YNNA's POV
Natapos ang date namin ni Cons at sobrang nakakapagod. Umuwi ako sa condo kong mag-isa. May lakad kasi silang magbabarkada kaya hinayaan ko na lang. Ayoko namang maghigpit sa kanya, I want him to live to the fullest. Pero sa totoo lang gusto ko syang ipagdamot but I won't do that. As long as ako lang sa buhay niya, sapat na yun. Love is not enough to have a perfect relationship, although nothing is perfect, kailangan din ng tiwala.
Tiningnan ko yung dress na binili namin kanina. Yun kasi yung susuotin ko sa gathering bukas. Ang dress para sakin nung bata ay talagang napakaganda sa mata pero nung unti-unti na akong nagkakaisip, I disgust to the looks of it. Masyadong pagirl. Babae pa rin naman ako kung nakapants lang ako. Tsk. Pero ngayon, nagsusuot na naman ako lalo na kapag formal gatherings.
Napatingala ako sa kisame.
"Ano kayang mangyayari bukas?"
It bothers me a lot. Feeling ko kasi may mangyayari at I have a feeling na di maganda yun.
Haay. Bahala na nga!
At nakatulugan ko na ang pag-iisip sa gathering na yun.
************************************
Ang bilis ng oras. Andito ako ngayon sa harap ng salamin at nag-aayos. Napabuntong-hininga ako.
I heard knocks on my door and it opened then a handsome man was standing right there.
"Are you ready?"
I nod.
Lumapit siya sa akin and held my chin to raise my face and planted a soft kiss on the tip of my nose.
"I really love this gorgeous lady infront of me."
Namula ako sa sinabi niya.
"Sus! Bolahin mo lelang mo." sabay kurot ko sa pisngi niya.
Tumawa siya ng bahagya.
"I like it when you're wearing dress but I love the most when you're in pants and jersey with glasses. My boyish nerd." and he kissed me passionately. I respond with the same intensity.
We stopped with smile on our face.
"I love you Ynna."
I smiled.
"and I love you too Cons."
Kung kelan kami sasabak sa isang pagpapanggap na naman, saka naman kami ng nagdrama. tsk!
"Tara na."
Nakarating kami sa mansyon namin. Halatang si mommy ang nagpahanda nito. Napangisi na lang ako. Inakbayan ako ni Cons.
Okay. Hingang malalim Ynna.
"Malagiyang pagdating young lady, seniorito." magalang na bati ng mga kasambahay. I smiled at them, Cons just nodded.
Sa dining area kami dumiretso. Kumpleto na sila.
"Oh andyan na pala ang magbestfriend eh." magiliw na sabi ni Sharlene kaya napatingin kami sa kanya maliban sa mga parents namin.
We shrugged and say our hi to them. Magkatabi na naman sila Cons at Sharlene, kaharap naman nila ako. Masyado itong torture sakin. Kahit halatang naiirita si Cons sa pagsubo sa kanya ni Sharlene.
"Trying hard."
"Ahh siya nga pala couz, pinapatawag ka ng dean ninyo. Nautusan lang ako."
Napatingin naman ako sa kanya at silang lahat sa akin na para bang may malaki akong kasalanan.
"Why? May ginawa ka na naman ba Ynna?" mom asked.
Muntik na akong mapairap. Mali na naman ang nakita niya.
Umiling ako.
"Baka may ipapagawa lang mom." walang emosyon kong sabi.
"I see. Be sure you didn't make any trouble again."
Hindi talaga siya nahihiya na pagalitan ako sa harap ng ibang tao. Well sanay na rin naman sila na ganito, highschool pa lang ako puro pagkakamali ang pinapakita ko para lang magpapansin.
"I'm sure of it. Excuse me, restroom lang ako."
Agad akong umalis dun. Nakakasuffocate talaga. Wala namang imik si ate at daddy, as usual si mommy na naman ang masusunod.
Pinakalma ko lang ang sarili ko nang biglang pumasok si Sharlene kaya napatingin ako sa kanya.
"Oh couz you're here pa pala? Bakit nandito ka pa?" sabi niya habang naghuhugas sa sink. Tiningnan ko sya sa salamin. Bakit parang may iba kay Sharlene ngayon?
"Nagpapakalma lang."
"Hindi ka pa ba nasanay kay tita?"
"Sanay na."
Hindi siya umimik. Minutes later she broke the silence.
"I know what you're hiding Ynna."
Hindi ko pinahalata ang pagkagulat sa kanya. So alam na pala niya?
"Really Sharly?"
"Oo. I could not believe na kaya mo akong traydorin! Tinuring kitang matalik na kaibigan at kapatid!"
Sinabi ko na nga ba hindi rin magtatagal ang kasinungalingang ito.
"I didn't betrayed you Sharly." mahinahon kong sabi. Ayokong magsigawan kami dito.
"You didn't?! Eh anong itong ginagawa mo?! Inaagaw mo si Cons sa akin!!"
"Wala akong inaagaw sayo Sharly. Please wag kang sumigaw at baka marinig ka nila."
"At ano takot kang malaman ng lahat ang kaahasan mo?! Yang tinatago mong kalandian?! Malandi ka! Nilandi mo si Cons!! You steal my man!"
Akma niyang sasampalin ako pero naagapan ko yun.
"You don't have the right to call me slut. You don't know me Sharly. At isa pa HIWALAY NA KAYO ni Cons bago ka pa umalis ng bansa. Kaya wag na wag mo kong pagbibintangan na NINAKAW ANG HINDI NA SA IYO!"
at binitawan ko siya. Galit siya at ayokong sabayan yun at baka makapa-----nevermind. Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ako sa braso.
"You can't won over me couz. Your mother likes me more. Kawawa ka naman."
"Lumabas din ang tunay mong ugali. Wag kang mag-alala, hindi ako manlilimos na magustuhan ng sarili kong ina. Iyo na kahit lamunin mo pa."
"Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan ng ganyan si tita samantalang ikaw tong naging takaw-gulo para lang makuha ang atensyon nila."
"Noon yun. Iba na ngayon."
"Talaga lang ha? Eh kung isumbong kita sa kanya?"
"Go on Sharly."
Halatang nagulat siya. Sawa na ako. Sawang-sawa na sa ganito. Nakakapagod na.
"Kukunin ko ang akin. LAHAT NANG AKIN. Aagawin ko sayo si Cons. Tandaan mo yan. Kahit na kadugo pa kita."
Kadugo? Tss.
Binawi ko ang braso ko at tumalikod.
"Gawin mo ang gusto mong gawin Sharly. Wala akong pakialam kahit na pinsan pa kita o hindi. Kaso nga lang, ang tanong, MAGPAPAAGAW BA SIYA SAYO?"
I smirked at lumabas na. Nawala na nga ako sa mood kanina, dinagdagan pa ng magaling kong pinsan. Napailing na lang ako.
Bumalik ako sa dining room at mukhang busy sila maliban kay Cons na may pag-aalalang nakatingin sa akin. I just smiled at him.
Ilang minuto lang bumalik na din si Sharlene at masamang nakatingin sa akin.
"I'll just go upstairs Ma, tita." nagpaalam din siya sa iba. Dito kasi siya nakatira sa mansyon dahil na rin sa sinabi ni mommy.
Bago siya tuluyang umalis binigyan pa niya ako ng tinging nakamamatay na isinawalang-bahala ko lang. Napansin ko namang nakatingin samin si Cons pero ngumiti lang ako ulit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...