YNNA's POV
Kinabukasan late na akong nagising. Mugto ang mata at parang zombie na wala sa sarili. Madaling-araw na ako nakatulog sa kakaiyak. After the event last night ay nagkulong na ako sa kwarto ko, nakapatay lahat ng ilaw at malaya kong pinalabas ang kahinaan ko.
I cried.
Minsan lang ako umiyak at alam kong, baka huli na ito o ngayon lang talaga ito. All these years puro pagpapanggap lang ang ginawa ko.
I pretend to be happy. I pretend to be contented. I pretend that there is nothing missing on me.
I pretend even if the truth is I am not. Oo, kahit papa'no masaya ako when I'm with him pero may mga bagay na kulang talaga.
I did my daily rituals and went off to school. Yes, papasok ako. I don't care about what had happened last night. I can pretend that it didn't happen, tutal dun naman ako magaling---to pretend.
Pagkababa ko sa parking lot, samu't-saring bulungan na naman ang naririnig ko. Kesyo bakit daw ba ako nagwalk-out kagabi, kung totoo bang hiwalay na kami ni Cons and etcetera. Hiwalay na nga ba kami? Siguro. But I won't let them win. In this game they played, I'll make sure I'll win. Ako ang tatapos ng kung anong meron sa amin.
"Have you heard? Hiwalay na raw sila ni Cons."
"Really? Sinong may sabi?"
"Si Sharlene..."
Napakuyom ako sa kamao ko. Damn, Sharlene! Lumapit ako sa mga tsismosa.
"Will you just shut your fucking mouths?! Wala na ba kayong magawa sa buhay at pati kwento ng ibang tao pinakikialaman niyo! Grow up bitches!" sigaw ko sa kanila. Para naman silang natakot.
Bago ako tuluyang tumalikod ay may sinabi pa ako na siguradong maririnig ng lahat.
"To clear up your minds, hindi pa kami hiwalay. Pero siguradong magbubunyi kayo kung mangyari man yun, just wait and see."
And I left them stunned. Wala akong pakialam kung makarating man kay Cons ang sinabi ko. Diretso lang akong pumasok sa room kahit alam kong late ako.
"You're late Ms. Dwight."
I looked at her.
"Alam ko ma'am." sagot ko nang pabalang. Ngayon na siguro dapat ako bumalik sa rebeldeng Ynna. Tahimik lang ang buong klase pati na ang Esss boys.
"Sinasagot mo na ba ako ngayon Ms. Dwight?!" halata na ang inis sa mukha niya.
I rolled my eyes on her.
"Don't you roll your eyes on me Ms. Dwight! Give some respect!"
"Bakit? Sino ka ba? Pinapasweldo ka lang naman ng eskwelahang ito na pagmamay-ari ng pamilya ko." walang pakundangan kong sabi.
Halata ang gulat nilang lahat. What? Totoo naman ang sinabi ko. My family owns this university. Napatingin naman ako sa Esss boys, I smirked at them. Siguro iniisip nila ngayon kung asan na ba ang low-profiled Ynna na kakilala nila? Tss.
"W-what?" utal na sabi ng professor.
"Tsk! You heard me right ma'am. Now, if you'll excuse----"
Naputol ang sasabihin ko nang may biglang humablot sa braso ko.
"Stop this Ynna!" madiin na sabi ni Cons. Tss.
I tried to escape from his grip pero mas lalo lang niyang hinihigpitan. Hanggang sa kinaladkad niya ako palabas, ramdam ko ring nakasunod sina Migs at ang kambal sa'min. Dinala niya ako sa rooftop at medyo pabalibag na binitawan. Kita ko ang pagkainis sa mukha niya.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo?!" sigaw niya sa akin pero isang matinding 'wala' lang ang nakuha niya sa akin.
"Wala?! What happened awhile ago is not so you!!"
"Bakit?! Ano ba ang pagkakakilala mo sa akin ha?! Kayo! How well do you know me?! Nagawa niyo nga akong pagpustahan di ba?! Di ba?! Dammit!"
Tila naman para silang nabuhusan nga malamig na tubig.
"Ano?! Kaya wag na wag mong kukwestyunin ang mga ginagawa ko Cons dahil simula ngayon wala ka ng karapatan!"
"W-what do you mean?" tila natatakot niyang tanong.
"Wag kang tanga. Alam mong dito rin tayo pupunta dahil sa katarantaduhan mo at kagaguhan niyo." walang gana kong sagot sa kanya.
"No! Hindi ako papayag! You can't break up with me! You promised me, hindi mo ako iiwan!"
Nabigla ako nang lumuhod siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at dun na nagsimulang umiyak. Damn! He's crying for pete's sake. Pinikit ko ang mata ko para pigilin ang emosyong bumabalot sa akin ngayon. Oo, mahal ko pa rin siya at siguro siya lang ang mamahalin ko pero masakit na. We need this.
Tiningnan ko siya sa mata.
"You gave me reason to lose a grip on you Cons. Gusto ko munang magpahinga Cons. That bet sucks!"
Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"J-just let me explain and prove myself to you. Huwag naman ganito oh. Mahal kita. Ynna, please pag-usapan natin ito."
Pinilit kong makawala sa pagkakahawak niya. Nang makaalis ako ay umalis na ako sa lugar na iyon. Kailangan kong gawin ito, hindi lang para sa akin kundi para sa amin. Diretso akong pumunta sa music room at kinuha ang gitara. I have to release this emotion. I start to strum.
Huwag umasa na mapasayong muli.
Di malalasap, yakap ko't ngiti.
Minsan lang maipadama, pagmamahal ko 'tong sinta.
At sa akin huwag ka nang umasa pa...
Di na 'ko babalik sa'yo kahit na ano pa ang gawin mo.
Paalam na talaga, ayoko ko na talaga.
Hanggang dito na lang
Paalam na mahal ko.
Tumigil ako sa pagtugtog at hinayaang maglandas ang mga luha sa aking pisngi. Ang sakit! Hindi ko alam kong hanggang kailan ko ito kakayanin. Naramdaman kong may yumakap sa akin. Napatigil ako.
"Just go on. Release that pain Ynna, hanggang kaya mo pa." I heard Drew said so as if on cue humagulhol ako. Umiyak lang ako nang umiyak. Kahit patuloy akong magpanggap, sa huli ako pa rin yun umiiyak, ako pa rin yung masasaktan. Sumugal ako kasi akala ko magiging maayos ang lahat pero AKALA lang pala yun. Mga maling akala na bumuhay sa akin sa mundo ng PRETENTION.
Maybe it's time. Oras na para umalis sa mundo ng pagpapanggap. I want to be real. Gusto kong makita ang totoong ako.
I want this reality to be real, LITERALLY.
BINABASA MO ANG
Behind her MASK
Teen FictionSa likod ng maskara ay mga nakatagong lihim. Mga pasakit, galit, at pagkamuhi. Isama pa ang lungkot at pighati. Pretending is not easy. It may lead you to agony. Parte ng pag-ibig ang SAKRIPISYO. Ngunit hanggang saan? PAG-IBIG o RESPONSIBILIDAD? Kan...