CONS' POV
Ang tagal naman ata ni Ynna? Sabi niya sandali lang siya eh! Anyare sakin? Nababading na ba ako? Nah! Straight to oy! Pero sa totoo lang naninibago ako simula nang sagutin ako niya ako. I feel contentment unlike when SHE's still here.
I sighed.
Sharlene Chua.
My ex-girlfriend.
My first in everything. And when I say everything, LAHAT talaga including THAT thing.
Pero hanggang ngayon palaisipan pa rin sakin kung bakit siya biglang nawala na parang bula.
Tss.
Bakit ko pa ba siya iniisip? She's my past and I am already happy now.
Kanina pa ako di mapakali ah! Makalabas na nga muna. Sa lobby ko na lang hihintayin si Ynna.
Bumaba ako ng building at dumiretso sa reception area.
"Kindly inform me if dumating na si Ynna Belamie Dwight. I'll just take a walk outside."
"Yes sir.."
Then pumunta ako sa malapit na convenience store. Bumili ako ng Cali in can tutal hindi naman to nakakalasing. Pampagising lang.
Pagkalabas ko, binuksan ko agad ang Cali ko at tutunggain ko na sana pero may nakaagaw ng atensyon ko kaya nilapitan ko ito.
Nang palapit na ako sa kanya saka ko lang napansin na may hawak siyang baril. Buti na lang medyo madilim sa parteng to. Tinitigan ko siya and to my surprise..
"Ella?!"
Napalingon siya sakin. Bumaba naman ang tingin ko sa kamay niya na may hawak na baril tapos sa mukha niya. Ang cold talaga.. Pero mas ikinatakot ko yung lalaking nasa likod niya at may hawak din na baril na ngayo'y nakatutok sakanya. Lumaki ang mata ko.
"Damn! Ella sa likod mo!!"
*Bang!
Napayuko ako pero wala na akong narinig na ibang ingay kundi yung ungol ng lalaki. Dahil sa sakit ata? Kaya naman tumingin ako.
Sabay silang nagpaputok pero walang natamaan yung lalaki samantalang si Ella ay natamaan ang binti nung lalaki.
Ibinaba ni Ella ang baril niya at itinago ito sa bandang sapatos niya. Ang masasabi ko lang.. WOW! Babae ba talaga siya?
Naglakad lang siya palapit sakin pero nilagpasan niya lang ako kaya pinigilan ko siya sa braso niya.
"Who really are you Ella? Why did you shoot that man? Pwede kang makulong sa ginawa mo!"
Tiningnan niya ako sa cold na tingin. Na naman!
"Why? Are you gonna report this to the police?"
"You know I can do that.."
She smirked.
"You don't have to do that. I can go by myself there."
O_______O
What?! Isusuplong niya ang sarili niya??
"Mr. Tolentino, you can let me go now. You're just wasting my precious time."
Dun ko lang napansin na hawak ko pa pala siya. Binitawan ko siya kaya naman tuluyan na siyang tumalikod sakin.
Napatigil siya sa paglalakad.
"You're waiting for someone kaya ka ba andito sa labas? You may go home now.. baka hinihintay ka na niya."
At tuluyan na siyang umalis habang ako naman ay mataman lang na nakatitig sa likuran niya.
MASCA's POV
Masyado na siyang maraming natutuklasan sa akin. SHIT!
This is bullshit! Kung hindi lang ako ipinatawag ni R.D edi sana hindi ako nalagay sa sitwasyong yun. Damn!
*Flashback
Nasa hallway na ako ng tinutuluyan ko at pababa na papunta sa tagpuan namin ni R.D. Sabay na lang daw kasi kaming pupunta sa HQ. Gusto raw ako makausap ng lintek na Dominic na yun! Psh!
Sumakay ako sa sports car ko at pinaharurot yun.
"Oh! Anong problema mo Masca?"
Bagot ko lang siya na tiningnan.
"Let's go! May gagawin pa ako. Mga istorbo talaga kayo."
Then sumakay ulit ako sa kotse.
"Kalma lang! Sorry naman kung naistorbo ka namin. Mukhang busy ka this past few days ah.."
Di ko siya sinagot. Nakita ko lang sa gilid ng mata ko na tumingin siya sa harapan at sumeryoso ang mukha.
"Gaano mo ba kakilala si Kagure?"
Napatingin ako sa kanya tapos sa harapan ulit.
"Family friend.."
"Malakas ang kapit niya sa matataas na opisyal. Dominic Paolate is one of a kind. Nabalitaan kong pinaiimbestigahan ka niya.."
SCREAAAACCHH!!
"What the---!"
Napabreak akong bigla.
"What did you just say?! How can he do that?! He's in jail for Pete's sake! Fuck it!"
Hinampas ko ang manibela.
Pero hindi man lang nagreact ang kasama ko. Yun pala.. TULALA siya.
"Ang taas ng sinabi mo Masca.. First time yun ah!"
"Should I laugh now?" walang emosyon ko na naman na sabi sa kanya.
"Ehem! Yun ang bali-balita eh. May mga taong nagbabantay sa mga kilos mo habang nasa kulungan siya. Kaya mag-ingat ka."
Nagsimula na akong magdrive ulit.
"I don't care kung malaman man niya kung sino ako.. Pero sana huwag muna ngayon, I am not yet ready. Not now..."
*end of flashback
After that pumunta kami ng HQ at andun nga si Dominic na ngising-aso na nakatingin sa akin pero di ko na lang pinansin.
Masyadong papansin. Hindi pa rin siya nagbabago.
Kinausap niya ako kaya yun nga nalaman ko ulit na binabantayan niya ako. AKO na nakahuli sa drug lord na si Kagure. Psh!
Pagkatapos ng pag-uusap na yun ay umalis ako at habang palapit na ako sa destinasyon ko saka naman sumulpot ang isang lalaking may baril.
Tss.
Akala ko ba pinaiimbestigahan lang? Mukhang shoot to kill ako ng grupo ni Dominic ah.
Nung inilabas ko naman ang baril ko saka naman nagpakita si Cons. Tsk! Pahamak talaga!
After that incident, habang paalis ako sa lugar na yun, naalala ko ang sinabi ni Dominic.
"Take care of your weakness Masca.. You don't know what I can do..."
At alam ko kung ang tinutukoy niya.
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...