MASCA's POV
I just want to die.
Yan ang unang pumasok sa isip ko pagkagising ko. Ni hindi ko maramdaman ang hangover sa dami ng nainom ko. Wala akong maramdaman. Blangko.
Napatingin ako sa paligid. Ngayon ko lang napansin ang mga kasama ko. The whole gang.
Mapait akong napangiti. Sila ang nakasama ko sa masalimuot kong mundo, hindi man nila ako kilala sa totoong ako, sinamahan pa rin nila ako kahit pa I treat them coldly.
Tumayo na ako at naghilamos. I also take a bath shortly saka napatingin sa oras.
2 am.
Madaling-araw na pala. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa CR. Napatingin ulit ako sa kanilang lahat na natutulog. Something just popped up in my mind. Unconciously, kinuha ko ang phone ko and took a shot of them.
Tiningnan ko yun.
Maybe this would be the last.
Pero sana hindi. Alam ko sa sarili ko na I just can't leave them. Isa sila sa mga bagong karakter ng buhay ko. Ganito man ako sa kanila, hindi naman ako bato para di makaramdam ng konting kagalakan kapag kasama ko sila. They idolized me as much as I idolized them. Hanga rin naman ako sa taglay nilang lakas. I was there in every gang fights they had. Wala akong pinalalampas na mga laban nila dahil importante sila sa akin.
Pamilya ang turing ko sa kanila.
Napailing ako. Sinuot ko ang mask ko at dahan-dahan na lumabas ng hideout.
I sighed.
R.D's POV
Naalimpungatan ako sa pagtulog, pakiramdam ko di na ako makakabalik sa pagtulog kaya bumangon na rin ako. I immediately look at where Masca is lying but to my dismay, she's not there.
Where the hell is she?
Tumayo ako at sinuyod ang lugar. Alam kong hindi pa siya nakaalis kasi andito pa ang motor niya. Pumunta ako sa likuran ng hideout and there I saw her.
Nakasandal sa wall at nakapamulsa. She's not wearing mask.
"You're smoking again."
Napatingin siya sa akin. Akala ko itinigil niya na ang paninigarilyo.
"Aren't you afraid them to see your face?"
She shrugged.
"Makikita rin naman nila."
"Bakit ka nga naninigarilyo? Diba itinigil mo na yan."
"Sometimes I have to smoke to cool down. I just need this this time. Spare me R.D, it won't harm me."
"Akala mo lang yun pero sige pagbibigyan kita ngayon."
"I really hate you sounding like my father. Ugh!"
Muntik pa ako matawa. Hindi naman yun joke pero natatawa ako. Pinigilan ko na lang.
"Di ka pa uuwi? Baka maghinala sila niyan."
"I don't care."
"I know you do."
Napailing na lang siya. Tinapos na niya ang isang stick at tinapon ito. Pinagpag niya ang damit niya. Nakaleather jacket kasi siya. Sinuot na rin niya ang mask niya.
"Ge gotta go."
Pinanuod ko lang siya sumakay sa motor niya.
Napangiti ako. Alam kong nahihirapan siya pero alam ko rin na mahal niya ang mga taong dahilan ng paghihirap niya. She won't make efforts to protect them if she does not love them.
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...