CHAPTER 40

223 14 0
                                        

KOHLEN

Napasandal ako sa riles ng barkong sasakyan ko pabalik sa North. Pinanuod ko ang mga nagsasakayang iba pang mga tao na pupunta sa aming kontinente. Ilang saglit na lang ay aalis na din kami dahil itataas na nila ang plaka na pinag-aakyatan ng mga tao.

"Tangina... Wala akong kasama na uuwi,"napasuklay ako sa aking buhok gamit ang mga daliri ko. It is frustrating that Codie has a choice to stay here but not me.

Naiinggit ako dito dahil pupwede siyang magtagal dito na walang iniisip sa mga pangyayari sa North. At hindi ako sigurado kung magtatagal ba ako sa amin. Si Wrieck na ang makakaharap ko na ito, malamang hindi niya ako palalagpasin sa mga plano niya. Gagawin nito ang makakaya niya upang pabagsakin ako.

"KOHLEN!" Napalingon ako sa mga turistang mga kasama ko. Ni wala sa kanila nakatingin o nakakakilala sa akin para tawagin nila ako. At may sarili silang mga mundo nang makaakyat sila dito. "KOHLEN!" Napakunot ako ng noo at hinanap ulit yung nagtatawag sa akin.

"Putik! Nag-aadik ata nagtatawag sa akin." Kung nakahithit 'yong nagtatawag sa akin ng marijuana, huwag ako ang tawagin niya! 'Codhille' dapat ang tawagin nito.

"FUCK YOU, KOHLEN STEADMAN!"

"Aba! Potangina nito!" Umalis ako sa pagkakasandal ko sa riles at bumaba ang tingin ko sa barko. Hinihingal itong huminto sa tapat ko.

"YOU BASTARD OF A COUSIN!" Bulyaw nito at pinagtinginan kami ng mga pasahero. Aalis na nga ang tao, gumawa pa ito ng eksena. "KAPAG MALAMAN NG HENERAL NA PINAIYAK MO ANG KAMBAL NIYA AT SA AKIN AY MAGTAGO KA! DAHIL HAHANAPIN KITA SA BAWAT SULOK NG MUNDONG ITO!" Banta pa nito at dinuro ako.

Mga bulong-bulungan ang pumalibot sa akin. Ang iba naman ay pinagkamalan pa akong kriminal at sinasabihan ang mga anak nila na huwag lumapit sa akin.

"Gago ka, Codhille! Huwag mo akong pinagbabantaan!" Bulyaw ko pabalik sa kaniya.

"CATCH THIS, KOHLEN!" Natatawa nitong sigaw at may hinagis na paper bag. Nanlaki ang mga mata ko ng papunta iyon sa direksyon ko. Halos mahulog ang puso ko nang kamuntik kong hindi ito masalo. "Take care of that, Kohl! I'll see you soon!"

I look back at Codie who smirks and walks away like nothing happened. "Nakahithit nga ng marijuana," I whisper through the air. Umiling-iling akong niyakap ang paper bag na binigay nito.

I caught a faint scent from the bag. It was Kheilanie's perfume.

Napakagat ako sa aking dila at tumungo sa bunker ko. Pagkasara ko ng pinto ay dali kong tinignan ang laman nitong bag. "Urgh..." Napasandal ako sa pinto at bumagsak ng upo sa sahig. Kinuha ko ang damit na nasa loob.

I knew it came from her. Even if there was no letter or note in the bag, I am confident that she gave this to me. I recognize thsee soft baby blues. It was the same shade of fabric that we bought together; I memorized it while she lectured me with the fabric's context and textile.

"Babalikan kita agad, Kheilanie," I let my tears fall from my eyes and bury my face on the fabric. I cuddled the coat wishing it was her. Feeling her closer to me.

🪡

I walked down the ramp as the ship made its stop at the port of Orinzet.

Nasilayan ko si Xio sa tabi ng daungan, aligaga itong napapatingin sa kaniyang cellphone at nagkikibit-balikat. Sumisilip din ito sa kaniyang likod na parang may nakasunod sa kaniya. Lumakad ako palapit sa kaniya habang buhat ang mga bagahe ko.

"Hoy! Para kang nakakita ng muto!"

Napatalon naman ito paatras. "Potangina mo naman, Kohlen!"

Tinawanan ko naman iti at inatang bumalik na sa palasyo. Pinauna niya akong sumakay sa karwahe at saka nakahinga ng maluwag pagsakay din nito. "May multong sumunod ba sayo?" Tanong ko sa kaniya.

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon