YNNA's POV
*booogsh!
Nanlaki ang mata ko nung bigla na lang napahandusay si Drew sa sahig.
"Oh my God Drew!" tumakbo ako papunta sa kanya. Ghad! May dugo ang gilid ng labi niya.
"Get off your filthy hands on my girl! Damn you!"
Napatingin ako kay Cons.
"Ano ba Cons?!"
Halatang galit siya. Dinuro niya si Drew. Susugod pa sana siya kay Drew pero napigilan siya ng kambal. Ano bang nangyayari sa kanya?
Biglang tumayo si Drew at pinahid ang dugo sa may labi.
"Now what? Susugod ka dito at manununtok dahil nakita mo lang na may kayakap si Ynna? Samantalang siya lihim na umiiyak pag nakikitang nakadikit sayo ang ex mo?! Ha?! Ikaw na ang pinakaduwag na nakilala ko Tolentino!"
Kumuyom ang kamao ni Cons.
"Wala kang alam!"
"Kung wala akong alam, hindi ako ang pinaglalabasan ni Ynna ng sama ng loob!"
Nagtatagisan na sila ng tingin. Pumagitna na ako, crying.
"Both of you, STOP IT!" sigaw ko. Kaya napatingin sila sa akin.
"Stop this nonsense. You're just fighting over nothing!"
Ayoko silang makita na nag-aaway. Pareho silang mahalaga sa akin. Ayoko ng ganito.
"Don't blame anyone. Desisyon ko 'to kaya please lang tumigil na kayo." mahinahon kong sabi.
Tila nagkaintindihan naman kami. Binitawan na ng kambal si Cons, mukhang mahinahon na siya. Nakita ko namang inaayos ni Drew ang sarili niya. Bahagya kaming nagkatinginan at tumango siya na para bang nagkakaintindihan na kami sa titig lang.
I smiled.
Lalabas na sana ako nung pigilan ako ni Cons.
"Saan ka pupunta?"
"May kukunin lang. Wait me at the parking. We will talk. Mag-usap muna kayo nang mahinahon. Ayoko ng gulo." I kissed him sa cheeks at tuluyan na akong lumabas.
I sighed. Nakakapagod na. Tama ba itong ginagawa ko? I can't think. Ugh! This so frustrating. Minsan ka na nga lang magmahal, di ka pa mapagbigyan. Minsan na nga lang magpahalaga ng tao, hahadlangan ka pa.
SHARLENE's POV
Natutop ko ang bibig ko para pigilan ang paghikbi. This can't be! I just misheard. They can't do this to me. Not her. Not Ynnna.
Sinundan ko sila Cons right after the band performed. I was just curious back then. Aalis na sana ako kung di ko pa nakitang nanuntok si Cons dun sa kabanda ni Ynna. I was puzzled. Why'd on earth would he do that?
But I was stiffened when I heard what they are talking about.
"Now what? Susugod ka dito at manununtok dahil nakita mo lang na may kayakap si Ynna? Samantalang siya lihim na umiiyak pag nakikitang nakadikit sayo ang ex mo?! Ha?! Ikaw na ang pinakaduwag na nakilala ko Tolentino!"
It was like a bomb just explode.
I felt betrayed.
It means ang pinsan ko ang kaagaw ko?
No!
Baka namalik-dinig lang ako.
"Does it hurt?"
Nagulat ako nung biglang may nagsalita. Tiningnan ko kung sino yun. Ha? Babaeng nakamask? Who the hell is she?
"Who are you?"
Tumingin siya sakin. Oh shit! Kung manhid lang ako di ko talaga mararamdaman na sobrang lamig ng mga tingin niya.
"Tss. You don't care. Just answer my question."
What?!
"At ano naman ang pakialam mo sa nararamdaman ko?" taas-kilay kong tanong sa kanya but she just shrugged.
Anong klaseng tao ba siya parang walang pakialam pero napakamatanong.
"Kung nasasaktan ka man, hindi lang ikaw. Be sensitive. You're hurting everyone."
Nabigla ako. I am hurting everyone? Fuck it! Ako ang lubos na nasasaktan dito dahil ako ang trinaydor!
"Wala kang alam." giit ko.
She stared at me, coldly. Then she smirked.
"I know everything. Every single detail."
Nanigas ako dahil sa sinabi niya. How could she? Sino ba siya sa buhay namin?
"Sino ka ba talaga?"
"I told you, you don't care."
Kung di ko lang kilala si Ynna, mapagkakamalan kong siya itong pakialamera na ito. The way she talk, sounds Ynna dahil na rin sa half-British siya.
"Pwes wag ka makialam."
She smirked again. Creepy.
"What if I don't? What will you do?"
"I'll screw you up!"
"You can't do it." na para bang sigurado talaga siya.
"Wanna bet?"
"Desperate. That word suits you well Sharlene."
Desperate? Cons once called me that name. But I don't care. Babawiin ko ang dapat na akin.
Tiningnan ko siya sa berde niyang mata.
"I'll do everything just to get what's mine. Cons is mine."
Nakatitig lang siya na para bang inaalisa ang buong pagkatao ko. Dahan-dahan siyang tumalikod.
"Hurt her and I'll loathe you to death Sharlene. Trust me, you don't know her that much as I know her."
At umalis siyang iniwan akong naguguluhan. Ako ba niloloko niya? Ynna and I treat each other more than cousins. We are like sisters and bestfriends. Then she'll say I don't know her? Tiningnan ko ang daang tinahak nung babaeng nakamask.
"Mali ka. Kilala ko na siya simula pa lang."
Babawiin ko si Cons. Kahit pa may masagasaan ako. Kahit ang pinsan ko pa yun.
CONS' POV
What's happening to me? Hindi naman ako ganito dati. I'm not a hot-tempered man pero nung makita ko si Ynna na may kayakap na iba, nagdilim ang paningin ko.
Matapos umalis ni Ynna kanina eh agad na rin akong tumayo kahit pa nagbilin siya na mag-usap kami ng gagong Drew na yun.
"Hey bro, easy!" saway ni Triggs sakin. Halos malupi ko na kasi itong coke in can na binili nila. Nagpupuyos pa rin talaga ako ngayon. Andito kami sa parking at hinihintay si Ynna. I need to calm myself bago siya dumating.
"You're blinded with jealousy." narinig kong sabi ni Migs.
Napatingin ako sa kanya.
Alam ko yun. Ramdam ko naman eh. Kaso nakakatakot na sumugal lalo na ngayon na may pinagdadaanan kami. Baka magising na lang ako isang araw na iba na ang gusto niya. Fuck no!
"Just trust her. Yun lang naman ang dapat mong gawin." sabay tapik sa balikat at naglakad na sila paalis.
Sumenyas kasi si Triggs, palapit na pala si Ynna.
TRUST.
Walang relasyong nagtatagal kung walang tiwala. Isa sa pondasyon ng relasyon ang tiwala.
May tiwala naman ako sa kanya eh. Napapangunahan nga lang ako ng takot. Takot na maiwan. Maiwan ulit.
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...