gaya nang una naming napag-usapan. Nawala rin ang aking pagod dahil sa mga nangyari. 

"Bakit pa kasi ako umabot sa ganito? Kagagawan talaga noong babaeng nang karma sa akin." Bumuga ako ng mabigat na hangin at saka naisipan na bumalik ulit sa aking silid. Kahit hindi na ako umabot sa labas ng palasyo, nagawa ko pa ring makapagnilay-nilay sa entertainment room. 

Pagbukas ko ng pinto may tumalon sa akin. Natumba ako patalikod dahil sa gulat. "Holy sh—" 

"Meow!" A cat meowed and purred. 

Ang cute ng pusa. Halos sakupin ng mata nito ang dilim. At napakabango pa ng kaniyang kumikislap na itim na balahibo. 

Aabutin ko na dapat ang ulo nito pero ang matulis nitong mga kuko ang natanggap kong bati niya. I hissed and took back my hand; ang pusa naman ay umalis sa aking ibabaw. 

"Damn! Kung kay Khanarie ito, kaugali niya 'tong pusa!" Sa inis ko naman ay dali akong tumayo at hinabol ang pusa. Iniwan kong nakaawang ang aking pinto dahil pumasok na naman siya sa kwarto. 

Sapilitan ko itong binubugaw palabas ng pinto pero napakabilis niya at sinasadya niyang iwasan ang pinto. I cursed and stormed out of my room. Tumapat ako sa kwarto ni Khanarie. Titigan ito at nagmuni-muni kung tama bang sa kaniya ako humingi ng tulong? 

Well, the cat came from this household. I think she is also responsible for the little critter.

"Prince Kohlen, tititigan mo na lang ba ang pintuan ng aking silid? O 'di kaya'y aasawahin mo na?" Napatalon ako sa gulat dahil andito na yung iniisip kong paghihingian ko ng tulong.

Dali naman akong lumayo sa pinto ng silid niya at hinarap siya. "Khanarie!"

"Walang isasagot iyan tulad ng inaasahan mo."

"Andiyan ka pala?!" I panicked.

Nag-iba ang pinta nang kaniyang mukha, pinaghalong pagtataka at disgusto. "Hindi, Prince Kohlen. Anino ko lang ang kaharap mo ngayon." She sarcastically talked back.

"Aish! Tulungan mo ako! May nakapasok sa kwarto ko!"

Tinaasan niya ako ng kilay na parang nakadududa ang sinabi ko. "Codhille is your knight. Sa kaniya ka humingi ng tulong, hindi sa akin." Pagtataboy niya sa akin,

"Pero palasyo niyo 'to!" Baling ko rito.

"Hindi kita obligasyon, Prince Kohlen." She retorted back. Mas matigas pa ang puso nito kaysa sa pinsan ko kapag kinukulit ko ito. 

"Khanarie!"

"Para kang babae bwisit!" 

Nanlaki ang mga mata ko at kumulo ang dugo ko. "Are you calling me gay?" I raised my voice at her.

"Bobo!" Bulyaw nito pabalik sa akin. "Iba ang gay sa umaasta na parang babae! "

"Then what does that mean?"

"Bobo mo talaga! Bahala ka na riyan!" 

"I feel attacked, General Wainwright!" Aniya ko. 

"Tawagin mo ang kabalyero mo. Siya ang tutulong sa iyo."

"Tutulungan mo ako sa kwarto ko o sasabihin ko kay Haring Howard mga sinabi mo sa akin ngayon?" I threaten her. 

Natigil naman ito saglit. Para naman itong umepekto sa kaniya dahil tumahimik ito. "FINE!" Sang-ayon niya at nag-martsa patungo sa tapat ng silid ko. Pinihit niya ang pinto pero nanatili pa rin siyang nakatayo sa pinto. "Anong mayroon dito? Takot ka sa dilim?" Bakas ang irita sa boses niya habang naaduro sa loob ng silid.

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon