Chapter 6

57 3 0
                                    

MASCA's POV

andito kami ngayon sa arena at prenteng nanonood sa mga naglalaban.

nasa madilim kaming parte ng arena kung kaya't walang masyadong nakakapansin sa amin.

at natapos na rin ang napakawalang kwentang away.

"WOAH! that was a magnificent fight, right Kkangpaes?!" sigaw ng Emcee.

I rolled my eyes.

"and Now! Let's call on the most awaiting comeback fight of Masca Lady of Phantom Gang and Wilbur of Six-Gum Gang!"

nakakabingi ang palakpakan at sigawan ng mga kapwa ko Kkangpae.

pero wala akong pakialam at naglakad na lamang papunta sa gitna ng arena.

nakatingin lamang ako kay Wilbur habang ang dalawang kamay ko ay nasa loob ng bulsa ko.

"Kumusta ka naman Mas----"

sadyang nagulat ang MC sa ginawa ko, iniharang ko lang naman ang left hand ko sa bandang mukha niya kahit pa nakatuon lamang ang tingin ko kay Wilbur.

daming satsat. tss.

"a-ah eh sabi ko nga.. Let the battle Begin!"

pagkasigaw na pagkasigaw ng MC ay siya namang pagtakbo ni Wilbur pasugod sa akin.

susuntukin niya sana ako pero nakaiwas ako pakanan.

wala akong ginagawa. sa katunayan ay nasa bulsa pa rin ang mga kamay ko.

susuntukin niya ulit sana ako pero nakaiwas ako pakaliwa naman..

sumusuntok lang siya pero parang hangin lang ang kalaban niya.

'weakling' sabi ko sa isip ko.

susuntok na siya pero nakayuko ako at sinipa siya sa tiyan.

napaluhod naman siya.

I smirked.

nakatalikod ako sa kanya at nakikiramdam.

nang makaramdam ako na sisipain niya ako pero malas niya dahil nakatalon ako.

tumayo siya at ngayon ay magkaharap na kami.

"Kapag nanalo ako sa laban na ito, better take off your mask Masca Lady.." he grinned.

"Really?" nang-uuyam kong sabi ko sa kanya.

"I'll make you unmask Masca!" nasuntok niya ako sa tiyan.

ang laban na ito ay hindi lamang pisikal. you can use any weapon just be sure that you can't kill any.

naglabas siya ng baril.

I smirked.

"Coward.."

"anong sabi mo?!"

"You're a coward Wilbur.."

tumakbo ako palapit sa kanya pero nilagpasan ko siya na ipinagtaka niya.

siniko ko siya mula sa likod dahilan para mabitawan niya ang baril niya.

"Hindi isang mahinang katulad mo ang makakatanggal ng maskara ko Wilbur.."

I smirked at inilabas ang maliit na kutsilyo. tumakbo ako sa kanya at naidaplis ko sa braso niya.

namilipit siya at di na ginawang tumayo.

itinago ko na ang kutsilyo ko at ipinasok ang mga kamay ko sa bulsa at nag-umpisang maglakad paalis.

"HOOO! Masca Lady of Phantom Gang for the WIN!" sigaw ng MC

"Wala ka pa rin talagang kupas Masca! IDOL!" - Purple Spy o P.S

akma niya akong yayakapin pero binigayan ko siya ng cold stare.

"ay sorry..." - P.S

nilagpasan ko na sila. at umalis na sa lugar na iyon.

CONS' POV

buong araw kahapon hindi ko nakita si Ynna.

I am freaking worried of her. ang tigas naman kasi ng ulo niya.

palabas na ako ng unit at kapag siniswerte nga naman eh nagkasabay pa kami.

"Ynna..."

tumingin siya sa akin sandali pero umiwas din agad at naglakad na paalis.

hinabol ko siya at hinawakan sa braso.

"Ynna sandali!"

"May kailangan ka?" cold niyang sabi.

"Are you mad at me?"

YNNA's POV

"Are you mad at me?" there is pleading in his eyes.

i sighed.

"I'm not"

nagiguilty ako. wala naman siyang alam sa pinagdaraanan ko. oo, bestfriend ko siya pero I haven't shared any to him.

"then why are you avoiding me?"

naging bestfriend ko lang naman siya nung...

aish! nevermind!

"I'm not"

"hindi pa ba pag-iwas ang tawag mo sa ginagawa mo? Ynna, may kasalanan ba ako? Dahil ba nasigawan kita kahapon? I'm sorry. I really am. Nagawa ko lang naman yun kasi..."

"kasi?"

"kasi.. nag-alala ako sayo.."

napaangat naman ako ng tingin sa kanya.

"ha?"

"Nag-alala ako sayo..."

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

"...kasi BESTFRIEND tayo diba?"

naibagsak ko ang balikat ko.

oo nga pala. bestfriends kami.

"Yeah.. we're just bestfriend.." tumalikod na ako at naglakad paalis.

nung medyo malayo na ako ay humarap ako sa kanya..

"What are you waiting for? Late na tayo..."

I smiled.

A FAKE SMILE.

Behind her MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon