YNNA's POV
GOODMORNING PHILIPPINES!
another day na naman. at pag sinabi kong another day, panibagong problema na naman. i sighed.
"haaaayy.."
"oh para san yung buntung hininga mo?"
"ay butiki!" napahawak ako sa dibdib ko.
"sa kisig kong to, naging butiki ako?"
tiningnan ko kung sino ang nambulabog sakin ng ganito kaaga. nakita ko si Cons na nakasandal sa pintuan ko at nakacrossed-arms.
sinamaan ko siya ng tingin.
"at anong ginagawa mo dito?! ang aga-aga istorbo ka!"
padabog akong tumayo at inayos ang higaan ko.
"why don't you leave that to the maids, anong silbi na ipinadala sila ng mommy mo kung di sila ang gagawa niyan.."
"bakit ko naman ipapagawa sa iba kung kaya ko naman.." sabi ko kahit nakatalikod ako sa kanya.
"di yan magugustuhan ng parents mo"
"hayaan mo na, wala naman silang pakialam.." mahina kong sabi.
"ha?"
"wala. sabi ko pwede ka nang lumabas at mag-aayos na po ako" nakangiti kong sabi sakanya.
napailing na lang siya at tumalikod sa akin pero narinig ko ang sinabi niya.
"kakaiba ka talaga.."
di ko na lang inintindi ang sinabi niya. ayokong umasa. kakaiba na rin ang kinikilos ni Cons ngayon, nakakapanibago.
pumasok ako sa cr at ginawa ang aking morning rituals tapos lumabas para magluto ng agahan.
nagluto ako ng ginisang kanin na hinaluan ng hiniwang hotdog. tapos gumawa rin ako ng tsokolate.
tamang-tama may nagdoorbell at kakatapos ko lang magluto. binuksan ko ang pintuan at nakangiting Cons ang bumungad sakin.
nakakainlove talaga ang ngiti niya
"natulala ka na diyan.." nagising ang diwa ko.
"psh.. kumain ka na ba? sabayan mo na ako, kakatapos ko lang magluto eh.."
umuna na akong pumasok sa kusina. alam ko namang nakasunod lang siya.
"nagluto ka?!?!?" sigaw niya pagkakita sa mga pagkain na nasa mesa. nagpoker face lang ako.
-_-
"seriously Cons! bingi ka ba o nagbibingihan lang? sinabi ko na nga diba na kakatapos ko lang magluto. aish!"
padabog akong umupo.
"highblood ka naman dyan, first time kasi kitang nakita na nagluto.."
i just rolled my eyes.
"kumain ka na lang diyan.."
at sumubo ako.
CONS' POV
pinagmamasdan ko lang si Ynna na kumakain. bawat subo niya napapatitig ako.
dug.dug.dug
ang lakas naman ata ng heartbeat ko. abnormal. last naman na naramdaman ko ito ay nung...
"nakatanga ka dyan." pambabasag ni Ynna sa pag-iisip ko.
napailing na lang ako.
"wala.." di na rin naman siya umimik so tinignan ko ulit siya. napadako ang mata ko sa mukha niya. maganda talaga si Ynna kung marunong lang siya mag-ayos. matangos na ilong, kissable lips, mahabang pilik-mata at.. teka!
"Ynna, are you using contact lens?"
muntik na siyang mabilaukan mabuti na lang nakainom agad siya ng tubig.
"ha? contact lens? ah--oo" bakit mukhang nag-aalangan siya.
"bakit naman? may salamin ka naman ah."
"wala. trip ko lang. paki mo ba!"
"curious lang.. anong totoong kulay ng mata mo?"
"b-black.. cute kasi ang brown kaya nagcontacts ako ng brown" at tipid siyang ngumiti.
tumango na lang ako.
sasabihin ko na ba? baka naman mabigla siya. pero kelan ko naman sasabihin sa kanya?! aish! bahala na si batman!
"Ynna.."
"mmmm?"
kaya ko to!
"ahm.. kasi.. ano.. may sasabihin sana ako.."
aish!
"spill." patuloy lang siya sa pagkain.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
"CAN I COURT YOU?"
*UGH!
-_-
natapunan lang naman ako ng kinakain niya. sakto naman kasing kumakain siya ayan tuloy, nabugahan pa ako.
inabutan ko naman siya ng tubig. tama ba tong ginagawa ko?
"anong sabi mo?! liligawan mo ako?"
lumapit siya sa akin at hinawakan sa noo.
"may sakit ka ba? ha?"
hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal sa noo ko pero di ko pa rin binitawan.. seryoso ko siyang tiningnan.
"Seryoso ako Ynna, GUSTO KITA. kaya sa ayaw at sa gusto mo liligawan pa rin kita.."
ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"una na ako, ingat ka sa pagdadrive ha?"
wala pa rin siya sa katinuan. tatalikod na sana ako pero bigla siyang nagsalita.
"bakit ako? bakit sa isang weird na tulad ko?"
nginitian ko ulit siya.
"malalaman mo rin ang sagot mamaya." kinindatan ko siya at umalis na.
sobrang gaan ng pakiramdam ko.
'Hindi ako magpapatalo sa iyo Migs..'
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...