CONS' POV
Anong karapatan niya?!
Malalaking hakbang ang ginawa ko papunta sa opisina niya. Matapos ang pag-uusap namin ni Ynna ay wala na akong sinayang na oras para harapin si Sharlene. Sumosobra na siya.
"Good afternoon sir." bati sa'kin ng secretary niya pero 'di ko pinansin.
Pabalibag kong binuksan ang pinto ng opisina niya. Napatunghay siya mula sa pagkakayuko habang nanlalaki ang mga mata.
"Cons? What a pleasant surprise! You should've told me na dadalaw ka----"
I grab her arm with force. Kita ang galit sa mga mata ko ngayon.
"Aray! Ano ba Cons! You're hurting me! Let me go!" histerical na sigaw niya. Wala akong pakialam kung may makarinig man sa amin.
"Pwede bang hayaan mo si Ynna?! How could you talk to her like that?! You're not even my girlfriend for fuck's sake!"
"Nagsumbong pala siya sayo? How pathetic." sarcastic na sabi niya kaya mas diniin ko ang pagkakahawak sa kanya na ikinangiwi niya.
"You don't know what will I lose because of what you did."
"And what is it? HER?! Wake up! She left you seven years ago! Nagpakasaya siya sa malayo. Iniwan niya ang pamilya niya pati na ikaw! Then what?! Pababalikin mo lang siya that easily? Nahihibang ka na! She left you because she doesn't love you anymore! That bitch should've not come back!----"
PAK!
I didn't stop myself from slapping her. Napaling patagilid ang mukha niya at hinawakan ito.
"Wala kang alam kaya 'wag kang makialam! Hindi lang siya ang mawawala sa'kin kundi pati ang deal na 'to! Wala kang karapatang pangunahan ang mga gagawin ko! WALA KANG KARAPATAN!"
Napatanga siya sa sinabi ko.
"Kaya bago ko pa ipull out ang stock niyo sa kompanya ko, umayos ka! Alam mong hindi ka magiging kawalan!"
Umalis ako agad pagkasabi ko nun. Naabutan ko pa ang secretary niya na may katext. Alam kong narinig niya ang naging pagtatalo namin pero parang wala lang sa kanya. Ni hindi niya nga dinaluhan ang amo niya na ngayo'y umiiyak na. Iniwan ko sila. Nakakabadtrip!
Habang kausap ko si Ynna kanina ay para akong natulos na kandila. Akala ko ba bumalik siya kasi nahanap na niya ang sarili niya? That's what she said years ago. Pero kanina parang may iba? O baka ilusyon ko lang yun? Ugh! Gagawa ako ng paraan para magkaayos kami kahit pa may itatakwil ako sa buhay ko. She's mine.
SHARLENE's POV
Napaluhod na lang ako matapos akong iwan ni Cons. I cried so hard. Karma ko na ba ito? Nagmahal lang naman ako. Bakit pa kasi bumalik ang pesteng Ynna na yun?! Sinisira niya ang mga plano at ang pangarap ko. Hindi ko pwedeng palagpasin ang problemang ito.
Inayos ko ang sarili ko. Kailangang may maabutan pa ako sa bahay. I looked at may wristwatch. 7pm na. Malamang nasa bahay na siya ngayon. Kailangan ko siyang maabutan. Pagkarating ko sa parking lot ay agad akong sumakay sa sasakyan and drove as fast as I can. When I reached home, laking tuwa kong maabutan ang sasakyan niya.
Pumasok ako sa bahay at nakita ko sila ng aking anak na magkatabing nakaupo sa sofa na nanunood ng tv. Lumapit ako sa kanila.
"Mommy!" my son shouted. He's Darryl, my 6 years old son. I kissed his cheek. After that bumalik na siya sa sofa. Tiningnan ko ang katabi niya pero ni hindi man lang ito nag-abalang tingnan ako. All these years, namamalimos pa rin ako ng kahit na konting atensyon at pagmamahal sa kanya.
"Cons..."
Yes. We are living in the same roof. We're not married. Pero kailangan naming magsama para sa bata. Tuwing napapatingin ako sa anak ko, nasasaktan ako na hindi ko siya mabigyan ng buo at masayang pamilya. Kahit si Darryl na lang, okay na sana. Kailangan ko rin itong gawin para hindi tuluyang masira ang pangalan ng pamilya ko. Ngayong nagbalik na si Ynna, puno na ng pangamba ang puso ko.
I sighed.
Tumayo siya at kinuha ang susi ng kotse niya.
"Wait! Where are you going? Gabi na." pigil ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako ng walang emosyon.
"Why the hell do you care? You're not even my wife." mariing sabi niya.
Sinilip ko muna ang anak ko at nakita ko siyang nakatulog na sa sofa kaya hinila ko si Cons.
"Let's fix this please. Baka madamay ang bata, ayokong masaktan siya Cons."
Alam kong naiirita na siya dahil palagi kong idinadahilan ang anak ko sa kanya but what can I do? Ito lang ang paraan para nasa akin lang siya.
"Then fix your mess Sharlene. Hindi basta-bastang project lang yun. Dammit!"
Napayuko ako. Alam kong kasalanan ko pero tama lang naman sigurong kwestyunin ko siya? The presentation was very good but she refused to accept it. Hibang ba siya? Atsaka kung makaasta akala mo kung sino!
I sighe again.
"Fine. I'll apologized to her tomorrow."
Naramdaman kong tumango siya at nilagpasan ako. Akala ko napigilan ko siya sa pag-alis, hindi pala. Ano nga ba naman ako sa kanya? Dama ko naman, hindi ako magiging kawalan sa kanya.
A tear escaped from my eyes pero agad kong pinahid yun. I need to be strong. Para sa anak ko. Kakayanin ko 'to.
Inilipat ko ang anak ko sa kwarto niya. Hinalikan ko siya sa noo bago ako lumabas at nagpunta sa kwarto ko. Oo nga't nagsasama kami sa iisang bahay pero magkahiwalay naman ang aming kwarto. He's near yet so far.
Matapos akong naligo ay nahiga ako sa kama. Inalala ko ang mga naging kasalanan ko. Nagmahal lang ako kaya humantong sa ganito.
Pitong taon kaming magkasama pero balewala pa rin. Siya pa rin talaga ang mahal niya. At dahil dun umuusbong na naman ang galit ko sa kanya. I can't afford to lose this family I built. Not now, not ever. Hindi isang ampon ang makakapagpahina sa akin. I deserve the best, I deserve HIM.
Napakuyom ako.
Isa kang hadlang Ynna.
Kung ano man ang nagawa ko noon, gagawin ko ulit yun.
Dumanak man ang dugo maging masaya lang ako.
Akin lang si Cons.
Walang sa'yo Ynna. I swear that to the deepest hell.
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...