Chapter 38

22 1 0
                                    

SORRY FOR LATE UPDATE :-(

***************************************

YNNA's POV

Aish! Ang init naman eh samantalang naka-on naman ang aircon ng sasakyan. Ugh!

"Babe may problema ba?" Cons asked at talagang may hawak-sa-kamay effect pa. Nag-init na naman tuloy ang mukha ko.

Naalala ko pa kung paano niya ako hinila at pinaupo sa lap niya kanina. That was...sht! Di ako sanay!

"May sakit ka ba? Ang pula ng mukha mo."

Napaiwas ako ng tingin.

"Wala. Magdrive ka na lang dyan."

"Are you sure? We can cancel our date if you're not in the condition."

I sighed.

"I'm fine Cons. Besides I want to spent this day with you." and gave him a peck on the cheek na nagpangiti sa kanya.

Nakarating kami sa mall in just 30minutes, wala naman kasi masyadong traffic. Una siyang bumaba and walked on my side to open the door for me. Gentleman! Yay...

Holding hands kaming naglakad papasok sa mall. Tumingala ako. Napangisi ako. Tuso rin pala 'tong boyfriend ko. Mas pinili niyang dito kami magdate sa MALL NILA. Oo, pagmamay-ari nila ang mall na ito. Makikilibre lang ata sya eh. Tsk! Kuripot!

"Why here?" I asked him.

"Why not here?" he asked me back so I rolled my eyes.

Tanong para sa isang tanong? Seriously?

"San mo gustong pumunta?"

"Kahit saan. I'm not fun of malls."

"Yeah, puro ka kasi aral kung hindi naman nasa basketball naman atensyon mo."

"Tss. Who cares? Kanya-kanyang trip lang yan. Kain muna tayo!"

Hinila ko siya sabay takbo sa isang food chain.

"Bakit dito?" he asked.

"Bakit hindi dito?" I smirked.

Now it's my turn. Hahaha!

"Baka marumi ang pagkain dito?"

I frowned.

"Huwag ka ngang OA! Kahit nga artista kumakain dito hindi naman sila namatay. Tsk! Dyan ka lang, ako na ang oorder."

Arte-arte. Porke ba anak mayayaman di na pwedeng kumain sa mga ganitong lugar? Kumain na nga kami dati ng mga streetfoods eh. Tsk!

Umorder lang ako ng fries, burger, coke float at sundae. Pampagana lang. Nang matapos na akong umorder bumalik na ako sa table namin.

Pero bakit pakiramdam may nakatingin sa akin? Nagpalinga-linga ako. Wala namang nakatingin sakin. Napailing na lang ako.

Tahimik lang kami habang kumakain. Basta pagkain, galit-galit muna. Tingnan mo 'tong kadate ko, kanina aarte-arte ngayon parang mauubusan ng stock sa paglamon. I smiled.

Pagkatapos naming kumain naglakad-lakad muna kami tapos dinala niya ako sa timezone. Naglaro kami ng basketball.

"Ang daya!"

"Hahaha! Weak ka naman pala Cons eh." tawa ako nang tawa. Lagi kasi siyang talo.

"Ayoko na dito. Tara dun tayo sa racing."

Hinila niya ako. I smirked. Actual racing nga, drag or not, hindi niya ako matalo eh dito pa kaya? Patawa talaga ang boyfriend ko.

Umupo na kami.

Behind her MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon