YNNA's POV
Pagod ako pero may isa pa kaming performance mamaya kaya I need to prepare myself. Matapos umalis ni Cons ay tumalikod na ako pero napatigil ako sa paghakbang when my phone suddenly rang.
I sighed after knowing who's the caller.
"Sharlene."
Yes. Ang magaling kong pinsan. Ano na naman kaya ang kailangan niya? I tapped the answer button.
"Hello?"
"Ynna? *sniff*"
Napakunot-noo naman ako. Bakit sumisinghot siya? May sipon ba siya o baka----
"Hey! Umiiyak ka ba?"
"C-can you come here? I badly needed someone to talk to."
Napatingin naman ako sa backstage. Matagal pa naman ang performance namin, kaya pa naman siguro. Aabot pa ako mamaya.
"Sige pero asan ka ba? And what happened?"
"Dito ko na sasabihin. Kailangan ko lang talaga ng makakausap."
"Fine. Where are you? Pupuntahan kita."
"Sa likod ng building niyo."
Nagtaka naman ako kung bakit siya andun. Kaya bago pa ako mag-isip ng kung anu-ano ay tumakbo na ako pero nabangga ko si Drew na may dalang juice.
"Damn!" mura ko matapos matapon ng dala niyang juice ang suot ko.
"Sorry... Ynna! Sa'n ka pupunta? May intermission pa tayo."
"Alam ko. May pupuntahan lang ako saglit. Sandali lang ako, promise. I'll be back bago tayo magsimula."
'Di ko na siya hinintay na sumagot, tumakbo ako agad. Ang lagkit pa naman ng damit ko. Makapagpalit pa kaya ako mamaya?
Lakad-takbo ang ginawa ko since malayo ng konti ang building namin sa auditorium, sa may bandang entrance gate pa. Hingal na hingal pa ako pagkarating ko kaya nagpahinga muna ako para makakuha ng hangin.
*Panting*
"You lied to her."
"I didn't!"
"Yes, you did!"
Nakarinig ako ng palitan ng sigaw at kung hindi ako nagkakamali, I know who own those voices. Dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang palapit sa mga taong nag-uusap. I was stunned nang makilala ko sila. I was right, it's Cons and Sharlene. Pero bakit andito rin ang Esss boys?
"Alam ko ang totoo Cons kaya 'wag ka ng magsinungaling! It was just a bet. A bet between you and Migs. You don't love her, you were just challenged nung malaman mong liligawan ni Migs si Ynna!"
Para akong naubusan ng hangin sa narinig ko.
A bet.
A fucking bet.
Pustahan. Putangina! Pinagpustahan lang nila ako!
'Di ako gumawa ng kahit anong ingay kaya nagpatuloy sila sa pag-uusap nila.
"You're talking nonsense Sharlene." singit ni Migs.
"Ha! You can't fool me jerks. Alam kong alam niyong lahat ito. Even the twins. Sabihin mong tama ako Cons!"
Hinintay namin ang kung anumang sagot niya pero sana pala hindi na lang. Sana pala umalis na lang ako.
"Yes, at first-----"
Bigla namang napadako ang tingin ni Sharlene sa gawi ko pero 'di ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Hell yea! I won't allow them to see how hurt I am. Never.
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...