Tutal Sabado ngayon, naisipan kong mamasyal sa bayan. Wala kasi akong magawa eh. Sa totoo lang, I'm a homebody. Mas gusto ko sa bahay tumambay kesa gumala kung saan saan. Lalabas lang ako pag may nag-aya sakin lumabas. And since wala akong magawa sa bahay ngayon, naisipan kong pumunta na lang ng bayan. Wala akong magawa eh. Wala namang magandang mapanuod sa tv. Kung magbabasa ako, wala naman akong mabasa na libro dahil nabasa ko na lahat ng libro ko sa bahay. Ayoko namang basahin ang lessons ko, nakakatamad. Pag magwa-Wattpad naman ako, hindi pa tapos yung mga stories at mabibitin lang ako. Kaya nagbihis na ako habang nagiisip kung anong pwedeng bilin mamaya."ALAM KO NA!!"
Muntanga lang noh? Sumisigaw ako mag-isa sa kwarto ko. Ganun kasi talaga ako pag may naisip akong gawin. Naisip ko na kasi kung ano ang bibilin ko. And that is....a book. Yep, a book. I'm a bookworm kasi. Mahilig akong magbasa ng novels especially if the plot has a light genre, like fantasy, chicklit, romance and mystery, yung mga ganun. Nakakaaliw kasi eh. Lalo tuloy akong nahilig nung na-discover ko yung Wattpad, yung site ng mga free online stories. And lately, some of those stories become a hit at nai-publish into books. Buti nga kahit nabasa na sya online, binibili pa rin sya sa bookstores. And right now, iyun ang bibilin ko.
It's Saturday kaya naman nandito rin sa bahay sila Dade at Mame. Si Ate Deedee mamaya pa uuwi galing sa apartment nila sa Makati. Dun kasi sya nagwo-work eh. Si Nikki, yung isa ko pang sis, ayun nagfe-Facebook. Maya-maya lalabas na yan with her friends. Gala yun eh, a total opposite of me.
Nagpaalam na ko kela Mame at Dade na kasalukuyang nanonood ng tv sa sala. Nandun din si Nikki.
(Me = Mame, De = Dade, N = Nikki)
A: Me, De, punta lang po ako sa bayan.
Me: Magi-ingat ah.
De: Ibili mo na din ako nung gamot ko. O eto pera. (abot ng pera)
A: Sige Me, De.
N: Uy, bili ka fries sa Jollibee ha!
A: Oh, money down. (nilahad ko yung palad ko para abutin ko yung pera)
N: Libre na! thank you!
A: Wala ako pera! K bye!
N: Eeeeehhhh....
At ayun, nagngangangawa na naman yung kapatid ko. As if namang may pera noh! If there's one thing you need to know about me, that is yung kuripot ako. Yeah, kuripot ako. Kaya hindi ako madalas manlibre. But when it comes to myself, hindi ako magkukuripot. Saka na lang ako manlilibre nang bongga pag may work na ko.
Naglakad lang ako papuntang bayan total malapit lang naman. Nung nandoon na ako, may nadaan akong tiangge na nagtitinda ng mga damit. Then an idea struck me. May bago nga palang labas na damit ang Pambansang! Na-excite na naman ako! What's Pambansang?? Actually, the real name is Pambansang.com. Name sya ng isang clothing apparel sa bayan. Hindi lang sa basta basta kagaya nung mga damit sa tiangge. Usually na binebenta nila ay mga t-shirt, ID lanyard, accessories na magaganda quality pero kahit ganun afford pa rin naman. Pero wag ka! Sa Bulacan lang meron nyan! Para kasi syang souvenir shop kasi ang designs nila ay about sa culture and heritage ng Bulacan. Mas patok sya sa mga kabataang gaya ko pero meron din namang bumibili na mga oldies.
Buti na lang may branch dito sa Malolos ng Pambansang. Para di ko na kailangang dumayo pa ng kabilang bayan. So bale dalawa yung bibilin ko today: a book and a t-shirt. After kong bumili ng libro, dumeretso na ako sa Pambansang. And nasabi ko na bang magkatabi lang yung bookstore at Pambansang?
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, tumambad na kagad sa'kin yung t-shirt na bibilin ko. Wow! Usually kasi mga statement shirts ang binibili ko dito, gaya na lang nung bibilin ko today na nakalagay eh HINDI LAHAT NG MAGAGANDA ARTISTA..YUNG IBA BULAKENYA. Ang taray noh? Infairness, ang daming tao today. At nasabi ko bang maliit lang ang store na 'to? Siguro benta din sa karamihan ang bagong labas na design. Kaya kumuha na ako ng t-shirt na size ko at sinukat. Then pumila na ko sa cashier right after.
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...