CON's POV
Pagkatapos ng di inaasahang pagkikita namin ni Ella sa baba ng condo ay bumalik na ako sa unit ni Ynna.
Pagkabukas ko ng pintuan ay agad na tumambad sa akin ang nagbabasang Ynna.
Napatingin siya sakin habang hawak pa rin ang librong binabasa niya. Kanina pa ba siya dito?
"Saan ka galing? I told to stay here and just wait for me.."
She looks more beautiful pag medyo galit siya.
"May binili lang ako sa malapit na convenience.."
Napansin ko namang parang may tinitingnan siya sa gilid ko. Napatingin din tuloy ako.
"Oh asan ang binili mo? Wala ka namang dala ah!" -_______-
Aba! Nagpoker face pa siya ah.
Kaya lumapit na ako sa kanya.
"Ubos na po. Bumili lang ako ng Cali dun, hihintayin kasi sana kita. Teka! Kanina ka pa ba dito?"
"Hindi naman. Kakarating ko lang din."
Then pumunta siya sa may kusina at parang may kinuha. Bumalik siya na may dalang chips.
"I saw you." sabi niya pagkalapag niya sa mga chips kaya napatingin ako sa kanya.
"Sino yung kausap mo kanina? I was about to call you pero may kausap ka pala.."
"Ahh.. Si Ella."
"Ella? Yun ba yung dancer sa school na nakamask?"
"Yea. Kilala mo?"
Medyo nabigla siya sa tanong pero agad ding nakabawi.
"Nah.. Magkatabi yung practice rooms namin so minsan nakikita ko siya.."
"Ahh.." Bakit feeling ko may ugnayan si Ynna at Ella? Aish! Paranoid lang siguro ako.
"Curious ako sa kanya.." bigla kong nasabi na nagpabitin sa kanya sa pagsubo ng chips niya.
"Why? Is it because of her mask?"
"Siguro? Ewan. Napapansin ko kasi kapag nawawala ka o hinahanap kita, siya yung nakikita ko.."
"So saan papunta yang sinasabi mo? Na ako siya?"
Ha? Imposible naman ata yun.
"Nah.. Boyish ka lang pero di ka naman marunong gumamit ng baril diba?"
O_______O
Nagulat ata siya sa sinabi ko.
"You mean, you already saw her using a gun?!"
Tumango ako pero di ko sasabihing kanina ko lang nakita.
"Alam mo, huwag mo na aksayahin ang oras mo diyan sa curiousity mo Cons.. Let her reveal her real identity. Baka balang araw magulat ka na lang kilala mo pala siya.." Tapos sumubo siya ng chips.
Bakit parang kilala niya si Ella? Ganun din magsalita si Ella eh, yun bang parang kilala niya talaga si Ynna. Aish! Malalaman ko rin kung sino talaga si Ella.
Imposibleng magkakilala sila personally. Walang ibang kaibigan si Ynna kundi kami lang Esss boys.
Matapos ng konting asaran at lambingan namin ni Ynna ay bumalik na ako sa unit ko. Pagkatapos kong maligo ay nahiga ako sa kama at ipinatong ang braso ko sa mga mata ko. Napagod ata ako ngayon ah! Kailangan ko pa naman ng lakas bukas dahil may gala kaming Esss boys at Ynna. Barkada bonding kuno. Pakana talaga ni Triggs. Psh! Makatulog na nga!
******************************
Maaga akong nagising dahil sa napakabangong naamoy ko. Mukhang may pumasok sa unit ko. Bumangon ako at naglakad papunta sa kusina. Alangan namang sa banyo galing yung amoy no! Kahit nakaboxer shorts lang ako at white sando hala sugod pa rin sa kusina.
Nang makarating ako sa sa kusina ay napangiti na lang ako. Sumandal ako sa may wall at matamang tinitingnan si Ynna.
With her maong short shorts and jersey tapos yung buhok niya eh nakatali, na parang di naman nadaanan ng suklay, SHE LOOKS SO DAMN HOT!
Aish! Tama na nga! Baka san pa mapunta ang imahinasyon ko at magkasala ako. I respect her that much. Alam kong bago pa sa kanya ang pakikipagrelasyon at handa akong sabayan siya kasama na dun yung respeto.
Naging mapusok man kami noon ni Sharlene, hindi yun mangyayari sa amin ni Ynna. Not now.
YNNA's POV
Pinagluluto ko ngayon si Cons ng breakfast. Sunny side up, ham at bacon tsaka fried rice, tama na siguro yan!
Pero habang nagluluto ako parang naiilang ako na ewan. Yun bang you feel that someone is looking at you?? Yun yun eh!
Titingnan ko na sana ang likuran ko pero naunahan ako ng isang napakagwapong nilalang na ngayon ay nakayakap na sa akin.
And oh fucking creature! Nakaboxer shorts lang siya at sando! Geeez! Parang uminit ata bigla?
Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko at marahang hinahalikan yun. Wala akong kiliti dun sa parteng yun pero parang nakukuryente ako? My ghad! Bata pa ako. Get away from me temptation!
Inalis ko sa isipan ko ang ideyang iyon.
"Cons can't you see I'm cooking? Wag kang istorbo!" kunyari galit-galitan ang peg ko.
"I know. Naglalambing lang eh!" nakapout nyang sabi.
"Go get dress now. Sandali na lang to at kakain na tayo. After we eat ako naman ang magpeprepare. May lakad tayo diba?"
Tumango lang siya.
Bago siya umalis may pahabol pa siyang sinabi.
"I'm glad ako lang ang nakakakita ng taglay mong ganda at sexiness.." then he winked at me at tuluyan ng umalis.
Namula ata agad ang buong mukha ko sa sinabi niya. I'm still the boyish-nerdy girl that the people has known.
After everything was cook eh nagmadali agad akong ayusin ang sarili ko at bumalik sa unit ni Cons para sabay na kaming magbreakfast.
After eating our breakfast eh bumaba na kami sa parking since may gala kami kasama ang Esss boys.
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
JugendliteraturSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...