MASCA's POV
I just stared this man infront of me now. Alam kong susundan niya talaga ako dahil sinadya kong magpakita sa kanya. I just never thought na mas mauuna si Tolentino sa pagpunta o pagsunod sa akin kaysa sa kanya.
"Leave." Cold kong sabi sa kanya but he just smirked at me. He has the guts ha.
"Why would I do that?"
"Because I said so. You know who I am pero kung sagut-sagutin mo ako ay parang hindi ka naturuan ng tama."
He eyed me. Yung tagos talaga.
"Just end this game. Aren't you tired? They need you. We need you." seryoso niyang sabi.
"Masyado kayong atat. Bumalik ka sa pinanggalingan mo, 'wag kang mandamay dito."
"But this is an order I must follow."
I smirked.
"Then from now on, follow me. Dahil 'yun ang utos ko."
"But-------"
"No buts. Just go."
Tinalikuran ko na siya at umalis. I've made a decision already.
I sighed.
I just hope that it will turned out well.
YNNA's POV
Days passed fast. Nagkaayos na kami ni Cons after that incident with Rainier. Nakapagtataka nga kasi 'di ko na siya nakikita. It seems he's gone. Okay na rin yun para wala ng gulo. Nakakaloka minsan ang pagkaseloso ni Cons eh.
"Ready ka na ba Ynna? Ako kasi excited na! Yiii!" biglang singit ni Shyra na parang kiti-kiti.
Oo nga pala, 3 weeks had passed. At ngayon ang performance namin, dito kasi iheheld ang contest. May dalawang intermission number ang H.U sa event na ito. Isa from the dance group at isa from our band. Mabuti na lang pang-apat ang entry namin at yung intermission namin ay nasa huli pa, 'di ako mahihirapang mag-adjust.
"I think so." kibit-balikat kong sagot sa kanya.
Excited na excited ang lahat ng kalahok pero halata parin yung kaba sa mga mukha nila. Natural lang naman yun.
"Hey guys! Get ready, mag i-intermission na kayo." the event organizer said. Mauuna kasi ang dance troupe.
Tumango naman sila. Seems that they are all prepared.
"Cr lang ako saglit."
Tumango siya nang di man lang tumingin sa'kin. Tsk! Makaalis na nga lang.
CONS' POV
Ang daming tao! Syet! Nakakasuffocate naman dito. Buti na lang we already reserved seats for us sa bandang harapan.
"Oh my gee! Taga-dito ba sila? Ang gwapo!"
"Oo nga girl! Hotness overload!"
"Lapitan natin!"
Ilan lamang yan sa mga naririnig namin sa mga taga-ibang school. Wew! Pogi problems! Hahaha!
'Di na lang namin sila pinansin at diretsong umupo na sa upuan namin. Nice, kitang-kita. Excited na akong makita si Ynna na sumayaw. Pagkaupong-upo namin ay siya namang paglabas ng emcee.
"MAGANDANG ARAW MGA KAIBIGAN! EXCITED NA BA KAYO?!!!" -emcee
Kanya-kanyang yells at cheer naman ang iba't-ibang universities.
"WELL LET US START THE PROGRAM. FOR OUR OPENING SALVO, LET US WELCOME THE HAVERFORD UNIVERSITY BLAZING DANCERS!"
Sigaw at palakpak ang maririnig mo sa buong stadium. Lumabas sila wearing their hiphop get-up. At talagang nakaagaw-pansin si Ella, the lady in mask. Ang swabe ng galaw niya halatang napakahusay at pinaghandaan ang araw na ito.
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...