MIGS' POV
(bakit may POV ako?)
andaming tanong ngayon sa isip ko. isa na si Masca na ngayon ko lang nalaman na schoolmate kami. Pero... bakit ngayon ko lang siya nakita?
Napakamisteryosa talaga.
sana naman hindi niya pa napapansin na ako si Wilbur. pero mukhang malabo na di nya napansin, kita ko sa mata niya na pinag-aralan niyang mabuti ang sugat ko.
matalino si Masca.
isama mo pa si Ynna. she's acting weird.
andito kami ngayon sa Cafeteria. nag-aya kasi siyang kumain, napagod ata sa pagkanta niya.
tawa lang siya ng tawa. tiningnan ko naman si Cons. nangingiti lang siya na naiiling.
ano bang meron sa magbestfriend na to at bakit ang mamanhid nila. tss..
halata namang may gusto etong si Ynna kay Cons..
"hahahaha joke ba yun Triggs? Na-ka-ka-ta-wa" sarcastic na pagkasabi ni Ynna.
"oh eh bakit? gwapo naman etong si Cons ah!"
napapailing na lang si Ynna. inirereto na naman nila si Cons sa bestfriend nito.
"magtigil ka nga Triggs, alam mo namang may hinihintay pa etong si pareng Cons eh" sabi ni Jiggs sabay akbay.
parehong natigilan ang dalawa.
bakas sa mukha ni Cons ang lungkot, tss uso naman kasi ang move-on.. samantalang si Ynna walang bakas ng emosyon ang kanyang mukha.
"may nagugustuhan ka na ba Ynna?" bigla kong tanong sa kanya.
tila nabigla siya pero ang bilis magbago ng expression niya.
"wala..."
wala nga ba?
tumayo si Ynna at niligpit ang mga gamit niya.
"una na muna ako guys, may practice kami ngayon eh.."
di na niya hinintay ang mga sagot namin. halatang umiiwas siya sa topic.
tiningnan ko na lang siya habang naglalakad palayo. the way she walks, she reminds me of someone..
hindi mahirap magustuhan ang katulad ni Ynna and an idea just burst out in my mind saka ko tiningnan si Cons.
CONS' POV
umalis na si Ynna dito sa cafeteria. tss sigurado magkikita na naman sila nung kabanda niya.
eh anong paki ko?! aish!
ginulo ko na lamang ang buhok ko.
napatingin naman ako kay Migs..
"anong klaseng tingin yan ha Migs?"
nagkibit-balikat lang siya at sinipsip ang juice na iniinom niya.
weird.
"I am planning of something. Can I count on you?" tanong niya sa amin.
"ha?" - Triggs
"ano naman yan aber?" - Jiggs
"I will court someone." direkta niyang sabi at nakatingin pa siya sa akin.
bakit parang alam ko kung sino ang liligawan niya?
"sino?" I asked him.
he smirked.
problema nito?
sumandal siya sa upuan niya at humalipkip.
tiningnan niya ako sabay sabing.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
"Your bestfriend."
nanlaki ang mga mata ko.
napatayo ako at nahampas ko ng wala sa oras ang mesa.
"anong sinabi mo?!"
nagkibit-balikat na naman siya.
"liligawan niya kako si Ynna bro.." sabi ni Jiggs
"huwag kang magkakamali Migs, hindi laruan si Ynna.."
"who told you na maglalaro lang ako?....
-
-
-
-
-
-
-
-
...I'm serious"
taena! ano na naman ba ang kalokohan na pumasok sa isip ni Migs?!
"bakit ba masyado kang apektado Cons? I asked you before kung may gusto ka sa kanya, you said you don't like her"
natigilan ako sa sinabi niya.
bakit nga ba ako apektado?
"ayoko lang na masaktan siya..."
"you think magagawa kong saktan siya? bakit Cons? kanino siya hindi masasaktan? sayo?"
napatingin na naman ako sa kanya.
sa akin?
"tss wanna bet?"
"ha?"
"court her also.. then tingnan natin kung sinong sasagutin niya. hindi ba ayaw mo siyang masaktan? siguraduhin mong sayo siya mapupunta tutal ikaw ang mas nakakakilala sa kanya"
papayag ba ako?
"atsaka gusto mo ng magmove-on hindi ba? maybe eto na yun.."
eto na nga ba?
shit! bakit ba puro na lang ako tanong?! ang gulo!
"CALL. I'll court her. May the best man win."
he smirked.
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...