Chapter 40

22 1 0
                                    

YNNA's POV

Natapos ang gathering na wala akong ibang narinig kundi puro tungkol sa business. Naging attentive naman ang Esss boys sa pakikinig maliban na lang ata kay Cons na maya't-mayang tumitingin sa akin. Pasaway talaga.

Pauwi na kami ngayon at pareho lang kaming tahimik. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, medyo nililipad ng hangin ang buhok ko kasi ayokong mag-aircon ngayon. I need fresh air, literally. Ang ganda ng streetlights. Malapit na nga palang magpasko. Ang bilis ng oras.

"Ano nga palang pinag-usapan ninyo ni Sharlene kanina, ang sama ng tingin niya sayo eh. I sensed, something happened."

Napatingin ako sa kanya after niya magsalita pero agad ding umiwas.

"Alam na niya."

Naramdaman kong natigilan siya.

"How?"

"Di ko natanong."

Muntik pa akong matawa sa sagot ko. Paano ko nga naman matatanong yun kung puro pananakot at pang-uuyam lang sinabi ng magaling kong pinsan.

"Nag-away ba kayo?"

Natahimik ako.

Bigla niyang itinigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa kanya.

"Why did you stop the car?"

Yumuko siya at hinawakan ang mga kamay ko.

"I'm sorry." malungkot niyang sabi.

Naguluhan naman ako.

"Sorry para saan?"

Huminga muna siya ng malalim.

"Because I ruined your strong relationship with your cousin. This is all my fault kung bakit kayo nag-aaway magpinsan."

Kung alam mo lang Cons.

I held his cheek and look directly to his eyes.

"Don't blame yourself Cons. Wala kang kasalanan. I can handle this and besides nagbago na siya."

"What do you mean?"

Binitawan ko siya at tumingin sa labas ng bintana.

"She's different now. Hindi na siyang yung kilala nating Sharlene. Wala na ang sweet at malambing na bestfriend ko." mapait akong napangiti nung maalala ko ang naging sagutan namin kanina. Kung paano niya ako tingnan. Wala na ang mga inosenteng mga titig ni Sharlene.

"I can't understand."

Humarap ako sa kanya.

"She's a total bitch now."

Nagulat siya. Sino ba naman ang hindi? She was a girl that you might think can't break a plate.

"Hindi ko siya sinisiraan. Pero yun ang nakita ko sa kanya kanina."

Hindi siya sumagot at pinaandar na ang sasakyan. Maybe he needs time to think kaya nanahimik na rin ako hanggang makarating kami sa condo. Hindi siya sumama sa unit ko, he just bid goodbye and give me smack then pumasok na siya sa unit niya.

Pagkapasok ko sa unit ay napasalampak ako sa couch.

"You can't won over me couz. Your mother likes me more. Kawawa ka naman."

Napafist ako. Ang kapal niya. Kung ganun matagal na niya akong tinitira patalikod. Pinagtatakpan niya ang mga katarantaduhan noon para siya ang magmukhang mabait at anghel.

"Anghel sa labas, demonyita sa loob." TSS.

Hindi kita uurungan Sharlene.

Pumasok ako sa kwarto. Itutulog ko na lang 'to.

Behind her MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon