(19.2) Sembreak Surprise

34 0 0
                                    


After kumain at konting kwentuhan, naisipan naming matulog na muna para mamaya fully charged kami sa mga escapades. Nuxx, escapades! Magkasama kaming dalawa ni ate Deedee sa isang kwarto habang sa kabilang kwarto naman sila Nikki at Ayka. Ewan ko lang kung panong hatian ang ginawa ng boys. Tulog na tulog na si ate, at feeling ko tulog na din ang iba kasi wala na kong marinig na ingay sa mga kabilang kwarto so I guess tulog na rin sila. Pero ako ang gising na gising pa ang diwa. After ilang minutes, di pa rin ako makatulog siguro dahil na rin sa mahimbing ang tulog ko kanina sa biyahe so there's no sense for me na matulog.

So I got up from bed and decided to just walk around. I wore my long sleeves, shorts and sneakers. I fixed myself and brought my Ipod, cellphone and hanky with me. Hindi naman kasi ganun kalamig dito sa Tagaytay, medyo mahangin lang so baka mamaya pa lumamig pag gabi na. Nagpaalam ako kela Mame at Dade na maglalakad-lakad lang ako sa labas. Magi-ingat daw ako at dalin ko daw ang phone ko in case of emergency. So ayun at lumabas na ko.

Naglakad-lakad ako while listening to the music played on my Ipod, which really relaxes me. Dahil bundok tong lugar na to, hindi patag ang daan. May times na paakyat ang dadaanan mo, minsan naman pababa kaya exercise na rin 'to. Nasa loob kasi ng isang subdivision ang resthouse kaya naman marami rin akong nakikitang mga bahay na kasing ganda din ng tinutuluyan namin. Mas lalo akong na-relax sa pag-ihip ng hangin. Kahit na maaraw, mahangin naman kaya ayos lang. Napansin kong puro puno din ang lugar na 'to, unlike sa ibang subdivision na puro bahay lang ang nakatayo.

Binuklat ko ang cellphone ko to see kung may message. Nakita ko na nag-message pala si Majoy. Inip na siguro 'to sa bahay, hah!

From: Bes Majoy <3

Tawag ako. Conference call tayo.

Magrereply pa lang sana ako nang tumawag na sya. Speaking of! Kaya sinagot ko na.

A: Hey, bes!

M: Bes! I miss you!

S: Wow ha! Parang di tayo nagkita kahapon ah.

M: Tse! Manahimik ka pa dyan, Sammyboy!

S: Eh di sana di mo na lang ako sinama dito noh. Tss..

A: So ano 'to, sinama nyo lang kami ni Ara para makinig sa bangayan nyo?!

Ar: Hay naku, Mela, kaya nag-initiate ng conference call yang si Majoy kasi bored na yan sa bahay.

A: Haha! Kaya pala!

S: Aw. Wawa naman si Majoy. Huhuhu.. (nangaasar naa tono)

M: Tse! Ba't nyo ba ako pinagtutulungan?! Masama bang ma-miss ko kayong lahat?!

Ar: Geh push mo yan bes!



Ayun at nagusap-usap lang kami habang naglakad-lakad ako. Minsan nga nakikinig na lang ako sa kanila eh. Hanggang sa nagba-bye na kami sa isa't isa. Grabe nakaka-miss din pala sila! Mapasalubungan nga yung mga yun. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad, with music still on my ears. Kumuha na rin ako ng mga pics gamit ang cellphone ko. Sayang dapat pala hiniram ko yung DSLR nila kuya Jasper para maganda-ganda ang kuha ko! Pero keri lang at kumuha pa din ako ng pics. Ganda talaga ng view dito! Walang masyadong dumadaan na sasakyan kaya gora lang ako sa paglalakad sa daan.

Dahil sa kagustuhan kong makakuha ng magandang shot, pumwesto ako sa gitna ng daan para makuha ito nang maganda. While trying to gain a good view, may narinig akong faint na sound, na alam kong di galing sa song na pinapakinggan ko. Then it became louder and louder as if palapit nang papalapit yung pinanggagalingan. Hanggang sa naririnig ko na talaga sya inspite of the ringing song in my ears. Busina pala ng sasakyan yun kaya tumingin ako sa harap ko at nakita ko ang isang pulang kotse na papalapit sakin.

"Shit!"

Mabilis ang takbo ng kotse kaya naman dali-dali akong tumabi sa gilid. Sa paghahadali, napatid ako ng tali ng sapatos ko na naka-loose pala. Sa pagkapatid ko, nabitawan ko ang cellphone ko at nahulog sa semento. Humarurot na dumaan sa harap ko ang kotse, buti na lang nakatabi na ako sa gilid. Tumayo agad ako at tiningnan ang sarili ko kung may sugat ako. Chineck ko ang binti ko, buti na lang walang sugat, naka-shorts pa man din ako. Pinulot ko na ang cellphone ko, buti na lang di nasira. Shit talaga yung kotse na yun!


"KASKASERO! SANA MABANGGA KA!"


I shouted those words at the top of my lungs, thank God walang katao-tao kung nasan ako. Buwisit na kotse yun! Bet ko pa naman yung sasakyan nya! Ugh! Okay Mela, breathe in breathe out. Wag mong sirain ang bakasyon mo over this! Naisipan ko na lang na ilakad itong init ng ulo ko. Thank God again for the wind na para bang pinapawi ang init ng ulo ko. Nung okay na ako, naisipan kong bumalik na ng resthouse. Nasa may labas na ko ng bahay at nakita ko ang tropa na nakatambay sa garden. Pagkapasok na pagkapasok ko, binalita ko agad sa kanila ang nangyari sakin.

"Guys, you wouldn't believe what happened to me kani-"

"Sis, you also wouldn't believe kung sino yung dumating!" singit ni Nikki.

I was cut off by what Nikki said. Then napansin ko na may kasama pala silang lalaki na nakatalikod sakin. Nakatayo sya habang nakikipag-kwentuhan sa tropa. Then I realized while scrutinizing his built kung sino sya. Nung malaman nyang may dumating, humarap na sya sakin gaya ng buong tropa. Kahit na may shades pa syang suot, kilalang kilala ko pa din sya. Tinanggal pa nya ang shades nya at naka ngiting bumati sakin.


"Nice seeing you again, Mela!"


Yeah, I really couldn't believe it.



Jake's here.

----------------------------------

Surprise, surprise! :D

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon