Chapter 42

21 1 0
                                    

CONS' POV

Matapos ng sagupaan ng magpinsan ay napangiti na lang ako sa inasta ni Ynna.

Tsk. My jealous girlfriend.

Pinahiran ko ang labi ko gamit ang panyo ni Ynna syempre 'di kasali yung alcohol. Tanga na lang ang magmumumog ng alcohol. After that sinundan ko siya.

I saw her at the garden. Masayang nakikipag-usap kay Drew.

Drew.

Bakit ba ang laki ng insecurity ko dito sa lalaking ito? Gwapo naman ako at confident na ako ang mahal ni Ynna. But everytime I see them together, bumabangon ang kakaiba kong pakiramdam. Yun bang parang kayang-kaya niyang kunin sa akin si Ynna. Na para ba bang mas kilala niya si Ynna.

Ugh. Shit.

Di na ako nakapagtimpi at lumapit na ako sa kanila.

YNNA's POV

Pagkalabas ko ng room tumakbo agad ako sa may garden. Wala pa namang tao dun kasi class hours pa ngayon. Umupo ako sa bench at dinama ang simoy ng hangin.

Nakaramdam ako ng kalayaan, ng kaginhawaan.

Minsan naisip ko, paano kung naging hangin na lang ako? Malaya sa lahat.

Nakakaginhawa sa pakiramdam. Para bang lahat ng problemang pasan ko ay nawala. Pero sino ba ang niloloko ko? Walang ganun. This is reality. Hindi ito isang magandang panaginip o bangungot na kapag nagising ka ay mawawala na lang bigla at makakalimutan mo na.

Mapait akong napangiti.

"Lalim ng iniisip natin ah."

Napatingin ako sa taong biglang nagsalita at umupo sa tabi ko.

"Hey Drew!" I smiled at him.

"I've heard nagkasagutan daw kayo ng pinsan mo."

"Ang bilis ng balita ah. Well, yes. Naubos na kasi ang pasensya ko sa kanya."

"Tsk tsk tsk!"

Para namang tanga 'to. Hahaha. Pero Drew has been part of my life at masasabi kong malaki ang naging role niya sa buhay ko.

"Hey kumusta na pala yung babaeng gusto mo? Sabi mo ipapakilala mo siya."

He chuckled. Ang gwapo niyang tumawa, swear.

"Ayun masaya sa piling ng iba."

Ahh. One sided love. Saklap nun ah. Minsan ko na rin yang naranasan eh. Yun yung mga panahon na Cons and Sharlene are deeply inlove with each other. Tapos ako ay palihim na nakatingin sa kanila. Minsan nga para akong tanga na tatakbo na lang bigla pag nakikita silang masaya.

Those are my pathetic days.

"Kawawa ka naman. Hahaha, 'di bale mapapansin niya rin yang feelings mo. Tiwala lang." tinapik ko pa siya sa balikat.

Tumingin naman siya sa akin. Para naman akong lulusawin sa titig nito.

"Sana nga. And I want it to be soon."

"Nagmamadali? May lakad ka? Hahaha, love takes time. Remember that Drew."

Tumango siya.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Sa'min na lang yun. Soon malalaman niyo rin.

Di ko na namalayan ang oras, Drew is a good company. Napapatawa niya ako sa mga simpleng joke lang. Paano kung hindi nabigyan ng chance ang pagmamahal ko kay Cons? Is there any possibility na magkagusto ako kay Drew? Siguro. Drew's not hard to love. Masarap siyang kasama pero di naman nadidiktahan ang puso. Kahit mali, susugal ka pa rin. Katulad ng ginagawa ko ngayon. Maaaring mawala ang mga bagay na iniingatan ko ngayon. Kahit ayoko, mangyayari ang dapat mangyari.

Behind her MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon