YNNA's POV
ugh! nakakatamad bumangon! kung di lang ako butihing estudyante eh di mamaya pa ako babangon. halos madaling araw na ako natulog kagabi eh. letse talaga si Migs!
pumunta akong cr at naligo. nagbihis ako. still wearing my boyish style. paki naman ng iba? sapakin ko pa sila eh. lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. simpleng luto lang tapos kain then way to go na school. hindi mo aakalain na ang isang heiress na kagaya ko eh marunong ng gawaing bahay. syempre mula nung lumayo ang loob ko sa pamilya ko, natutunan kong maging independent.
lumabas na ako ng unit ko. napaharap naman ako sa pinto ng unit ni Cons. hindi ko ata siya nakita kahapon? tinopak na naman siguro.
nagmadali na akong pumunta sa parking lot at pinaharurot agad ang aking sasakyan. total maayos na rin naman ito.
nagpark ako at nakita ko ang sasakyan ni Cons.
'ang aga naman ata niya...'
pumasok ako sa school and to my dismay, mukha ng mga nakakairitang brats ang nakikita ko.
as usual nagdidikitan na naman ang mga tenga nila kakabulong.
'mga tsismosa talaga!'
nagpatuloy lang ako sa paglalakad at kasabay nun ang pagpapatuloy nila sa pakikipagbulungan hanggang sa lumalakas na ito.
"akala mo naman masyadong inosente.."
"palaging kasama ang esss boys yun pala sumisimpleng bingwit na.."
"nililigawan na pala siya ni Migs, pero lapit pa rin nang lapit kay Cons. What a Flirt!"
tapos tawanan.
napakunot ang noo ko. are they talking about me?!?!
hinarap ko yung mga tsismosang kasing kapal ng harina ang mukha.
"Ako bang pinag-uusapan niyo ha?!" taas kilay kong sabi sa kanila.
tumayo naman yung isa sa kanila at tinaasan din ako ng kilay. aba't!!!
"Bakit? affected la kasi totoo?" she smirked.
"YEA! tama!" sabay-sabay naman na pagsang-ayon ng mga alipores niya.
"ha-ha! ako? affected? wala sa vocabulary ko yun.."
"wala akong pakialam sa vocabulary mo!"
"ahh oo tama! wala kang pakialam kasi wala ka naman nun eh! WALA KANG VOCABULARY. pathetic! hahaha"
"anong sinabi mo?!?"
uh-oh! galit na siya. tssk! paki ko.
"ano? yung wala kang vocabulary o yung pathetic? napakabingi mo naman. gusto mo bigyan kita ng vocabularies ko? matalino ako dun. ay hindi, matalino talaga ako kahit saang angle mo tingnan" pang-uuyam ko sa kanya..
"kilala mo ba ako ha?!"
paki ko sa kanya.
"do I have to know you? eh ikaw kilala mo ba ako? baka pagsisihan mo lang pag nakilala mo ako" i crossed my arms to my chest.
"eww.. wala akong balak kilalanin ka! Flirt!" thben she rolled her eyes.
"bawiin mo ang sinabi mo bitch!"
"no way!"
"hindi mo ako kilala kaya wag kang manghusga. kung naiinggit kayo sakin, tell me. madali akong kausap. mas flirt pa kayong lahat kong tutuusin.. kasi kayo ang nag-eefort para mapansin ng esss boys. it's disgusting!"
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...