Chapter 15

40 1 0
                                    

MASCA's POV

"Mabuti naman at nakarating ka Masca.." bungad sa akin ng head ng isang department dito sa FBI, isang alyansa na tumutugis ng mga salot sa lipunan at nangunguna na ang mga druglords.

"Kailan ba ako nawala kapag kailangan nyo ang serbisyo ko.." walang emosyon kong sagot.

"matagal ka ring di nabigyan ng misyon pero wala paring pinagbago ang pagiging cold mo. hahaha!"

tiningnan ko lang siya at mabuti naman nakuha ko siya sa tingin na yon. di ako nagpunta dito para makipagtawanan.

"ehem! may medyo malaki-laking binigay sa iyo ang ahensya.."

sa murang edad, ipinagkakatiwala nila sa akin ang mga malalaki at mahihirap na misyon. tinrain nila ako sa paggamit ng kahit na anong uri ng armas. bilang isang secret agent kelangan maging alerto.

"What is it?"

"Isang nagngangalang Dominic Paolate alyas Kagure, isang druglord na wala pang palya sa pagpapapasok mga droga sa bansa."

ibinigay niya sa akin ang folder which is profile ng target.

"bata pa siya pero miyembro na siya ng isang sindikato. sa nakalap naming balita, andito siya sa lugar natin at dadating ang shipment ng droga nila sa pier malapit sa pinapasukan mong university.."

napatingin ako sa kanya. sa H.U? mukhang mahihirapan ako dito. walang pwedeng makakita sa akin.

"anong oras dadating ang mga kargado nila?"

"6pm sharp. at pag sinabi kong sharp, walang palya kahit isang minuto."

napatango ako.

tiningnan kong maigi ang picture ang target. napakapamilyar at sigurado akong siya ito.

"Dom.."

"kilala mo??"

"kababata ko. pero hindi kami close at hindi niya alam kung sino talaga ako kagaya nyo."

pero paanong napasama siya sa sindikato? alam ko mayaman sila pero paanong nangyari ito?

biglang bumukas ang pintuan at isa-isang pumasok ang mga kasamahan ko.

-_-

"MASCA!"

sabay na sigaw nina W.D, R.B, P.S, R.D, at B.D. Oo, andito ang buong miyembro ng Phantom Gang. lahat kami ay mga secret agent.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanila. akala ko ba akin ang misyon na ito?

"Medyo mahihirapan ka sa misyong ito Masca dahil na rin sa posibilidad na may makakita sa inyo kaya pinatawag ko sila. BACKUP"

tiningnan ko lang sila sa malamig na tingin. then I shrugged my shoulder.

"Yun oh!" sabay na naman nilang sigaw. alam nilang ayaw na ayaw ko ang may kasama sa bawat misyon ko. ayoko ng mga alalahanin. lalong ayoko na may masaktan dahil sa akin. pero tama lang na magkaroon ako ng kasama sa bagong misyon na ito dahil na rin sa location ng target.

tumayo ako.

"oh saan ka pupunta Masca?"

i gave them my cold glare.

"alam niyo na ang gagawin, una na ako" I coldly said.

"s-sige.."

umalis ako dun at nagpunta sa abandoned building kung saan ako nagsimulang maging si Masca.

nilibot ko ang mata ko sa paligid. wala pa ring pinagbago.

dito ko nakilala si Masca. dito ako unang nanuntok. natuto akong makipaglaban dahil sa galit at sakit na naramdaman ko na kahit hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin.

hanggang sa ipinasok ako kasama ng buong Phantom Gang sa FBI dahil na rin sa kami ang rank 1 sa kkangpae world. sumabak kami sa mga delikadong misyon na kahit buhay namin ay dapat itaya.

I smirked.

madami na pala ang nagbago at alam kong hindi dito nagtatapos ang lahat.

tumalikod ako at nagsimulang maglakad paalis.

Behind her MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon