Chapter 28

47 1 0
                                    

CON's POV

Palapit na kami sa coffee shop na tagpuan kuno namin. Pambihira talaga!

Bakas sa mukha ni Ynna na excited siya. Ngayon lang naman kasi niya naranasan na kasami kaming Esss boys sa mga gala. Kahit kaibigan niya kami, medyo ilag siya dahil na rin sa mga bitches sa school. Kung alam lang talaga nila... Naku!

"Lutang si pareng Cons ah! Nagkalovelife lang ulit eh! Hahaha!"

Napaigtad ako sa tawa nila. Psh!

"Tss."

"So saan tayo pupunta today?" excited na tanong ni Ynna.

Tila nag-isip naman si Triggs. Napahawak pa siya sa baba niya. Baliw talaga! -_-

"Aha!"

He snapped. Ano naman kaya ang naiisip niya?

"We'll do the typical barkada trip!"

Ano daw? o_O

"Ano bang sinasabi mo diyan Triggs? Hanap na lang tayo ng chicks. Mas enjoy yun.." singit naman ng kambal niya. Tsk! Babaero talaga.

"May kasama tayong babae. At imposible naman ata na payagan ni Ynna si Cons na maghanap ng ibang babae? Tama?"

Bigla namang umepal tong si Migs. Pansin ko lang ang tahimik niya. Pero teka! Tama siya ah!

Napatingin tuloy ako sa kanila. At lahat sila nakatingin sakin. Problema nila? Ngumiti na lang ako at inakbayan si Ynna.

"Aba syempre naman! Ynna's my one and only!" proud ko pang sabi.

Namula tuloy tong katabi kaya pinisil ko na lang ang pisngi niya na siyang ikinagulat niya.

"Talaga lang ha.." Mahinang bulong ni Migs pero halos di ko marinig.

"Ehem! Baka pati ASIN eh langgamin niyo eh no?" sarcastic na sabi ni Triggs.

"So what's the plan?"

Bilib talaga ako sa accent ni Ynna. British na british. Parang si Ella lang.


"Hmm we'll just have some fun. Gagala diyan sa malapit na park. Kakain ng streetfoods. Basta!"


"Seriously Triggs?!" sigaw ni Jiggs sa kanya.

"Oh bakit?"

"Streetfoods talaga? Katakawan mo eh! Baka marumi yun!"

"Arte! We'll just try to experience the life of other teenagers. Yung parang di muna natin iisipin na mga anak-mayaman tayo. Yung ganun.."


"I like that idea!" biglang singit ni Ynna.

Si Ynna? Kakain ng streetfoods? Seriously?! Kahit ako di ko pa yun nasusubukan pero si Ynna? Eh halos di pinadadapuan ng lamok yan eh!

"Are you sure Ynns?" I asked her.

She just nod.

"Ano naman ang problema dun? There's no harm in trying. Tsaka Triggs has a point. Kalimutan muna natin ang totoong mundo natin."

"Pero..."

"Nakakapagod din maging anino ng parents natin. Baka isang araw, malaman na lang natin na nakafixed marriage na pala tayo hindi man lang natin naenjoy ang buhay teenager." Then she sipped her frappe.

Kunsabagay tama siya.

"Pero Ynn, kailan mo naman sasabihin na kayo ang may-ari ng H.U?" biglang tanong ni Jiggs.

Behind her MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon