CONS' POV
hindi ko alam pero nasaktan ako pagkasabi ni Ynna ng "Not now Cons, pagod ako.." para kasing iba ang dating nun sa akin.
nung tuluyan na syang tumalikod ay pinagmasdan ko na lang siya palayo. Bakit parang ang sikip sa dibdib?
may tumapik sa balikat ko at paglingon ko napakunot ang noo ko nang makita ko ang pagmumukha ni Migs. Magbebestfriend kaming apat pero ngayon nasa estado kami ng "May the best man win." Hindi ko naman talaga alam na totohanin niya ang panliligaw kay Ynna.
"Let's give her time.."
Mas lalo namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Time? Bakit? Di ko naman siya minamadali na pumili sa amin ah.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
He just shrugged his shoulders.
"Maybe naguguluhan pa siya ngayon, hayaan muna natin siyang makapag-isip."
Ang dali naman ata niyang sabihin yun? Nanliligaw ba talaga siya sa lagay na yan? For some reason, may point siya pero mas maguguluhan si Ynna kung hindi kami ang sasagot sa mga tanong na gumugulo sa kanya. KAMI lang ang makakasagot nun...
"tss. Kung ano man ang gumugulo sa kanya ngayon alam kong may kinalaman ako dun pati na ikaw kaya uunahan na kita, aayusin ko ang nagpapagulo sa kanya ngayon.."
tatalikod na sana ako pero natigilan ako sa huli niyang sinabi..
"Sabagay.. Nagmahal ka na nga pala.."
at umalis na siya.
Oo, nagmahal na ako pero sa huli iniwan lang din ako. Aaminin ko dala-dala ko pa rin ang sakit ng kahapon. Pero kahit papano unti-unti na itong nabubuksan ulit. Yung puso kong matagal ko nang sinarado ay binuksan ulit niya.
Binuksang muli ni Ynna.
Tumakbo ako nang tumakbo para hanapin siya pero bigo ako.
Asan naman kaya yung babaeng yun?
Pinuntahan ko na lahat ng building pero wala siya hanggang sa mapadpad ako sa likod ng Busines building at sa di malaman na dahilan ay may nakita ako.
Ano ang nakita ko? O mas tamang sabihing SINO ang nakita ko?
Bakit sa tuwing di ko makita si Ynna eh etong babaeng nakaMask ang makikita ko.
Oo, si Ella ang nasa harap ko ngayon. Napakatahimik talaga niyang tao kaya masyado syang misteryoso.
tiningnan niya ako sa cold na tingin. Kailan ko ba makikita ang tunay niyang mukha?
"Anong ginagawa mo dito?"
ang cold lang talaga niya.
"ahh.. may hinahanap kasi ako, sorry naistorbo ba kita?"
hindi siya sumagot. Para bang tila may malalim na iniisip.
SILENCE
nakakabingi naman ang katahimikan dito.
"ahm sige mau-----"
"Who are you looking for?"
aalis na sana ako pero nagsalita siya. at hindi naman ako bastos para iwan siya kaya umupo na lang ako malapit sa kanya. Namangha pa naman ako nung nagsalita siya, ang ganda ng accent niya eh. British accent. Parang si Ynna lang, half-british kasi yun pero Filipino by heart pa rin.
"hmm.. Someone special to me."
napangiti naman ako sa sinabi ko.
"Really? She must be a lucky girl.."
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...