(50.2) Belief

38 2 1
                                    


Pag dumadaan ako dito, ni minsan di ko nahalatang kainan ang lugar na 'to. It looks like a house, a beautiful house rather, yun pala kainan sya. The place is intimate pero ang nagpaganda sa lugar is yung garden stretching from the side of the resto hanggang sa likod at nilagyan pa ng table para kainan din. All in all, the place is amazing! We chose to sit sa garden sa bandang likod sa halip na sa loob. Ang ganda kasi eh tapos may small pool and lights pa sa paligid. Lalo akong natuwa sa lugar when I heard soft music on the background. Winner lang! :DD

"Nice place, isn't it?" he asked pagkaupo namin.

"Nice? It's perfect! :)" I answered enthusiastically.

After giving our orders, I busied myself on checking out the place. The place is gorgeous, really! While observing the place, di ko sinasadyang marinig ang usapan ng isang couple na nakapwesto sa katapat naming table.

Boy: I'm sorry, okay...it's also hard for me. I feel like you're slipping-

Girl: I'm slipping away from you? Di ba ako dapat ang nagsasabi nyan?! Ever since lumipat ka ng university, nag-iba ka na. Maybe its because of your newfound friends there. Since I met them, I knew there was something off with them.

Boy: Stop it! Wag mo silang idadamay dito because they had nothing to do with my decision...it's over, okay?

That's where I really gasped upon hearing the word 'over'. And what's worse, ni hindi umiyak yung girl pero halatang nasaktan sya sa sinabi nung boy. Heated ang usapan so medyo naririnig ng ibang katabing table ang usapan nila and it's shameful on the girl's part. Makipag-break ba naman yung boyfriend mo sa'yo at sa place pa talaga na maraming makakarinig. So ayun at nag-walk out si girl pero a few seconds, sumunod na din si boy. Then bigla na lang may pumasok sa utak ko na alaala, like déjà vu...and suddenly I felt something inside me..heavy..

Pain.

Then I remember it now. This is not exactly what happened then, pero pareho ng kinahinatnan. I smiled bitterly..of all days, ngayon ko pa naalala yun kung kelan ang ganda-ganda ng mood at ng lugar tapos sisirain lang ng isang alaala na kinalimutan ko na.

J: (seeing the place where the couple left) Hilig mo ding makinig ng usapan ng may usapan ah! (upon looking at me)....uy, joke lang yun!

A: Hindi, wala 'to! Di ko lang sinasadyang makinig, ang lapit kaya nila!

J: Eh ba't parang affected ka dyan?

A: Nainis lang ako sa sinabi nung guy kanina. Kahit ba di ko alam ang dahilan bakit sila naghiwalay, sana gumawa pa rin sya ng paraan para ma-save yung relationship nila. If one of them is slipping away, kung gusto nilang mag- work out pa sila, hindi dapat nilang hinayaan na magkahiwalay sila, kahit na magkalayo sila. Obviously it's the guy's fault, kasi sya yung nakipag-break.

At....naawa ako sa girl. Masakit kaya yung iniwan ka ng taong mahalaga sa'yo. Kahit pa isang beses lang nangyari ang break-up, feeling mo quoting-quota ka na sa sobrang sakit.. At sa first stage ng moving on, kung ilang beses mo ding pinipilit na maging masaya, ganun din kadaming beses kang masasaktan. Kasi nga espesyal na tao ang nang-iwan sa'yo.

J: Sandali, yung babae pa ba yung pinaguusapan natin or iba na?? Parang ikaw ang iniwan eh! (laughing)

A: Pano kung ako nga yun? Are you going to laugh at me too?

Natigilan siya sa pagtawa. Knowing that I'm serious, natahimik sya even me. Siguro nahulaan na nya na yung tinutukoy ko. Hayyy, ba't ba kasi nahalungkat na naman 'to?

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon