Title inspired by a line from AJ Rafael's song. :)
=======
Nagkakagulo na naman po sila.
Sino SILA?
Well, nagkakagulo lang naman ang mga CSSPians.
Bakit?
Una, its their college night. Syempre bago pumasok sa venue (activity center), hahanapin muna ng mga estudyante ang mga kaklase nila para makita ang suot nila. Or may ilan namang ba magsisikuhanan muna nyan ng mga selfies para may maipost sa mga IG account nila.
As usual, ganyan din ang peg ng mga bida natin, lalo na ang magkaibigang Majoy at Ara. Syempre no choice si Mela na makisama sa mga selfies nila and to make it more awkward, kasama si Sammy. Alam nyo na naman ang nangyari right? So there.
And another reason kung bakit nagkakagulo ang ilang estudyante?
May outsiders na nakapasok ng AC.
MELA
I never should have come.
Well, that's half true kasi gusto ko talagang pumupunta ng night pero ngayon parang gusto ko nang umuwi. Bukod sa hindi ko bet ang nakuha kong damit for this party, I could feel the tension on this table. At kahit na nagsisidaldalan sila Majoy at Ara na kala mo nageenjoy sa party, alam kong ramdam din nila ang nararamdaman ko. Di lang nila pinapansin.
At kahit na anong pilit kong pagbaling ng atensyon ko sa kinakain ko, di ko magawa lalo na't may taong sulyap ng sulyap sa side ko habang kumakain. Don't mind it, Mela! Kunwari walang Sammy Bagay na tingin nang tingin sayo, okay!?
Hanggang sa binuksan na ang dance floor, ganun pa rin si Sammy. I'm actually surrounded by our friends in our block and I'm trying hard to blend in in the festive mood. And from my peripheral view, nakikita ko na kausap nila Harvey at Jayson si Sammy. Sa iisang table kasi kami nila Majoy, Ara at Sammy. Since magkakalapit lang naman ang tables namin, naisipan nilang pagdikit-dikitin na lang para magkakasama kaming lahat.
Para di tuluyang masira ang gabi ko, I joined my other friends on the dance floor. Majoy was already giving me the 'look' which means I should talk to Sammy already pero umiwas ako ng tingin sa kanya and made my way to my friends dahil ayokong masira na naman ang college night ko for the second time. Di ba nila ako kayang pagbigyan for that?
My question was answered when someone grabbed my arms and dragged me away on the floor. Sa sobrang gulat at dilim ng paligid, di ko makita kung sino ang kumaladkad sakin hanggang sa mapunta ang ako sa gilid ng stage. Only to find out na ang kumaladkad pala sakin ay si Tina at Ara at ang nakita ko sa gilid ng stage? Si Sammy lang naman at si Majoy.
"Peace, 'be!" Sabi sakin nila Tina at Ara and I just smiled in return.
"C'mon Majoy! Di mo naman kelangan gawin to eh. Mela's not ready yet!" Sammy protested
"Believe me, I'm just doing you a favor. Pag di ko ginawa to, tuluyan ka nang mawawala sa kanya!"
"Bes!" I gave her a glare.
"Talk, okay?" Majoy seriously said.
The three of them left us alone.
"Believe me, that's not true." I said
"Really? But why do I feel that it's bound to happen?" Sammy answered, looking hurt.
I looked away, feeling guilty at the thought. Sa ginagawa kong pag-iwas sa kanya, it does look like I'm starting to drift away from him. And every second of it makes me want to face the fact na ganun na nga ang mangyayari sa amin. Just when my eyes are on the verge of tearing up, his hands lifted up my chin to face him.
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...