YNNA's POV
Grabe ang saya ng bonding namin kahapon. Tila nakalimutan talaga namin ang pagiging rich kids. Hahaha kahit PANANDALIAN lang.
OO. PANANDALIAN lang dahil ngayon BACK TO REALITY na.
Nandito ako ngayon sa kotse ni Cons sa kadahilanang UUWI na ang pamilya ko. Gusto niya raw makita sina Mommy, miss niya kuno. Kung makamiss eh parang siya ang anak. Ako nga eh niwalang kahit anong excitement sa katawan at saka may masama akong pakiramdam. Parang may mali, ewan ko ba!
Nagitla na lang ako nang may biglang humawak sa kamay ko.
"Baka naman lunurin tayo nyan. Ang lalim ng iniisip mo ah!" sabi niya sabay halik sa kamay ko. Shet! Why so sweet Cons?!
"Wala naman..."
"Are you thinking of your family? You'll see them in a bit. Miss mo na sila no?"
Sana nga, miss ko sila pero wala eh. WALA AKONG MARAMDAMAN. Tumingin ako sa labas
"I am." at saktong nasa labas na kami ng airport. Nilingon ko siya and found him smiling. I smiled back at diretsong bumaba sa sasakyan.
I AM? Tss. I lied. I pretend. I always do.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at bigla na lang akong hinila.
"Tara na!" Napailing na lang ako.
Andito na kami sa waiting area kung saan namin sasalubungin ang pamilya ko.
"Hey! Ynna!" I heard someone shouted my name. I looked infront and there I saw my older sister. Walking like she's in a fashion show. Gorgeous as ever. I smiled at her.
"They're here." bulong ni Cons kaya tumayo na kami para salubungin siya.
Niyakap niya ako agad. Close kami di lang halata.
"I miss you! Ang ganda mo na ah!" Nambola pa. Tss. Magsasalita na sana ako nang mapansin niya si Cons.
"Oh! Cons you're here." at tiningnan niya ako na para bang mali na magkasama kami ni Cons.
"Where's mom?" I broke the stare. Nagsisimula na kasi akong kabahan.
"I'm here Belamie." Napatingin kami sa likuran ni ate. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig hindi lang sa boses ni mom pero pati na sa babaeng kasama niya ngayon..
"Waaa! Couz how are you?! It's been a long time!" sabay yakap sakin.
I hugged her back and uttered her name.
"Sharlene.."
Ito ba ang dahilan ng masamang pakiramdam ko kanina?! Damn!
"Oh hijo! Andito ka pala.." Napalingon naman kami sa taong kinausap ni mom. Cons.. I looked at him. Walang emosyon ang mukha niya.
"Hi tita! Hi ate Fem! I'm glad you're back.."
Ni hindi niya binigyang-pansin ang pinsan ko or should I say ex-girlfriend niya.
My mom just smiled so as my sister.
"Anyway why are you two together? I thought, only Belamie will fetch us." Si mom lang talaga ang tumatawag sakin ng Belamie.
Walang sumagot kaya dinagdagan niya ang tanong niya.
"Ah! You're fetching your girl, aren't you?"
Medyo naguluhan kami pero biglang sumagot si Sharlene.
"Yes tita. I asked Cons na sumabay na kay Ynna sa pagsundo sakin."
Napanganga naman kami sa sinabi niya. He asked Cons?! Just fucking wow! Eh ni hindi niya nga nagawang magpaalam kay Cons nung umalis siya.
"I see." Mom uttered then look at me head to toe. Ano na naman?
"Why are you still wearing that kind of clothes again Belamie?"
"I'm comfortable wearing this mom."
"You better change it. We'll be having a little dinner later at home so you're not going to your condo. Are we clear?"
"Yes mom."
Makikipagplastikan na naman! Fuck it!
Di ko mapigilan mairita sa mga nangyayari. Kasama ko sa family car namin si mom at ate samantalang ang magaling kong pinsan ayun kasama ng ex-bf niya na boyfriend ko ngayon!
"What's with the face Belamie? Be sophisticated in your acts." Mom said.
Isa pa to. Lahat na lang ng simple kong galaw kontrolado ng magaling kong ina.
Hindi na lang ako umimik. Diktatora si mommy pagdating sakin. I don't know why.
Nang makarating kami sa bahay or should I say mansion, pinagbuksan kami ng butler namin na si Hans.
"Welcome back madame.."
I smiled at him.
"Femie, dress your sister. Make her elegant. See you at the dinner."
"Yes mom."
At tumalikod na siya, I rolled my eyes.
"Don't do that again Ynna." ate said.
"Do what?"
"Rolling your eyes on anyone's back. It's rude."
"Tss"
At pumasok na ako sa loob. Diretso sa kwarto ni ate tutal siya naman mag-aayos sakin.
Tiningnan ko ang palibot ng kwarto ni ate. Simple lang siya like mine kaso masyadong girly ang kulay. Pink unlike mine na black and white. Pareho kaming may king sized bed pero yung akin parang higaan ng isang royalty. May curtain kasi eh samantalang kay ate diretso kisame ang makikita mo kung nakahiga ka.
Mas gusto ko talaga ng simple. SIMPLENG BUHAY. I sighed.
Umupo ako sa kama ni ate at pinanood siya habang naghahanap ng damit sa walk-in closet niya.
My sister is a sophisticated model intertionally. She's almost perfect.
"Ate why are you doing this?" di ko napigilang magtanong.
"Ang alin?" sagot niya kahit nakatalikod siya.
"This. Yung laging sunud-sunuran ka kay mom."
Napatigil siya.
"Ganun ka rin naman diba? You also follow her."
"Not always ate."
Humarap siya sakin at umupo sa tabi ko sabay hawak sa kamay at pisngi ko.
"Alam kong nagkukulang sina mom and dad sayo Ynn, I can see that. And you're just diverting your attention sa ibang bagay. May rason kung bakit nila ito ginagawa."
"Reason? What is it?" takang tanong ko.
"May mga bagay na hindi mo pa dapat malaman ngayon Ynna. Basta trust them, trust us. Soon you'll know."
"Ate you're killing my curiousity."
She giggled. Tapos sumeryoso agad. Tinitigan ako sa mata.
"Just remember this, STAND FOR YOUR OWN Ynna. Ok?"
Kahit naguguluhan ako, tumango na lang ako.
Tumayo na siya at bumalik sa paghahanap ng damit.
Ano ba ang dapat kong malaman? Tss.. Malalaman ko rin yan. SOON.
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...