(7.1) Check-up or Check-out?

57 1 1
                                    


August na nga pala, third week actually. At ramdam na ramdam ko na ang hirap at stress sa studies. Super stress to the nth power talaga kasi may mga major na kami this semester. Hindi naman ako yung super talino, sakto lang. Sila Majoy at Ara, ganun din. Pero di naman sa pagmamayabang pero...ehem...mas may alam ako. Okay tama na yun.

"Okay class dismissed!"


Sa wakas, narinig ko na rin yung magic words ng prof namin! As if on cue, sabay-sabay nagsitayuan ang mga block mates ko. Atat din?! Kasi naman medyo boring yung discussion ngayon, jeez! Kaya tumayo na rin ako at lumabas ng room. Nag-stretching ng konti para magising. FYI, break name nga pala namin.



Ar: Gutom na ko, bes! Tara na!



A: Lagi ka namang gutom eh! Kelan ba hindi?!



M: Corrected by! May butas ba yang tiyan mo at oras-oras kang gutom?!



Ar: Sobra ka naman, bes! Magagawa ko eh ganito talaga eh. Walang basagan ng trip!



A: O baka naman nabuntis ka na ng BF mo at naglilihi ka na?? Umamin ka na.



M: Oo nga noh! Umamin ka na bes! Ninang kami ha!



Ar: Che! Mga sira! Di noh!



Tumawa na lang kami. Nagjo-joke lang naman kami eh. Ang totoo nyan, saming tatlo si Ara talaga ang malakas sa mga foodtrip. Laging gutom eh, magugulat ka na lang hahatakin ka na nyan para magpasama sa canteen o ano mang food stalls na madadaanan. Yep, ganyan sya ka-grabe kung kumain.



Nung nasa canteen na kami, umorder na kami ng pagkain at umupo. Syempre while eating, tuloy pa din ang chikahan.



A: Oy nga pala, kamusta naman ang mga BF nyo?



Ar: Talagang mga BF lang namin kakamustahin no bes?! Paano naman kami, di mo kakamustahin?! Nakaka-jelly ah! (Kunwaring nagtatampo nyang sabi as akin)



A: Gaga! What I mean is kamusta naman ang relationship nyo?



M: Haha ayun! Okay naman kami ni Terrence. Pinahihirapan ko pa, he-he-he.



Ar: Ganun din kami, minus the pagpapahirap kasi kami na naman, he-he..



M: Sus, if I know pinahihirapan mo din yang BF mo! Ikaw pa dami mong arte eh. Drama pa!



Ar: Hah! Excuse me noh!.......Pano nyo nalaman?! XD



Hahahahahahahahaha!! As in LOL, laughing out loud talaga kami ni Majoy dun! Lakas talaga ni Ara kahit kelan, as in! Sa lakas ng tawa namin, yung ibang estudyante at tindera nakatingin na rin sa'min. Tinakpan ko na tuloy yung bibig ko para mapigilan ang tawa ko pero di ko talaga kaya. Ang sakit sa tiyan shet! 😆



Ar: Grabe ka Mela, ang pula mo na! Ikaw na tisay, kainis!



M: Haha oo nga! Makatawa wagas tapos yung mukha mo mukha ng kamatis!



A: Eh kasi naman (tawa pa din) si..si Ara kasi ang lakas eh! Yung totoo ano nahithit mo?! XD



Pero di nila ako pinansin at nagkatinginan sila. Tapos biglang ngumiti nang nakakaloko. Uh-oh. This is not good. Napasubo tuloy ako ng pagkain ko. Nakuuu!



M: Ehem...bes, natahimik ka? Anyare sa'yo??



Ar: Nga naman bes. Kanina sarap ng tawa mo, tapos natahimik bigla. Bipolar ka teh?!



My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon