YNNA's POV
I'm back. For good? I don't know. Seven years have passed yet walang pa ring pagbabago ang Pilipinas. Napailing ako. Pinalitan ko ang driver para mapabilis ang pagpunta namin sa CYGC. It's not that mabagal siyang magpatakbo, sadyang sobrang lala lang ng traffic. Siguradong makakarating na naman ito kay Harris. Nakarating kami sa destinasyon at walang lingon na pumasok sa KANYANG kompanya. I smirked at that thought. Magkikita na kami ulit.
As I enter the hall, I greeted them and utter my apology. Of course, late kami at hindi ako ipokrita para hindi humingi ng paumanhin. Nagulat ang lahat sa biglaang pagpasok ko at hindi nakaligtas sa aking paningin ang dati kong pinsan na nanlaki pa ang mata nang mapadako sa gawi ko ang tingin niya.
Hindi rin nagtagal ay may pumasok sa hall at hindi ko na kailangang lingunin pa dahil kahit pitong taon na ang nakalipas ay kilala ko pa rin ang baritonong boses nito. I start to walk to my chair na sadyang ikinagulat niya. I smirk. Medyo nag-mature ang mukha niya pero hindi nagbago ang kakisigan nito.
I introduced myself as BURCE. Yes, I am no longer a DWIGHT. Nasa poder na ako ngayon ng totoo kong pamilya. Sinimulan niya ang kanyang presentation at sadyang hindi ko siya tinigilan sa pagtitig kahit halatang naiilang na siya. What can I do? I missed this man. I set him free but it doesn't mean na hindi ko na siya mahal dahil ang totoo, I still do.
Natapos ang proposal niya pero hindi ko yun tinanggap. He lacks at it. This is business and I can't just sign the goddamn papers that easily. Tumayo ang lahat at isa-isang nagsilabasan kasama na siya. Tumayo ako pero pahakbang pa lang ako nang may biglang pumigil at humablot ng braso ko, medyo madiin pa nga eh. I looked at HER.
"You can't do this!" may-diing sabi ni Sharlene.
"Your h----"
"Will you please leave for awhile Levish? Saglit lang ito." pinutol ko ang kung ano mang sasabihin niya. Pilipina si Levish. Ayoko kasi ng British secretary baka mahirapan ako pag andito ako sa Pilipinas.
Walang nagawa si Levish at tumango na lang. Siguro naman hindi na ito makakarating kay Harris, sana nga lang.
Binalingan ko naman ang dati kong pinsan. Well, maganda pa rin siya pero hindi niya ikinagaganda ang pagbaba ng pagkatao niya dahil sa pagkadesperada niya.
"What? I don't understand you Ms. Chua." Walang emosyon kong sabi kaya mas humigpit ang hawak niya sa braso ko pero parang wala lang sakin. I looked at my arm na alam kong magkakapasa mamaya then tiningnan ko siya, kita ang galit sa mga mata niya.
"He worked hard for this project. Ni hindi na nga siya halos nakakatulog ng dahil lang dito tapos you just turned it down?! How could you!" sigaw niya sa akin.
I rolled my eyes. Binawi ko ang kamay ko kaya medyo napaatras siya.
"How can I? First, you don't have the fucking right to touch me. Second, you're not in the position to question my decision. And lastly, wala akong pakialam kung anong pagpapakapagod ang ginawa niya para sa project na ito. Ms. Chua, this is business! Nagkulang siya kaya kailangan niyang punan. Atsaka bakit ba big deal ito sa iyo? You're just one of the stockholder of CYGC at hindi ka kasama sa mga desisyon na gagawin dito. Nasa akin at BOD ng YnC Empire lang ang decision. Now, did I answer your question already?" sarcastic kong sagot sa kanya.
"Wala ka talagang puso." irita niyang sagot. I smirked.
"Kung wala akong puso eh anong tawag sa'yo? Walang hiya?"
Napakunot-noo siya sa sinabi ko.
"I know your dirty secret Sharlene. Don't try me, baka madulas ako at masabi ko kung gaano kababa ang pagkatao mo."
Nanlaki ang mata niya. Hindi niya gugustuhing kalabanin ako dahil kahit pitong taon akong wala dito, I still have my sources. Baka mabigla na lang siya at pati pamilya niya ay pandirihan siya. Her family loves her so much, na naging pamilya ko rin noon.
Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan pero napatigil ako sa tanong niya.
"Bakit bumalik ka pa? Akala ko ba pinalaya mo na siya?"
"I did. It's not my fault if they needed my help." sagot ko at lumabas agad ng hall.
I saw Levish na nag-aabang sa labas at halata sa kanya ang pagkabalisa. I tap her shoulder.
"Calm down. I'm fine." pagpapakalma ko sa kanya.
I saw my security escorts na nakahilera forming an aisle, daanan ko raw yun. Tss. I think 10 silang lahat. Oh diba? Ano ba kasing ginawa ni Harris at kung ituring ako ng mga taong 'to eh para akong mamahaling gamit na hindi pwedeng mabasag?
Napadako naman ang paningin ko sa lalaking nakapamulsang naglalakad papalapit sa akin. He looks harmless kaya siguro hindi man lang siya sinita ng mga escorts ko.
"Ms. Burce.."
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"I thought you already left. Mabuti naman at naabutan kita."
I didn't move, ni hindi ako nagsalita. Gusto kong magpahinga pero gusto ko rin siyang pagmasdan. Gulo ko diba?
"Would you mind joining me for a tea or coffee?"
Wala sa sariling tumango ako. Why not? Magkakape lang naman. I signed Levish to wait for me at the basement but she refused and said that she'll just wait for me. I nodded. Ayokong makaabot pa kay Harris ito at baka pauwiin niya ako pabalik ng Britanya. Pumasok kami sa office niya. Simple lang ito, very manly atsaka maaliwalas din dahil glass wall ang ginamit dito, kita ang syudad.
"What do you prefer? Coffee, juice, or tea?" I heard him say. Busy kasi ako sa pagsa-sight seeing.
"Milk."
Narinig ko pa siyang napa-'huh'. Well, mas gusto ko pa rin talaga ang gatas at wala silang magagawa 'dun. A minute later hawak ko na ang gatas ko pero nakatanaw pa rin ako sa labas.
Tumikhim siya.
"So it's been a long time. How's life?" basag niya sa katahimikan.
"It's fine." maikli kong sagot.
"You know what, si Ella na lang ang nakikita ko ngayon sa'yo."
Ngumisi ako at humarap sa kanya.
"It's been 7 years yet 'di mo pa nakakalimutan ang mga revelations ko dati?"
Umiling siya.
"I see. How 'bout you? Kamusta?"
"I'm fine."
Lihim pa akong napangisi. Syempre he's fine. I know that. Napatango ako sa sinabi niya. I eyed him.
"Your girlfriend seems so protective to you."
"Girlfriend?" takang tanong niya.
I nodded pagkatapos kung ibaba ang baso ng gatas.
"Why? Did I say something wrong? Ms. Sharlene Chua talked to me earlier. I thought she's your girlfriend."
"No! She's not my girlfriend!" medyo pagalit na sabi niya.
Masyado naman siyang halata. Alam kong hindi sila magboyfriend 'coz I know what's their relationship. Masyadong nakakasuka. Don't get me wrong, kay Sharlene lang ako nasusuka.
Tumayo ako at tinalikuran siya.
"Girlfriend or not, pagsabihan mo siya. Ang ayoko sa lahat, yung pinapapakialaman ako lalo na sa mga desisyon ko. By the way, thanks for the milk. Gotta go!"
I stormed out of his office. Napakuyom ako. That bitch! Hindi kita palalagpasin Sharlene. I'll get my revenge for what you did. You'll fucking pay!
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...